Ito ang mundo, ang Earth. Isa sa mga pinakamagandang lugar sa buong kalawakan, dahil ang mundong ito ay may buhay. Ang mundong ito ay may malawak na katubigan na may mga iba't ibang klaseng uri ng isda at iba pang mga nilalang. Meron din itong lupain na kung saan malayang gumagapang o namumuhay ang mga nilalang mapahayop man o tao.
Ang mundong ito ay hinati-hati sa iba't ibang continente, ito ang North at South Amerika, Africa, Europe, Antartica, Atlantika at Asia. Ibat ibang klase ng mga tao ang nakitira sa bawat continente may iba't ibang paniniwala at kultura lingwahe at pamumuno.
Hmmmm...
Sabi ng isang matipunong lalaki na may hawak na libro na nakaupo habang nakapatong ang mga paa nito sa ibabaw ng mesa sa isang malaking silid aklatan. Pero ang kakaiba lang sa kanya ay natatakpan ang kanyang mukha ng isang maitim na maskara.Ang mundong ito ay nakakainteresado. Meron kaya ang mundong ito? Hindi kaya ako mababagot dito? Sa tingin ko dito ako nababagay. Dagdag niya sa malalim na pag-iisip niya.
Sabi ni tandang Milbo ang mundong ito daw ay puno ng kasamahan, mga gahaman at mga uhaw sa pera o kayamanan. Ang pera ay pilak ang tawag namin dito. Pero ang pinagkaiba lang ay dito sa mundo naming ito ay may kapangyarihan kami. Hay, kung pinapayagan lang nila ako makihalubilo sa mga ibang tao sana hindi ako nababagot ng ganito. Maganda ang mundo namin kaya lang hindi ako nabibilang dito. Ang mundo ng Mageconomia el Mundo.Mageconomia el Mundo, mundo ng mga nilalang na may angking kapangyarihan, isang mundong nakatago sa ibang dimension ng mundo. Isang mundong misteryo, misteryo dahil sa kakaiba nitong mga nilalang. Mundo na kung saan Magic ang pangunahing buhay nila.
Ang mundong ito ay may apat na rehiyon.
Ang North, South, East, West Rehiyon. Bawat Rehiyon ay may namumuno.Sa bawat Rehiyon ay may kaharian, ito ay may mga hari at reyna na namumuno.
Nahahati rin ang bawat bayan sa iba't ibang estado ng bawat tao, andiyan ang mga farmers, mga nagtratrabaho sa siyudad o middle class, at mga noble o mga mayayaman, negosyante at kasali na rin diyan ang mga Royals. Napatigil siya sa nabasa niya.
Agad niyang sinarado ang libro at napatitig sa may bintana.
"Royals" hinang sambit niya.
Bigla namang may kumatok at bumukas ang pinto. Napalingon siya rito."Master Clien, nakahanda na po ang hapunan" sabi ng isang mapayat na lalaking butler.
Clien isa siyang royal. Sikat siya sa rehiyon, siya ang tinatwag na the unknown noble. Unknown kasi Hindi nila nakikita ang kanya ng mukha, lagi siyang nakacoat at bihirang lumabas sa kanilang palasyo.

YOU ARE READING
The Untitled Mage
De TodoIsang kuwentong tungkol sa magic. Tungkol sa isang babaeng taga-Earthland na napunta sa kabilang dimensyon na mundo na ang tawag ay MAGECONOMIA EL MUNDO. Sa kanyang paglalakbay sa mundong ito, my makikilala siyang mga kaibigan at bukod diyan may mak...