confused of what have seen

403 35 7
                                    

Namayani ang nakabibinging katahimikan sa malinis, animo'y napakagandang pasilyo datapwa't saksi sa makapanindig balahibong hiyaw ng paghihinagpis. Sa kabilang dulo, may batang nagtatago sa isang sulok at lihim na nakatingin sa nakasiwang na pinto.

Mas isiniksik niya ang kaniyang sarili sa pader na kaniyang pinagtataguan nang lumabas ang doktor mula sa pintong pinagmamasdan. Luminga-linga muna ang lalaki bago tuluyang naglakad papalayo sa silid na kaniyang pinanggalingan.

Nang tuluyang maglaho ang bulto ng lalaki sa paningin ng bata, agad siyang lumabas sa kaniyang pinagtataguan at dali-daling naglakad papunta sa pintuan. Naging mabibigat ang kaniyang hininga nang mapihit niya ang doorknob at bumukas ang pintuan. Labis siyang kinakabahan sa posibleng masaksihan.

Agad siyang pumasok at maingat na isinara ang pinto at ni-lock. Bumungad sa kaniya ang nakasisilaw na liwanag galing sa kisame dahilan para iharang niya ang kaniyang payat na braso sa liwanag. Nabalingan niya ng tingin ang kapwa bata na nasa reclining chair.

Dahan-dahan siyang lumapit at base pa lang sa sinapit ng batang lalaki, hirap na hirap ito at halos 'di magawang imulat ang mga mata. Bakas sa kaniyang katawan ang sinapit na paghihinagpis. Hindi sapat ang mga pasa at sugat para ilarawan ang kaniyang mga natamo. 'Di lubos maunawaan ng naguguluhang bata kung ba't kailangan pang gawin ito ng doktor.

Bakit kailangan pa niya itong danasin? Wala naman siyang kasalanan. Kahit nasa murang edad, alam niya kung ano ang nangyayari sa kaniyang paligid. 

Napalunok siya nang wala sa oras at dahan-dahang inilapit ang kaniyang kamay sa balikat ng inaakalang natutulog na bata. Ngunit bago pa niya magawa ang binabalak ay agad siyang napaiwas nang magsalita ang naghihinalong bata.

"S-sino k-ka?" Nanghihinang tanong ng nakaratay na bata. Bahagyang nakabukas ang kaniyang mga mata at nakatingin sa 'di kilalang bisita.

Imbes na sagutin ng huli, lumapit siya rito at sinuri ang kalagayan ng batang lalaki. Pinapakita niya rito na labis siyang naaawa sa sinapit ng bata na dapat siya ang dumaranas. Nakahinga nang maluwag ang naghihinalong batang lalaki nang makilala kung sino ang nasa tabi niya.

"I-ikaw pala 'y-yan..." Bago pa niya matapos ang gustong sabihin, agad na sumenyas ang kasama na manahimik dahil  ano mang oras ay pwedeng bumalik ang malupit na doctor.

Hinawakan ng bata ang balikat ng batang lalaki at inalalayang bumangon. Nagtaka ang huli sa ginagawa ng kasama.

"A-anong ginagawa m-mo?" Tanong niya. Bago pa makatanggap ng sagot, naintindihan niya ang nais ng nag-aalalang bata.

"Huwag! Mapapahamak ka lang. A-ayokong pati ikaw ay madamay." Nahihirapan niyang usal.

"I-iwan mo na 'ko r-rito," aniya. 'Sing bilis ng kidlat silang napatingin sa pintuan nang makarinig sila ng papalapit na yabag.

Pinipilit ng kinakabahang bata na sumama sa kaniya ang kapwa ngunit nagmamatigas ito.

"Umalis ka na! B-bago ka pa niya maabutan dito!" Nag-aalalang babala ng batang nakaratay.

Dahan-dahan niyang muling isinandig sa upuan ang kasama at tiningnan sa mga mata kung desididong magpapaiwan talaga siya.

"T-teka..." Inipon ng bata ang kaniyang natitirang lakas para lang masambit ito.

Napaharap muli ang nakatayong bata na akmang lalabas at napatingin sa ginagawa ng kaibigan. May dinudukot siya sa bulsa ng kaniyang suot at sumenyas na ibuka ng kaniyang kaibigan ang palad niya na dali naman niyang ginawa.

These Guys ThemselvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon