forgotten memories, turned into dreams

595 36 8
                                    

Madilim...

Sobrang dilim.

Ba't ako nandito?

Saan ako?

"Pa! Papa!" makaputok ugat kong sigaw. Sigaw ako nang sigaw ngunit parang walang nakaririnig sa akin. Takbo lang ako nang takbo pero hindi ko alam kung saan ako pupunta sa ganitong klaseng lugar. Nakakabulag... nakakabulag sa dilim. Wala akong makita, wala akong maaninag.

Napapagod na ako. Kanina pa ako tumatakbo pero parang walang daan patungo sa katapusan. Para bang walang hanggan ang dilim na bumabalot sa paligid. Napaupo ako at napahilamos sa aking mukha.

"Bakit ganito ang nangyayari sa akin?" Kasabay ng pagbuhos ng luha ko ang unti-unting paglaho ng pag-asa sa puso ko.

"Anong nagawa ko para maranasan 'to?"

Hindi ako makahinga, hinihigop ng dilim ang lakas ko. Napapabayo ako sa aking dibdib at naghahanap ng hanging malalanghap. Pero para bang ang hangin na nasasagap ko ay nakasusulasok at bumibigat ang pakiramdam ko. Sinubukan kong tumayo ngunit kasing bigat ng bato ang mga tuhod ko at 'di ko magawang igalaw.

Ba't biglang bumabalik ang mga alaalang dati ko nang kinalimutan?

Napatigil ako at naisangga ang braso ko sa aking mga mata, dahil sa isang nakasisilaw na liwanag na nagmula kung saan. Pinunasan ko ang luhang bumasa sa pisngi ko gamit ang likod ng palad ko. Para bang biglang bumalik ang lakas at pag-asa ko nang wala sa oras. Napangiti ako dala ng kasiyahan dahil sa wakas ay makalalabas na ako. Sa wakas ay maililigtas na ako rito sa mundo ng kadiliman. Dali-dali akong tumayo at buong bilis akong tumakbo upang habulin ang nakasisilaw na puting liwanag.

Malapit na...

Malapit ko nang marating ang liwanag. Sa wakas!

Pero...

Imbes na lagusan palabas ang madadatnan ko, tanging bata na napapalibutan ng liwanag ang nakita ko. Unti-unting humihina ang liwanag na nakapalibot sa kaniya, hanggang sa humubog ang liwanag sa katawan niya at do'n ko lang siya naaninag nang maayos.

Sa ganitong napakadilim na lugar, paano nagkaroon ng bata rito? Ba't siya lang ang nakikita ko? Sino siya? Ba't siya nandito? Nag-aalinlangan man, huminga ako nang malalim at buong tapang na lumapit sa kaniya.

Pero nakakailang hakbang pa lang ako ay agad din akong napatigil, dahil ang akala kong simpleng bata lang ang makikita ko, nagbibinatilyo na pa lang bata ang matutunghayan ng mga mata ko. Napapigil-hininga ako nang igalaw niya ang ulo niya at gawing lilingon sa kinaroroonan ko. Halos lumuwa ang mga mata ko at kumawala ang puso ko sa aking dibdib nang tuluyan siyang humarap.

Para bang nakita ko na siya pero ko hindi ko lang maalala.

"A-Anong ginagawa mo rito? Ba't ka nandito?" tanong ko ngunit parang 'di niya ako naririnig at aktong muli kong susubukan nang mapatigil ako.

"Mommy! Mommy!" At nagsimulang bumuhos ang walang tigil na luha sa kaniyang mga mata. Bigla akong nakaramdam ng awa nang makita ko siyang tumatangis. Sa sobrang iyak niya ay nahihirapan na siyang huminga.

Ano kayang nangyari sa Mommy niya?

Kahit hindi ako katangkarang babae, siguro ay mga nasa twelve years old siya at banda sa may tiyan ko ang tangkad niya kaya medyo napapayuko ako.

Halos lumuwa ang mga mata ko nang lumingon siya sa akin.

Nakikita niya ako? Naririnig niya ako?

These Guys ThemselvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon