Chapter 5: The Guardian

12 2 0
                                    

Aerill

Ilang araw ang nakalipas. Malapit na akong mag-isang buwan dito. Ughhh!! Hindi pa rin ako nakakalabas sa bahay na ito. Sa tuwing aabot ang paa ko doon sa may pinto binabato ako ni Kathlyn ng apoy. Waaahhh tinoturture nila ako. Halos dito na natutulog ang dalawang babaeng iyon makasiguro lang na Hindi ako makalabas. Ilang araw na din kasing wala si Lolo Garry. Sabi niya pupunta daw siya sa may Main Palace,Ewan. Ah basta gusto ko nang lumabas.

Hays.. Napasinghal ako sa kabagutan dito sa loob ng bahay. Wala na naman akong magawa dito sa bahay ni lolo. Nakapaglinis na ako. Waah ang boring, gusto ko talagang lumabas.

Pumunta ako sa may pinto, ughhh nakakatakot ang mukha ni Kathlyn babatuin na naman ako nun ng apoy. Noong isang araw, naapkan ko lang ang pinto waaaaaahhhhhhh!!!! GRABE TALAGA SIYA!!!!!.. Tas si Korei naman wala lang. Wala siyang pake. Ugghhh ...

"Argh!!! Arghh!!" Biglang kahol ng aso. Teka, baka andito na si lolo. Hahaha.. Napabangon ako at agad na binuksan ang pinto. Pero bago ko pa maaninag ang labas.

"Aaahhh!!" Napasigaw ako. Buwisit talaga ang Kathlyn na to.
"Sabing huwag kang lalapit sa may pinto" seryosong sabi niya sabay ihip sa kamay niya. Ughhh..linagpasan niya lang ako, kasunod niya si Korei.

"Masanay ka na OK" sabi naman ni Korei sabay pat ng shoulder ko. Nakita ko naman si lolo na napakamot lang ng ulo sa may tabi.

"Lolo!" Bungad ko sa kanya. Nginitian niya lang ako. Agad niyang sinarado ang pinto at sinenyasan kaming umupo.

Mukhang seryoso sila.

Biglang tumahimik ang paligid. Umupo kami sa may sala katabi ni lolo si kathlyn at katabi ko naman si Korei. Pinatong naman ng aso ang ulo niya sa may hita ko. Hinamas himas ko lang ito.

Ilanh minito ng kathimikan ang nasa silid. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nila. Bakit ang tahimik nila?

Kinkakabahan ako? Ewan parang may kung anong mangyayari. Ano na bang mangyayari?

Kumuha ng papel si lolo Garry at nagsimulang nagsulat. Iniobserbahan ko naman sina Korei kung ano ang reaksyon nila. Seryoso din sila habang hinihintay ang sinusulat ni lolo.

Ilinagay ni lolo ang papel sa may mesa na nasa gitna namin.

Nakaharap ko ang isang pinuno ng Mage organization.

Ang sabi sa sulat niya. Nagkatinginan ang dalawa bago sila magtanong Kay lolo.

"At ano daw po?" Tanong ni Kathlyn. Teka ano bang pinaguusapan nila?
Napatingin naman sa akin si Korei na parang may gustong sabihin. Pero bumaling din agad kina lolo.

May inabot na namang papel si lolo garry.

Wala daw nagbukas ng portal

Napataas ako ng kilay, ano bang pinag-uusapan nila? Napatingin naman si Kathlyn Kay lolo.

"Huh? Paanong?" Sabay tingin niya sa akin. Ngayon alam ko na kung ano ang pinag-uusapan nila, tungkol ito sa akin. Tungkol sa pagpasok ko dito sa mundong ito.

"Kung walang bumukas ng portal, paano siya makapasok dito?" Sabi ni Korei sabay turo sa akin. Nagkibit balikat lang si Lolo Garry.

Hindi ko alam ang sasabihin dahil wala naman akong alam sa mga bagay-bagay dito eh.

"So kung walang bumukas ng portal? Isa lang ang sagot diyan, ang liwanag" seryosomg sabi ni Kathlyn habang nakatitig sa akin.

Liwanag? Isang liwanag lang iyon, pero parang oo rin , kasi puno ng mahika ang mundong to kaya possibleng may kinalaman nga ang liwanag na iyon.

"Iyon dn ang Alam ko"sabi sa sulat ni lolo. Ayokong sumali sa usapan dahil wala naman akong Alam dito eh..

Nagulat na lang ako sa aso biglan kasi siyang tumayo na tila may inaamoy.

Nagulat na lang ako sa pagtaas ng balahibo ng aso.. Parang may naaamoy tong masama o nararamdaman mula sa labas. Mahilig ako sa mga aso, halos basang basa ko na ang mga kilos nila.

Halos nagnganagalit na ang aso habang nakatungo siya sa labas. Napansin din iyon nina lolo...

Pinatay ni lolo ang ilaw..
" anong nangyayayri lolo?" hinang sabi ko.. Bigla akong kinabahan.. Pnayuko ako ni kathlyn..

"Sssssshhhhhh" sabi niya sa akin...

Biglang umihip ang malakas na hangin.. Waaahhh ang creeeepyyy...

Biglang may lumabas na usok.. Si Korei yun. Para silang naghihintay ng aambushin nila. Nasa may pinto si lolo at ready ding umatake ang aso kung sakaling bubukas ang pinto. Si Korei naman nagbilang hamog..

Habang nasa likod ako ni Kathlyn..

Ilang Segundo ng katahimikan ang nasa bahay.. Nararamdaman ko ang bawat mahihinang kaluskos ng mga maliliit na nilalang.. Lahat sila nakatutok sa may pinto..

Nang biglang...

Halos lumabas ang kaluluwa ko sa gulat ko dahil, patay sindi ang ilaw..
Waaaahhh...

Biglang umhihip ang hangin at nabuksan lahat ng mga bintana..

"Haish, anong klase siyang mage? d ko siya matukoy.." Biglang sabi ni Kathlyn.

Waaahh, natutukoy nila kung ano o sino? Wow.. Edi sila na..

Biglang may tumakip ng bunganga ko at mabilis naming naglaho...

Waah... KATHLYN!!! tulong!!

Napunta ako bigla sa mesa at nakatali pa ako, teka paanong nangyari iyon..

"Anong ginagawa mo diyan!!" Takang sigaw ni Korei.. Na NASA anyong tao niya..

Lalapitan na sana ako ng biglang may nagpop-out na nakaputing babae.. Huh???
"Uh uh.. Not yet!" Sabi niya.. Gumawa ng mist ball si Korei akmang itatama niya sa kanya ng bigla siyang naglaho na parang usok..

"Boo!!" Ngising sabi niya sa likod ni Korei.. Sinugod naman siya ng aso kaso.. Biglang nahulog at whatttt?? Tulog? Sa isang lahad lang ng kanyang kamay? What the!!

Biglang may lumipad na palaso na apoy papunta sa nakaputing babae.. At may lumapit din sa akin para kalagan ako.. Si lolo..

"Not bad, pero kulang pa" sabi ng babae.. Sabay pakita ng nasalo niyang palaso..

"Stop this Lumos!!" Sabi ng isang Boses, liningon ko.. Lolo? Nagsasalita si lolo?

Gulat kaming tumingin sa kanya..

"Ughhh!! Naguumpisa pa lang ako eh" maktol ng babae.. Hindi ko mapinta kung ano ang reaksyon nina Korei at Kathlyn Kay lolo.

"Nag..sasalita ka?" Takang tanong ni Korei..

The Untitled MageWhere stories live. Discover now