Chapter 2: Miss Earthland

17 2 4
                                    

Malalakas na kulog at kidlat at buhos ng ulan ang mararanasan sa buong NCR region buhat ng bagyong Agila ngayon araw, Namamataan ang mata ng bagyo sa kanlurang bahagi ng bansa , inaasahang tatama ito sa NCR papuntang hilagang Luzon. Sinuspende rin ang lahat ng klase mula primary hanggang kolehiyo. Pinapayuhan ang lahat ng mga tao na manatili sa kani-kanilang bahay para maging ligtas at kung kailangang lumikas, sumunod po kayo sa autoridad at lumikas. Jenny Curpoz nag-uulat.

"Hindi pa nga dumadating ang bagyo, anlakas na ng ulan" sabi ng mga 40 edad na babae sabay patay sa radyo at umupo sa may sahig kasama ang anak niyang humahalungkat ng cp .

Habang si Aerill na pamangkin niya ay nasa gilid na nanginginig sa takot kasi takot siya sa kidlat.

"Ughhh! Oh my goodness, walang signal" sabi ng pinsan niya na kasing edad lang niya.

"Patayin mo nga iyan, kapag tayo nakidlat bahala ka" sita ng tita niya sa anak niya.

"Whatever ma, Hindi ako takot sa kidlat, Hindi tulad ng iba diyan.. Nanginginig na" sabi ng anak niya sabay tingin kay Aerill na nasa gilid.

"Tigilan mo nga iyang pinsan mo, sige ka iihi iyan papanghi ang buong bahay hahahahahha" sabi ng tita niya.. At sabay tumawa ang dalawa Hindi na lang niya pinansin ang mag-ina dahil sanay na siyang kinuktya ng mga to. Nang biglang lumamig ang buong bahay at nawala ang kuryente. Agad naman niyang sinindi ang kanyang flashlight na hawak niya.
"Kyaaaahhh ma!!" Sabi ng pinsan niya sabay akap sa kanyang ina. Napaakap din ang kanyang ina sa anak niya.
Nagtaka ang kanyang tita kung bakit lumamig bigla ..

"Bakit biglang lumamig teka... Hoy Aerill!!! Sinarado mo ba ang bintana sa attic?" Sabi ng tita niya sa kanya.
Dahil sa nginig nito,Hindi niya masagot ang tita niya.
"HOY!! BABAE!" Napalingon siya sa tita niya.
"Po..." Sabi nito sa kanya..
"Hay, itong tangang to talga, ang sabi ko sinarado mo ba ang bintana sa attic?" Tanong niya uli sa kanya..
"Ai, nakalimutan ko po may ginaga..." Hindi niya naituloy ang sinasabi niya ng biglang binato siya ng kanyang tita ng tsinelas.

The Untitled MageWhere stories live. Discover now