attacked alone, but someone interfered

223 29 9
                                    

Naputol ang kanilang pag-uusap nang makita ako ni Papa.

"D'yan ka na pala, anak. Kanina ka pa ba diyan?" Nauutal na saad ni Papa.

"Bago pa lang, Pa," walang emosyon kong sagot dala na rin ng pagod.

Tatanungin ko sana si Papa kung ba't naisingit sa usapan nila ang pangalan ko nang tumayo ang bisita niya upang magpaalam. Tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo, pero bago siya umalis, bahagya siyang lumingon sa kinatatayuan ko na tanging kalahating parte lang ng mukha niya ang makikita. Pero, 'di ko ito nakita dahil mabilisan ang paglingon niya.

"I have to go Doctor Richard."

Saka sinuot ang hood ng itim niyang jacket at naglakad patungo sa pintuan papalabas.

'Di ko alam kung ba't paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko ang boses niya. Hanggang sa tila naging pamilyar ito sa akin at para bang hinahanap ito ng tainga ko at gustong marinig muli.

Kasi nagpareho ang boses niya sa taong kilala ko.

Nakadadalawang hakbang pa lang ako nang magsalita si Papa.

"Saan ka pupunta, anak?" Nagtatakang saad ni Papa.

"Ah, eh... Wala magpapahangin lang." At tanaw na tanaw ko pa rin ang labas kahit na nasa loob ako, dahil gawa sa glass na nagsisilbing pader sa pintuan. Nasa gate na siya hanggang sa tuluyan na siyang nakalabas.

Walang sabi-sabi nang humakbang ako at unti-unting naglakad hanggang sa naging takbo ito para sundan siya, at binalewala ko ang mga tanong ni Papa habang dire-diretso kong tinatahak ang daan palabas.

• • •

'Di pa rin ako tumitigil sa pagsunod sa kanya at napansin kong dumidilim na. Bigla akong nataranta nang huminto ito sa paglalakad habang nakapamulsa at lumingon sa kinaroroonan ko na siyang dahilan kaya agad akong nakapagtago sa likod ng mga balde ng basurahan.

Kahit mabaho, kakayanin. Buti na lang at malaki itong mga garbage can para maitago ang sexy kong body.

Sumilip ako nang kaunti at nakita ko siyang palinga-linga na para bang may hinahanap. Ngunit 'di ko pa rin maaninag ang buong pagmumukha niya dahil na rin sa dumidilim na at ang may kalakihan niyang hood.

Lakad dito, tago doon. 'Yan lang ang tangi kong nagagawa habang sinusundan ko siya. Ang layo naman kasi ng pupuntahan niya! Nakaka-stress! 'Di ko namalayang nawala sa paningin ko si Mr. Guy in Black Hood.

'Di ba ang galing ko! Agad ko siyang nabigyan ng pangalan.

Tatayo na sana ako sa aking pinagtataguan nang nanlaki ang mga mata ko dahil may kung sino ang nagsalita sa likuran ko.

"Mag-isa ka lang, Miss?" Boses pa lang ay nakasisindak na, pa'no pa kaya kung makita ko ang mukha?

Hindi dalawa ako.

Gusto ko sana 'yon sabihin pero mas nangingibabaw sa akin ngayon ang takot. Pero kailangan kong maging matapang dahil parang alam ko na yata ang binabalak niyang gawin.

"Halika! Ihahatid kita sa pinapangarap nilang heaven at sisiguraduhin kong 'di maalis-alis ang ngiti sa labi mo," sabi niya at nakasisigurado akong nakangiti siya nang nakaloloko kahit hindi ko pa siya hinaharap.

Na estatwa ako sa aking kinatatayuan dahil sa sinabi ng lalaki. Lalo na nung sinabi niyang ihahatid niya ako sa heaven.

Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko at humarap.

"Sorry, kuya! Hindi ko kasi alam ang heaven, eh! Sa'n ba 'yun? Ang alam ko lang po IMPYERNO! Doon po hinahatid ang mga masasamang tao!" Diniinan ko talaga ang salitang impyerno.

These Guys ThemselvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon