Astrho?
Kahit saang anggulo ko man tingnan, 'di ko alam kung ba't 'yan ang unang lumabas sa bibig ko. 'Di ko alam kung bakit 'yan ang nasambit kong pangalan. Eh, hindi ko naman alam kung sino 'yun. Si Ken naman ang nasa harapan ko ngayon.
"Astrho?" Muli ko itong binanggit pero sa mahinang paraan.
Nagtataka pa rin ako pero agad din akong umayos ng tindig dahil medyo naka recover na ako at nawala na rin ang pagkakahilo ko at lumingon sa kinaroroonan ko si Ken. Tipid akong ngumiti pero agad niya ring itinuon ang atensyon niya sa ginagawa niya.
Lumipas ang ilang minuto at matibay pa rin akong nakatayo't naghihintay. Sa wakas, tapos na rin si Ken sa kanyang ginagawa at hinihingal na lumapit sa akin. Huminga siya nang malalim sabay ngiti at inalok niya sa akin ang maputi't makinis niyang kamay na para bang isang lalaking nag-aanyaya ng sayaw.
Nang dumampi ang kamay ko sa kamay niya, lingid sa kaalaman niyang kinikilig ako. Magkahawak ang aming kamay habang binabaybay ang tahimik, madilim na daan. Lumingon muna ako sa iniwan namin at napangisi ako nang wala sa oras.
Nakangiti akong nakatingin sa daan at pasimpleng sumusulyap sa katabi ko. Sa pang anim kong sulyap, nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko.
Ngayon ko lang napansin na nakasuot ng hoodie jacket si Ken. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin at tinanggal ang may kalakihang hood na nakatakip sa kanyang ulo, gamit ang kaliwa niyang kamay.
Naging mabibigat na hininga ang naipapakawala ko at napahigpit ang hawak niya sa kamay ko na halos masaktan na ako. Sinubukan kong bitawan ang kamay niya pero siya naman 'tong hindi bumibitaw. Unti-unting namumuo ang mga nagbabadyang luha sa aking mata at napapakagat ako sa aking ibabang labi dahil sa sobrang takot.
Nakangiti siya sa akin pero taliwas naman ang pinapakita ng mga mata niya. Ano mang oras ay pwede niya akong sakmalin.
"H-hindi... h-hindi ikaw si K-Ken!" Nauutal kong saad.
"HINDI!"
Agad kong naimulat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang mukha ni Ken habang bahagyang nakakunot ang noo niya.
Klarong-klaro at kitang-kita ko ang guwapo niyang mukha dahil sa kung ano mang pinanggagalingan ng maliwanag na ilaw na tumatama sa kaniyang mukha.
Ang ganda naman ng panaginip ko. Ito ba ang sinasabi nilang heaven?
Napangiti ako na parang baliw dahilan para mas lalong kumunot ang noo niya at 'di ko napigilang magpakawala ng parang natatae na tawa. 'Sing bilis ng kabayo kong hinawakan ang pisngi niya para damhin.
Napapikit ako at dinadama ang napakakinis niyang mukha at 'di ko mapigilang hindi mapakagat sa labi ko na para bang sarap na sarap ako. Sadyang gigil na gigil lang ako dahil makaiingit ang kakinisan niya.
"F-Fara,"
Hala! Narinig ko pa talaga ang boses ni Ken, ah! Galing! Parang totoo.
"Hmm?" May halong pang-aakit ang pagkakasabi ko.
"F-Fara, what are you d-doing?"
"Fara!"
Parang totoo talaga! Ang galing! Iminulat ko ang mga mata ko at sana, 'di ko na lang ginawa na lubos kong pinagsisisihan.
All this time, totoo pala lahat?!
Paano na! Anong mangyayari sa akin?
Isang malaking kahihiyan. Gosh! Nakakainis!
BINABASA MO ANG
These Guys Themselves
Mistério / SuspenseDespite the misery, sorrow, and agony she's experiencing in her life, Tiffara Maqueguerl, a joyful, humorous and delicate lady, stumbles upon a lifelike world she have never imagined. She sees that world what she wants to. She sees it a dream, a par...