Jaron's POV
Nabigla ako sa tanong ni Rain kay Jan dahil sa pagkakaalam ko ay ayaw nya ng basketball.
"So pano ang arrangement natin"
Sabi ko para makapagsimula na kami
"Ano kaya kung magkapatid sa magkapatid"
Ang sabi ni Dane
"Parang maganda yang naisip mo kaso Baka mag-away lang kami ni kuya pag ako na ang magpapa-pasok ng bola kasi di ako marunong"
"Buti alam mo na pagagalitan kita"
Sagot ko naman sa kanya dahil pag sya maging kakampi ko panigurado Talo na agad kami
"Ganito na lang Girls Vs. Boys na lang para di kayo magtalo"
Singit naman ni Jan na kala mo kung sino na pasikat pero gusto yung naisip nya para di kami magtalo ng kapatid ko
"Alam mo ate Jan napaka galing mo talaga"
Edi wow sya na magaling kala mo kung sino tingnan lang natin kung hanggang saan ang galing mo
"So ano pa ang itinatanga nyo dyan maglaro na tayo sayang lang sa Oras ang pagdadaldalan nyo dyan"
Nakakainis kung maglalaro edi maglaro ang dami pang satsat
"So game laro na tayo"
Sa una Lamang na kami ng kunti ni Dane magaling naman pala sya maglaro ng basketball tapos ay tumigil kami sa paglalaro para magpahinga ng kunti.
"Ate kala ko ba magaling ka e lamang na nga kami sa inyo ni kuya Ron"
Napatawa ako ng kaunti dahil may pagkayabang din palang itinatago itong si Dane
"Alam mo Dane pinapagbigyan lang namin kayo"
"Tssss"
Asa naman sya na matatalo nila kami
"So laro na tayo ulit ate Jan galing an na natin"
"Ok"
Habang umiinit ang laro namin ay biglang natalapid si Jan sa paa ako habang nagdidreball kaya natumba kami pareho at nasa ibabaw ko sya dahil don nakita ko ang maganda nyang mga mata at mapula nyang labi
"Kuya ate ayos lang na kayo?"
Tanong pareho nina Dane at Rain
"Ahhmm so-sorry"
Iyon na lang ang nasabi ko
"Sorry din di ko sinasadya na matalapid di ko kasi ina ayos ang mga kilos ko"
Sabi ni Jan at saka sya tumayo agad
"Oo ayos lang kami"
Sabi naman ni Jan kila Rain habang ako ay parang natulala lang habang nakaupo
"Kuya anong nangyari sa'yo at natulala ka?nagagandahan ka ba kay ate Jan?"
Sabi sa'kin ni Rain na may mapang asar na ngiti hindi ko namalayan na nakaalis na sila Jan.
"Hay ang Ganda ng laro"
Sabi ko kay Rain habang Pauwe na kami ng bahay
"Ah kuya ano yung sinabi mo ???maganda yung laro o ang maganda ay si ate Jan crush mo noh?? Si kuya pumapag-ibig na!!!"
Sabi sa'kin ni Rain ng naka ngiti ba't naman ako magkaka crush doon
"Anong Pinangsasabi mo Rain baliw kabah ha"
"Grabe ka kuya nagbibiro lang naman ako ah napaka init na agad ng ulo mo.easy ka lang kuya okay?"
"Eh sino ba ang matutuwa sa mga sinasabi mo ha!?"
"Sorry na nga kasi pero alam mo kuya bagay kayo ni ate Jan"
"Nakadrugs ka ba ha kanina ka pa nakakairita na yang bibig mo napaka ingay"
Sa wakas na dito na rin kami sa amin dahil hindi na talaga ako sa bibig ng kapatid ko.
~~*~~~*~~~*~~~*~~~*~~~*~~~*~~
Author's Note:
I hope that you enjoy the story.
Sorry for the typos errors cauz' I'm too busy >____<V
BINABASA MO ANG
The Perfect Neighbors
Teen FictionJanice and her family decided to live in their new house to have new milieu.Sa paglipat kaya ng pamilya n'ya ay makakilala s'ya ng magpapatibok ng puso n'ya?Her characteristic is not the same as how as fine lady act. Jaron is a heartthrob,who really...