Dahan-dahang pumasok ang lalaki sa classroom at huminto sa harapan, tabi ni Sir Manuel.
"By the way class, nakalimutan ko pa lang sabihin sa inyo na may transferee student tayo. And dito siya lilipat sa inyo." Sabay ayos niya sa kanyang suot na antipara.
"You can introduce yourself, young man," walang emosyong saad ni Sir Manuel.
Nagsitahimikan ang mga kaklase ko at 'di talaga maiiwasang may mga babaeng parang kiti-kiti. Wagas na kiligin at patagong walang boses na nagsusumigaw at pumapalo ng katabi.
"Good morning everyone, I'm Kian Kennedy and I am from New York. I will spend my time here for the whole semester and I hope, this year will bring memorable memories," sabi niya at tipid na ngumiti.
Taray! Speaking English at galing pang ibang bansa!
Pero teka, Kian Kennedy? Sounds familiar! May kilala akong taong nagngangalang Kian Kennedy,'yung kaibigan ko. Saka ang sosyal! Galing New York! Katulad lang din nung kaibigan—
Nabitawan ko ang hawak-hawak kong ball pen at diretsong nahulog ito sa sahig hanggang sa unti-unting nabubuo ang mga conclusion sa utak ko.
Umalis si Ken sa bansa para pumunta sa New York saka ang first name ni Ken ay Kian.
Mula sa pagkakayuko ko ay bigla akong napatingin sa lalaki sa harapan.
"Ken,"
Dahil sa maraming conclusion na nabubuo sa aking isipan, bigla kong nasambit ang pangalan ng kaibigan ko. Hindi naman kalakasan ang pagkakasabi ko pero lahat ng kaklase ko ay napalingon sa kinauupuan ko. Sadyang tahimik lang talaga ang classroom. Unti-unti kong ibinaling ang tingin ko sa kinatatayuan ng lalaki at bahagyang bumuka ang bibig ko dahil abot langit ang ngiti nito, hindi katulad nung kanina.
Ang gwapo!
Sigaw ng aking isipan.
"Fara," sabi niya nang walang boses habang nakangiti.
Palipat-lipat ang tingin ng mga kaklase ko sa kanya tapos sa akin.
Napaayos ako nang aking upo at gano'n din ang mga kaklase ko dahil biglang tumikhim si Sir Manuel bilang pambabasag ng moment.
"You may now choose your desired chair to sit," walang kabuhay-buhay na sabi ni Sir Manuel.
Nagre-ready na ang mga kaklase kong babae at ang iba pa ay nagpapacute habang tumitingin si Ken ng mauupuan. Tiningnan ko ang nasa gilid ko at malas nga naman, may nakaupo na.
Sayang! Hindi makikita ni Ken ang maganda kong mukha. Wait, tama! May solusyon ako diyan!
Tumikhim ako upang marinig ng katabi ko pero 'di niya ito narinig dahil busy din sa pagpapantasya kay Ken.
Inulit ko pero hindi pa rin gumana kaya ang ginawa ko ay kinalabit ko siya sa kanyang balikat dahil nakatalikod siya sa akin. Kahit kalabit ay walang effect sa kanya dahil busying-busy siya sa paghubad kay Ken sa marumi niyang utak. Kaya hindi na ako nakapagtiis ay binatukan ko siya.
"Aray! Ang sakit!" Maarte nitong daing pero nagkunwari akong walang nangyari at tumingin siya sa akin pero nginitian ko lang. Halos magsalubong ang dalawang kilay nito at padabog na kinuha ang bag niya at tumayo. Inaayos niya ang kanyang mga gamit at supladang tumingin sa akin.
"Oo na! Aalis na ako! 'Wag ka nang mambatok!" maktol niya habang tinitiis niyang pumutok sa galit at isinukbit ang bag niya sa kanyang balikat at umalis.
"Thank you!" Pahabol kong sabi at inirapan lang ako.
Tumingin ako sa kinaroroonan ni Ken at 'di pa rin siya makapili ng mauupuan.
BINABASA MO ANG
These Guys Themselves
Mystery / ThrillerDespite the misery, sorrow, and agony she's experiencing in her life, Tiffara Maqueguerl, a joyful, humorous and delicate lady, stumbles upon a lifelike world she have never imagined. She sees that world what she wants to. She sees it a dream, a par...