CHAPTER 27: Saved

1.2K 46 0
                                    

AC's POV

Kakatapos ko lang maligo at hindi na ako nakapagsimba kasi nga late ako nagising so ayun lang pababa na ako ng hagdan ng makita ko si Ren na papasok sa pinto. Anong ginagawa niya dito?

"AC!" sigaw niya.

"Anong problema mo? Bat nandito ka? Tsaka wag ka ngang sumigaw!" Bakit ba siya nandito? Tsaka basa pa yung buhok niya at wala pang suklay.

"May pupuntahan ka?" tanong niya na parang hinihingal.

"Wala naman bakit ba?" sagot ko sa kanya. Anong problema neto!

"Sina tita nasaan?" tanong niya ulit.

"Wala nagrocery bakit ba? Anong problema mo?" tanong ko ulit. Nakakainis na ah ang dami niyang tanong.

"Mag isa ka lang dito?" tanong niya ulit.

"Bakit ba tanong ka ng tanong? Ano bang problema mo?" ang weird lang kasi.

"Just answer the fucking question AC!" inis niyang sabi.

"Ano naman sayo kung ayokong sagutin?" pagtataray ko.

"God AC!" inis niyang sambit.

"May nakikita ka bang kasama ko dito? May iba ka bang nakikita bukod sakin?" tanong ko sa kanya.

"Wala." maiksing sagot niya.

"Edi alam mo na yung sagot sa tanong mo! Gamitin mo kasi yung mata mo hindi puro tanong lang ng tanong!" pangangaral ko sa kanya at nagtungo na sa sala para manood.

Umupo na ako sa sofa at binuksan ang TV sumunod naman siya at umupo sa single sofa.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" tanong ko habang nanonood.

"Nothing. I just came here to check you out." mahinahong sagot niya.

"Kaya ko ang sarili ko." pataray kong sagot.

Habang nanonood kami ay biglang may tumunog. Kakapain ko na sana yung bulsa ko pero naalala ko na nasa taas pala yung phone ko. So kay Ren nga yung tumunog? Sinagot niya naman iyon agad at sinenyasan niya ako na pupunta daw muna siya sa labas.

Nanood lang ako at mga ilang minuto lang ay pumasok na siya. Mukang galit yata ah. Sino kaya yun? Tanongin ko kaya? Ay wag nalang.

"Sino yun?" hindi ko talaga mapigilan eh.

"Angel." bored niyang sabi. Sana pala hindi ko na tinanong.

"Ah..." yan nalang ang nasambit ko.

Makakuha na nga lang ng ice cream sa ref. Nag iinit yung ulo ko eh.

Tumayo na ako at nagtungo sa ref. Kinuha ko na ang cookies and cream sa ref at kumuha lang ako ng tubig na nakalagay sa maliit na tumblr. Bahala siya jan kala niya bibigyan ko siya muka niya dun na siya sa Angel niya.

Habang kumakain ako ay nakatingin lang siya sakin.

"What?" takang tanong ko. Anong problema neto?

"Hindi mo ko bibigyan?" tanong niya.

"Oh akala ko ba strawberry gusto mo? Wala kaming strawberry eh." pagtataray ko sa kanya. Eh bakit totoo naman ah.

"Sinong nagsabi sayo na strawberry gusto ko? " takang tanong niya.

"Diba yun yung inorder mo kahapon?" pabalang kong sagot.

My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon