Chapter 3: Knowing the Wierd World

17 2 3
                                    

Aerill

Nagising ako sa init ng araw na dumdampi sa aking balat. Ramdam ko naman ang pagbasa ng aking mga paa na parang may dumidila rito. Unti -unti Kong minulat ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang kahoy na kisame. Napa-isip ako, teka..

Napabangon ako, nagtaka ako sa paligid ko. Nasaan ako? Biglang sumakit naman ang ulo ko. Teka, ano bang nangyari? Ang alam ko nasa labas ako ng bahay, tama ang baha. Sina tita at Myka. Teka bakit basa ang paa ko? Napatingin ako sa mga paa ko..

"Argh! Argh!"
"Ai, aso!!" Gulat Kong sabi, halos mahulog na ako sa lakas ng kahol ng asong ito. Waaah ang cute ng aso. Sa gulat ko, tumalon ang aso papunta sa ibabaw ko,
"Woooah"
napatumba naman ako at dinilaan niya lang ang mukha ko. Ang amo ng asong to.

"Teka, teka hahaha ano ba hahaha" sabi ko, umayos ako ng upo, tumigil na din siya sa pagdila sa akin. Hinaplos-haplos ko lang ang balahibo niya.

"Ang amo mo naman" sabi ko sa aso, kinahulan niya lang ako. Bigla namang bumukas ang pinto. Bumungad ang isang matandang may hawak-hawak na tray na may pagkain. Parang familiar ang matanda.

Teka!!

Matanda!?

Aso!?
Naalala ko na.

Ang tubig....pi.na..pagalaw ng matanda ka..ka..gabi?

Pero impossible iyon.

Ah!! Baka panaginip. Walang ganoon.

Napatingin ako sa matanda. Mukhang mabait naman siya. Hindi niya ako sinaktan, pinatulog niya pa ako dito at naalala Kong sinabi niya este sinulat niya na nakita niya ako sa tabing-ilog. Totoo ba iyon o panaginip lang ulit? Hay Ewan.

Inabot niya sa akin ang tray. May laman na kanin at saka itlog at nahiwang manga. Tinignan ko siya, nakangiti lang siya sa akin na parang sinasabi ng kumain ka. Nginitian ko siya pabalik, tumango siya at umalis sumunod sa kanya ang aso.

Sa tingin ko Hindi siya masama. Tinikman ko ang pagkain, masarap siya at matamis din ang manga. May napansin naman akong papel na nakaipit sa may maliit na baso. Tinignan ko muna iyong baso may laman. Ano naman ito? Inamoy ko, gamot huh? Kasunod noon ay kinuha ko naman ang papel at binasa.

Inumin mo iyan para lumakas ka. Matagal kang nakababad sa tubig kailangan mong inumin iyan. May inihanda din akong damit diyan. Kung gusto mong maligo tumingin ka sa kaliwa mo. May pinto diyan, iyan ang banyo.

Iyan ang sabi sa sulat. Tinignan ko ang suot Kong damit, hala hindi man lang napalitan ang damit ko. Kinapa ko ang higaan ko, Hindi naman basa, o natuyo na. Teka so Totoo na nakita niya ako sa may ilog. Pero inamoy ko ang damit ko, Hindi naman ito nangangamoy ewan, nakapagtataka. Bakit Hindi niya pinalitan ang damit ko. Ai oo nga pala, kapag pinalitan niya ako, makikita niya ang katawan ko.

Ai Ewan, ano bang iniisip ko. Magpasalamat ka na lang Aerill at may tumulong sa iyo. Naalala ko lang, ang sabi niya kagabi nasa ibang mundo ako ah oo nga pala panaginip lang iyon.

Pero para kasing Totoo iyong tubig kagabi. Ai Ewan.

Tumayo ako para maligo na.

Pagkatapos Kong maligo at magpalit ng damit. Lumabas ako. Kailangan Kong magapasalamat sa matanda at kailangan ko na ring umalis baka mag-alala sina tita. Pero may bumabagabag sa akin na parang sinasabi ng aking utak na hindi ako nananaginip kagabi na Totoo iyon. Ai Ewan.

The Untitled MageWhere stories live. Discover now