doubtfulness mind

223 26 0
                                    

Tiwala,

Katapatan,

Pagmamahal...

Hindi ko matanggap na ibinigay ko ang lahat ng iyan at buong puso ko siyang minahal sa puntong wala na akong itinira sa sarili ko para lang sa kaniya, tapos 'yon ang ibabawi niya sa akin? 'Di ko lubos na maunawaan kung paano niya 'to nagawa sa akin. Paano niya ako nagawang pagtaksilan? Bakit? May mali ba akong nagawa? Mali bang mahalin siya? O 'di pa 'yun sapat para sa kaniya?

Saan? Saan ako nagkulang?

Kahit ilang oras o taon pa ang lumipas, hindi pa rin tuluyang naghihilom ang sugatan kong puso't-isipan dulot ng masalimuot kong nakaraan; nakaraan na kasama siya. Nang dahil sa kaniya kung ba't ako nagkaganito ngayon.

Ang sakit! Ang sakit... sakit...

Nagising akong lumuluha at basang-basa ang unan ko. Iwinaksi ko ang masalimot na alaala na 'yon at napawi ito nang bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi.

'Di ko maiwasang mapangiti sa mga sinabi ni Ken.

Pero bigla rin akong kinilabutan nang maalala ko 'yung ginawa kong kababalaghan. Sa susunod, magdo-double check na ako kung nagmamalik-mata lang ba ako o hindi.

Ang tinutukoy ko ay ang kahihiyang ginawa ko kay Ken, at hindi 'yun. Dahil ayoko nang maalala 'yun. Hindi ko maibanggit-banggit dahil alam kong may mali ang utak ko sa pagproseso sa mga nakikita ko. Bumangon akong masaya at dali-dali kong iniligpit ang aking hinigaan. Nang buksan ko ang bintana, sumalubong sa aking mukha ang sariwang hangin at napakagandang sunrise.

Pagtingin ko sa aking orasan,

6:10 ante meridiem.

"Himala, Nagising ako nang maaga!" Puri ko sa aking sarili.

Napapakanta ako nang wala sa oras. Hanggang sa bumaba na ako upang mag-almusal. Naabutan kong naglalagay ng mga plato sa lamesa si Aling Essa.

"Hi, 'Nay! Good morning po!" Bati ko kay Aling Essa.

"Magandang umaga rin, 'Nak. Naku, napaaga yata ang gising mo ngayon?" Nakangiti niyang tanong.

"Siyempre, maganda ako, eh!" Proud kong sabi na ikinangisi niya. Nilibot ko nang tingin ang buong bahay at napansin kong wala si Papa kahit sa nakabukas na pintuan ng office niya.

"Saan po si Papa?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Kanina pa siya umalis, may importante daw siyang pupuntahan. Parang wala na siyang pahinga eh!" Sagot niya sa akin.

"Gano'n na po ba yun kahalaga? Ang aga-aga naman po!" Tanong ko.

"Hindi ko rin alam, anak," aniya at natapos siya sa kanyang ginagawa at pumunta sa kusina.

Pagtingin ko sa wall clock,

6:20 A.M.

"Ang bilis naman ng oras!" Umakyat ako patungo sa aking kuwarto upang kumuha nang tuwalya para maligo na, baka ma late na naman ako!

Dire-diretso akong pumasok sa banyo at agad isinabit sa hanger ang towel ko at sabay buhos ng tubig sa aking katawan. Ramdam na ramdam ko ang hatid na lamig ng tubig.

"Kaya ayokong maligo nang maaga!" Pagmamaktol ko pa dahil hindi gumagana ang shower dahil nasira ito at kailangan pang ayusin, at wala naman akong choice kundi i-on ang faucet at lagyan ng tubig ang balde at magtabo.

Ilang minuto ang lumipas bago ako natapos, lumabas ako upang mag bihis at maagang makapunta sa school. Pagkarating ko sa sala, saktong nakita kong naglilinis si Aling Essa. Pagkakita niya sa akin, bakas sa kanyang may kakulubutang mukha ang lubos na pagtataka.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 07, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

These Guys ThemselvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon