Aerill's POV
"Wow, ang sarap naman ng pakwan na to..." Sabi ni Korei na lumalamon na sa pakwan. Bigay iyan sa akin ni Lumos, sabi niya nakuha daw niya sa gubat, bigay ng isang matandang babae, pambihirang multo, gumagala?
Buti hindi natatakot ang mga tao sa kanya. Sabagay parang tao naman ang itsura niya, iyong buhay na tao. Hindi ko nga inakala na makikita siya ng mga tao, sabi niya gumamit daw siya ng anti-astral body particle para di mahalatang multo siya. Pambihira talaga ang mundong to.Pero.... Himala, wala si Kathlyn?
"Asan si Kathlyn?" Tanong ko kay Korei, kaming dalawa lang ang nandito sa bahay ni lolo Garry. Si lolo ayon kasama ang aso niya na pumunta daw sa bayan para bumili.
"Aahh, binabantayan ang tatay niya... Baka buong maghapon pa iyon na di makalabas..." Sabi niya habang kumakain pa rin ng pakwan. Oo nga pala nalumpo pala ang tatay ni Kathlyn nang dahil sa aming mga taga-earthland, haaay mahirap talaga kapag d buo ang pamilya.
"Eh ikaw wala kang gagawin sa inyo?" Tanong ko, baka kasi naistorbo ko na sila.
"Wala, nababagot na nga ako eh... Haaaayy, gusto ko na maging isang magerean haaaayy" sabi niya, wow naubos niya ang kalahati ng pakwan ah. Ipinatong niya muna ang ulo niya sa mesa.
"Ganoon ba kahalaga ang pagiging mage. Ano.. . Ano magirian?.."
"Magerean.."putol niyang sabi sa akin.
"Oo, mahalaga iyon para sa amin ,..... lalo na kay Kathlyn.." Tuloy niyang sabi.. nakinig na lang ako sa kanya.
"Bukod kasi sa magerean ang mga magulang niya.. Gusto niyang tularan ang kaniyang ina .... si Leigh.. Ang fire mage, siya ang pinaka-astig noon.. alam mo ba taob lahat ng mga lalaking may gusto sa nanay niya... Kuwento iyon ng tatay niya sa amin... Hahaha idol ni Kathlyn ang mama niya... Kaya shhhh" tuwa nitong sabi... Natuwa naman ako sa kanya.. mabait talaga siya noh...
"Close talaga kayo noh..." Sabi ko napangiti lang siya sa sinabi ko.
"Oo, sinabi mo pa.. halos doon na nga ako matulog sa kanila eh.. iyong hindi kami magkaano-ano pero kapatid ang turingan namin.. waahh naaalala ko pa nun.. halos mangiyak ngiyak ako noon kung hindi ko siya makakasama ... Hayyyy... Nakakamiss.." nakangiti lang akong nakatingin sa kanya. Pero may parte sa akin ang inggit.

YOU ARE READING
The Untitled Mage
RandomIsang kuwentong tungkol sa magic. Tungkol sa isang babaeng taga-Earthland na napunta sa kabilang dimensyon na mundo na ang tawag ay MAGECONOMIA EL MUNDO. Sa kanyang paglalakbay sa mundong ito, my makikilala siyang mga kaibigan at bukod diyan may mak...