Third Person's POV
Pinalabas muna ni Mang Garry sina Kathlyn sa bahay nila. Naiwan sina Mang Garry, Lumos at Aerill.
Nararamdaman naman ni Aerill ang pagkaout of place. Hindi niya alam kung sino ang Lumos na ito at kung bakit kilala ni Lumos si Aerill?.. at bakit ang tahimik nilang dalawa na tila nagtitigan lang sila.
Hindi niya alam, naguusap na pala sila sa kanilang isip. May kapangyarihan si Lumos na Telepathy. Kaya niyang makipag-usap gamit ang isip niya.
"Anong ibig mong sabihin na siya ang tagapagmana ng kapangyarihan mo, nahihibang ka na ba Lumos Hindi mo siya anak at tsaka taga-earthland siya..." Sabi ni Mang Garry sa isip niya.
Dating magkatrabaho sina Lumos at Garry sa isang Mage organization. Si Lumos ang isa sa mga may pinakarare na kapangyarihan at sa bawat rare na magic ay dapat may isang tao lamang ang nagtataglay.
"Aba, malay ko. Oo wala akong anak pero kailangan ng tagapagmana ng kapangyarihan ko at tsaka kung wala akong tagapagmana, mawawala ang kapangyarihan ko at ayoko iyon. Kilala ako bilang si Light Lady marami nang naitutulong ang kapangyarihan ko at nang makatawid na din ako. "
Si Light Lady o kilala bilang si Light Lumos. Siya ang pinakamalakas na mandirigma ng Mageconomia el mundo. Matagal na siyang namatay at ang dahilan ng pagkamatay niya ay di pa alam.
"Anong ibig mong sabihin na makatawid ka?? " tanong ulit ni mang Garry sa kanyang isip.
"Makatawid sa kabilang buhay..."seryosong sabi niya din sa isip.. Bilang isang Rare magic user ay mahirap, lalo na kung wala kang tagapagmana.
Ilang beses na niyang hinanap ang kanyang tagapagmana sa buong Mageconomia el mundo pero hindi niya makita ito. Walang bata ang naayon sa kanyang kapangyarihan.
YOU ARE READING
The Untitled Mage
RandomIsang kuwentong tungkol sa magic. Tungkol sa isang babaeng taga-Earthland na napunta sa kabilang dimensyon na mundo na ang tawag ay MAGECONOMIA EL MUNDO. Sa kanyang paglalakbay sa mundong ito, my makikilala siyang mga kaibigan at bukod diyan may mak...
