these guys themselves

615 42 5
                                    

PROLOGUE

Sa dinami-raming tao sa mundo, bakit siya pa?

Bakit siya pa ang nakilala?

Ako ba'y minalas? O ito'y buenas?

Mga tanong na bumabagabag sa 'king isipan, magmula nang aking makilala ang lalaking 'di pangkaraniwan.

Baliw, demonyo, walang puso, kung ilalarawan. Tila oras at panahon ako'y labis na pinaglaruan. Labis na ginugulo ang aking nasasaktang damdamin at isipan.

Ginawa ko ang lahat bilang isang nagmamalasakit na kaibigan!

Ba't ako pa ang nagmukhang masama sa kanilang paningin kung ako sana'y intindihin?

Gano'n na ba kahirap tukuyin ang kasalukuyan at nakaraan? Wala na bang ibang paraan? Para matakasan ang masasalimuot na karanasan?

Pero ngayong gabi, ang mga bituin sa kalangitan ang saksi,

Saksi sa aking mga kasalanan.

Dilim ng gabi, tunog ng mga kuliglig, ang napakabilog na buwan sa kalangitan at ang dalawang biktima, ang tanging makikita't maririnig sa aking kinatatayuan.

Ilang metro lang ang layo namin sa isa't-isa ng pigurang pamilyar sa aking mga mata.

Suot-suot ko ang damit na kailanma'y 'di ko pinangarap.

Iyak lang ako nang iyak, tuloy-tuloy na dumadaloy ang mapapait na luha sa aking pisngi. 'Di ko alam kung bakit, kung paano niya ito nagawa sa akin! Sa loob ng maraming taon, bakit 'di niya nagawang sabihin sa akin? Sabihin ang nararapat kong malaman?!

Ang katotohanang dapat kong malaman . . .

Na nagpapanggap lamang siya?

• • • • •

Ang kwentong ito ay pawang kathang isip lamang ng may-akda. Kung may pagkakapareho man ang istoryang ito sa totoong pangalan ng tao, kondisyon, sitwasyon, patay man o buhay ay nagkataon lamang at 'di sinasadya.

• • • • •

BABALA:

Ang kwentong ito ay maaaring naglalaman ng maseselang tema na 'di angkop sa mga sensitibong mambabasa. Bukas at malawak na isipan ang kailangan.

• • • • •

"I'm not upset that you lied to me, I'm upset that from now on, I can't believe you" — Friedrich Nietzsche

© All Rights Reserved 2018

These Guys ThemselvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon