Chapter 4:Acceptance

14 2 6
                                    

Si Aerill na nagmula sa mundong Earth ay tinulangan ng Hindi kilalang nilalang na nababalutan ng liwanag mula sa baha at napadpad sa kabilang mundo. Nakita naman siya ni Mang Garry, na isang water mage farmer na pipi sa may tabing ilog at tinulungan siya nito.

Sa pagpunta nina Kathlyn at Korei sa bahay ni mang Garry may nakita silang kahinahinalang tao sa bahay ni mang Garry at si Aerill iyon. Nalaman nilang Hindi siya mula sa mundo nila kaya sinuri nila si Aerill kung kalaban ba siya o hindi.

Samantala si Aerill, napagtantong nasa kakaibang dimension ng mundo. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon niya sa mga kanyang nasaksihan. Pero may mga tanong sa isip niya iyon ay ang kung paano siya napadpad sa lugar na iyon? At paano siya makakabalik sa mundong Earth.

Aerill

Waaah, mga taong may kakakyahang mag-teleport, mga taong may kapangyarihan!!!!!

AAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!

EWAN!!

NAKAKAEWAN!!

SANA MAGISING NA AKO!!!

"Aah" mahinang protesta ko sa paggagamot sa akin ni Kathlyn na may mga bukol sa kanilang mga noo. Ginagamot pala niya ako.

Pagkatapos kasi ng nangyari kanina, pagkabalik ni lolo Garry galing sa may ilog nagulat siya sa nangyari gumawa siya ng malamartilyo tubig, halos malaglag panga ko sa ginawa niyang iyon at pinukpok sa mga ulo ng dalawang ito.

Inexplain ko sa kanila at ni mang Garry ang lahat sa kanila. Kinuwento ko na din kung paano ako napadpad dito nang dahil lang sa liwanag na nakita ko sa baha kung ano man iyon nagpapasalamat ako pero bakit dito niya ako pinunta? Hindi ko mundo ito.

"Uhmm, pa..pasensiya na ah Aerill.. He he dala lang siguro to ng takot naming sa mga taga-earthland" sabi niya nginitian ko lang siya. Bakit sila natatakot sa amin?

" wala iyon, naintindihan ko kayo, ganoon din naman ang gagawin ko kapag nasa lugar niyo ako" sabi ko. Napatitig sa akin si Kathlyn. Binendahan na niya ang braso Kong ginamot niya dulot ng hamog na ginawa ni Korei. Ewan ko kung anong klaseng hamog iyon. Teka, asan pala si lolo.

Seryosong tinignan ako ni Kathlyn.
"Bakit ambait mo? Ang sabi kasi sa libro na nabasa ko, mga gahaman kayong mga taga-earth" takang tanong niya. Binaba ko ang kamay ko at tinignan siya sa mata.

"Mukhang may galit ang writer sa amin ang binasa ninyong libro" sabi ko.. Napatahimik siya.

"Hindi naman lahat kami ay ganoon, may mga mababait din, oo gahaman kami sa pera, pero para din naman iyon sa kanilang mga nais at para rin mapasaya sila" sabi ko. Napakunot lang ang noo ang dalawa, Hindi ata naintindihan ang sinabi ko. Nginitian ko na lang sila.

The Untitled MageWhere stories live. Discover now