May batang babaeng masayang naglalakad sa luntiang damuhan. Bakas sa kaniyang mga mata ang pagkamangha at 'di makapaniwala sa mga nakikita niyang naggagandahang halaman. Umaalingawngaw sa tainga ko ang bungisngis niyang ubod nang tamis.
Masaya silang naglalaro ng lupa ng babaeng kasing rikit ng mga bulaklak na kanilang itinatanim, at marahil ang taong nagsupling sa batang babae dahil tila replika niya at nakuha lahat ng bata ang taglay niyang kagandahan.
Ang aliwalas ng kalangitan, nagsasayawan ang berdeng damuhan at ang ihip ng hangin ay nakagagaan sa pakiramdam. Tila nakikisabay ang kapaligiran sa galak nilang nararamdaman.
Ang saya-saya nila...
Tuwang-tuwa sila.
Habang ako... nakatayo, nagtatago. Tinatanaw sila sa malayo.
Gusto ko rin sumaya, gusto ko rin maranasan kung pa'no maging masaya, gusto ko rin tumawa na para bang wala ng bukas tulad nila.
Pero paano?
Kung ang mundo ko ay nababalot ng lungkot? Paano kung namulat ako sa walang hanggang kasamaan? Kung nabubuhay ako sa kalupitan ng katotohanan?
Paano ako makararanas ng kahit katiting ng kasiyahan?
Hinihingal akong nagising dahil sa panaginip ko at nang tingnan ko ang aking orasan,
3:57 A.M. Madaling araw pa lang.
'Di ko alam kung bakit, kung bakit gabi-gabi ito na lang ang napapanaginipan ko. Gabi-gabi akong dinadalaw ng bangungot. Bakit parati na lang do'n? Paulit-ulit lang.
Bata,
Babae,
Hardin...
At ako.
Ba't napapanaginipan ko ang sarili ko? Ba't nando'n ako? Saka, sino 'yung babae at bata? Kung hindi batang lalaki, batang babae naman ang nasa panaginip ko. At hindi ko maintindihan kung ba't sobrang familiar nila sa akin. Anong kinalaman ko sa kanila?
Nauhaw ako sa sobrang pag-iisip kaya lumabas ako sa kwarto ko upang kumuha nang tubig na maiinom.
'Di nagtagal nang ilang segundo ay agad akong bumalik sa kwarto ko. Tulog man ang kalahati kong diwa, pero tila sinampal ako nang malakas dahil biglang nabuhayan ako at napatili ako nang sobrang lakas at nanlalaking matang nakatingin sa sarili kong kama dahil sa 'di ko inaasahang matutunghayan.
Nakita ko ang mismong sarili kong nakahiga sa kama na nanlilisik ang mata.
BINABASA MO ANG
These Guys Themselves
Mistero / ThrillerDespite the misery, sorrow, and agony she's experiencing in her life, Tiffara Maqueguerl, a joyful, humorous and delicate lady, stumbles upon a lifelike world she have never imagined. She sees that world what she wants to. She sees it a dream, a par...