"Sa panahon ngayon, marami ng babae ang nanliligaw na!... naghahabol sa mga kalalakihan, minsan pa nga! Sila na din! ang nagproppropose ng kasal... Para sa mga kababaihan! Wag na wag kayong maghahaBOL! sa mga lalaki!... Kawalan ng dignidad at respeto sa SARILI!!! mga anak, KUNG AYAW NG LALAKI SA IYO! DI WAG, WAG MONG IPILIT! ANG SARILI NIYO SA TAONG AYAAAAW! NAMAN sa iyo..." grabeng sermon ni Father ngayong homily, may diin, pasigaw, at with matching actions pa...
"Ang ibig sabihin lang noon ay... hindi siya! ang PINAGkaloob ng DIYOS! para... sa--yo! Meron PANG! lalaki ang mas deserving! at magmamahal sa iyo! WAG NA WAG KANG GAGAWA NG UNANG HAKBANG! Bakit? Kasi nga! KAWALAN NG RESPETO ANAK! paano ka naman niya rerespetuhin kung sarili mo nga, hindi mo marespeto.. DIBA?"
"Bato bato sa langit, ang matamaan wag magalit... Paalala ko ito sa inyo! at sa mga nagbabalak palang gawin... maliwanag ba?"
ang tindi Father... grabe, hati ang attention ko... habang nakikinig ako kay Father, habang sinesermon ni Father yun... nakatingin ako kay Bro. Daniel
"OPO!!" sabi naming lahat dito sa mga nagsisimba... nasa loob din kami ng simbahan ngayon... nakatayo lang dito sa may gilid sa likod...
Ee Father... paano naman po kung nagkagusto ako sa isang taong nilaan na niya ang buong buhay niya para paglingkudan ang Diyos... at sa taong.... hindi man lang nga po ako kilala... paano na yun Father?
Ni ayoko mang mag first move, wala akong choice... seminarista siya ee
Kung hindi po ako ang gagawa First move, paano naman kahit makilala man lang sana niya ko... Kahit makausap lang... or, malaman man lang niyang mahal ko siya!...
Lord, ganito po ba sa love? sabi nila... masarap daw po, pero bakit kasalungat ng mga naririnig ko ang mga nararamdaman ko ngayon? Patagal ng patagal na minamahal ko si Bro. Daniel, padurog din ng padurog ang puso ko, mas lalo akong nasasaktan, mas lalo akong nawawalan ng pagasa na...
pero...
mas lalo ko siyang.....
minamahal...
buti nalang nakafocus si mama sa mass, at least hindi niya napapansin yung super lungkot kong face... ayokong umiyak dito sa simbahan.. lugar 'to para pagsambahan ang Diyos at magdiwang para sakanya... hindi para magdrama...
sa bahay nalang...
Daniel... wala ka mang lang kaalam alam na merong isang babae dito sa loob ng simbahan ang nalulungkot dahil sayo... sabagay ikaw, nakafocus ka lang kay Lord, malamang simbahan 'to at si Lord dapat ang center of attention dito wala ng iba.. siya lang naman talaga dapat sa lahat ee.. lalo na dito sa simbahan.
habang ikaw, busying busy ka sa pagseserve ngayon... walang ibang inisip kundi ang flow ng misa... pero ako, ikaw lang ang naiisip ko ngayon... hindi ko nga alam kung good influence ka ba sakin? dahil sa seminarista ka... or bad influence, kasi mula ng nagustuahan kita.. hindi na ko nakakapagfocus sa mass, at nahati na ang attention ko...
Lord... tama ba talaga 'to?
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
VOTE. COMMENT. RECOMMEND. ADD THIS TO YOUR READING LIST
-GirlInRed_02
![](https://img.wattpad.com/cover/17122873-288-k710399.jpg)
BINABASA MO ANG
She's Stalking The Seminarian
Teen FictionAng hirap na ngang magmahal sa mga tulad nila... mas pahirapan ka pa ng pagiging ONE SIDED mo! so... This is my LIFE STORY and YES... Life Story! Not Love Story... ONE SIDED nga diba! Hindi sa Bitter huh... ayokong mag assume na LOVE STORY namin 't...