Chapter 16:

310 10 0
                                    

Janice POV

Ano bang meron sa mga kaibigan nya ay ayaw nya na malaman na slave ko sya.

"Hoy. Slave ibibili mo ba ako sa canteen ng makakain ko o hindi!?"

Gutom na ako ano ba naman to gutom na yung mga bulati sa tyan ko.

"Oo na sumama ka sa'kin sa canteen,sinuswerte ka naman kung ihahatid ko pa sa'yo yang pagkain mo,Ano mo ko manliligaw!?"

For your information Ikaw lang naman ang aking dakilang alalay na may sungay.

"Pwede rin. Bakit gusto mo ba akong ligawan?"

Malay ko ba,baka may gusto sya sa'kin eh di ko naman sya type diba?edi sasabihin ko na sa kanya na di ko sya gusto.

"Nahihibang ka ba!?ako?magkakagusto sa'yo?isipin mo nga yang mga sinasabi mo"

"Tsk.Tara na nga nagugutom na ako"

Sabi ko habang hinila ko sya dahil gutom na talaga ako.

"Eh alam mo ba kung saan ang canteen dito,baka naman hila ka ng hila sa'kin tapos di mo alam kung saan ang canteen"

Ano ba naman to kaya ko nga sya hinila dahil alam ko kung saan ang canteen

"Kaya nga hinihila kita dahil alam ko kung saan ang canteen"

"Eh alam mo naman pala eh ba't di ka makabili mag-isa"

Sus dami pa nitong sinasabi

"Diba SLAVE kita,kaya ako ang masusunod,okay!?"

Kaya ko nga sya slave eh para utusan ko.

"Tsk. Oo na tara na nga ang dami mo pang sinasabi"

Edi wow habang naglalakad kami sa hallway ay may narinig akong nagbubulungan.

"Girls,nakita nyo ba ang nakikita ko"~Girl 1

"Oo.Bakit kasama ni Fafa Jaron yung transferee,why!?"~Girl 2

"Ganyan ba ka OA ang mga students dito pagnakita na May kasama kang iba maliban sa mga kaibigan mo?"

Para silang mga siraulo ,eh Ano naman kung kasama ako ng ugok na to?

"Ganyan talaga pagsikat ang kasama,heartthrob pa ang ginawa mong slave.Ano kaya ang magiging reaction ng mga admirers ko pagnalaman nila na ginagawang alalay ng isang katulad mo,ang isang tulad ko"

"Aba namalayan ko,bat di mo sila tanungin,admirer mo ba ako,ha!?"

Para namang walang alam ang isang to eh.Naturingang heartthrob Wala namang utak

"Aba namalayan ko ,bat di mo tanungin ang sarili mo,May utak ka ba ha!?"

"Ah.bilisan mo na lang nagugutom na ako"

The Perfect Neighbors Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon