AUTHOR'S NOTE
Hello sa mga readers! Haha sorry ngayon lang nag-update. Sa mga readers kong hindi naman ganun karamihan. Salamat po.
Lalo na kina thecookieworld at LivingRose_16
Salamat...
Anyway ito na ang Chapter 8 kung magulo. Sorry ah, talagang magulo ako hahahaha.
Baka mahaba-habang update na naman kasi. Busy ako sa pagtatambay hahaha.
Magbabasa muna ako.
Anyway ENJOY!!
------------------
Lumos' POV
Palakad-lakad lang ako habang nagpapahinga sina Marcus at Aerill. Hindi ako mapakali. Iba ang nararamdaman ko. Parang may mali....
"Nahihilo na ako sa iyo, Lumos..." Sabi ni Garry sa akin. Hindi ko siya pinansin. Hindi ako mapakali.
Iba talaga ang pakiramdam ko, para bang may mangyayaring masama.
"Bakit wala pa ang aso??"sabi ni Mike, ang nakababatang kapatid ni Marcus. Napatigil ako at napatingin sa kanila.
Tama siya....
ang aso ..
wala pa siya.
"Iyon nga din ang pinagtataka ko.."sabi ko at napahawak sa baba ko. Kanina pa siya nakaalis. Dapat andito na siya ngayon.
Hindi kaya...
Huwag naman sana...
Napatingin ako sa gawi nina Marcus.
Halos magaling na sina Marcus mas mabuti iyon. Nagpapahinga na rin si Aerill. Alam ko litong lito na siya sa mga nangyayari. Sasabihin ko din sa kanya ang totoo pagkatapos nito.
Pero...
Ang aso, bakit wala pa rin siya. Magaalas-siete na pero wala pa rin ang aso.
Lumipas ang oras, halos naikot ko na ang buong bahay ni Garry. Kanina ko pa hinahantay ang aso. Wala pa din siya. Ano na kayang nangyari sa asong iyon. Ughhh!!!
Hakbang dito... Hakbang doon. Isang nakakabinging kathimikan ang umani sa buong silid. Huni ng orasan lamang ang iyong maririnig. Lahat kami'y nakatungo sa pinto. Inaabangan ang aso.
Sa mahabang katahimikan, habang hinihintay namin ang aso...
*BOOOOM!!!!
Isang malakas na pagsabog ang tumama sa gawi namin. Lahat kami ay nataranta. Agad kong hinablot si Marcus dahil siya ang nasa malapit sa akin.
Napakagat ako sa labi ko. Takte!!! Hindi ko sila naramdaman. Napamulat ako ng mata at nakitang nasa loob ako ng isang water barrier. Buti alisto si Garry.
Takte!! Napalaki ang aking mga mata na halatang gulat.
Si Aerill!!
"AERILL!!" sigaw ko. Hinanap ko siya sa bawat sulok. Hindi ako makaaninag dahil sa kapal ng usok.
Pero nakahinga ako ng maluwag nang makita kong pasan siya ni Mike. Salamat naman.
Mga ilang sandali lang nawala ang barrier, mahina na si Garry. Nakita ko siyang nakayuko at hawak ang mga tuhod niya.

YOU ARE READING
The Untitled Mage
RandomIsang kuwentong tungkol sa magic. Tungkol sa isang babaeng taga-Earthland na napunta sa kabilang dimensyon na mundo na ang tawag ay MAGECONOMIA EL MUNDO. Sa kanyang paglalakbay sa mundong ito, my makikilala siyang mga kaibigan at bukod diyan may mak...