Janice POV
Pagdating ko sa parking lot nandon na si Dane na nakasandal sa may kotse.
"Kala ko paghihintayin mo pa ako ng isang oras"Sabi nya sa'kin habang may tinitingnan sya sa phone nya.Tapos bigla nya ulit akong tinapunan ng tingin.
"Woah...I didn't thought that you'll gonna wear that kind of skirt"he says while he scrutinizing me from head to toe.tsk...parang sira to.Sabagay ngayon lang ako nakapagsuot ng ganito at sa school pa.Madalas lang kase ako makapagsuot ng girly outfits pagkilangan talaga,gaya na lang ng family dinner namin.Gusto kase ni Mom na formal attire lagi ang isuot namin.
"Kung alam mo lang ang reason kung bakit ako nagsuot ng ganito...tsk..."Sabi ko sa kanya habang papasok ako ng kotse.Siya muna ang pinagdrive ko ng kotse dahil baka maibunggo ko lang kung saan.
"Eh,Ano ba talaga ang reason at nagsuot ka ng ganyan?eh,once in a blue moon ka lang makapagsuot ng ganyan,tapos sapilitan pa."tanong nya sa'kin habang natatawa.Sarap talagang batukan neto kaso baka mabangga lang kami.
"May isang damuho kase na walang magawa kundi mambwisit sa'kin ngayong araw."Sabi ko sa kanya.Wah...nagugutom na'ko di kase ako nakapagrecess kawawa naman yung mga alaga ko sa tummy ko.
>____<
"Dane magstarbucks muna tayo,gutom na kase ako"Sabi ko sa kanya kaya ang nangyare nag U-turn kami kahit malapit na kami sa bahay.
Habang nainom ako ng inorder ko ay bigla na lang syang nagtanong.
"Ate eh,sino ba yung nambubuset sa'yo at galit na galit ka?"
"Sino pa nga ba edi yung nasa katapat ng bahay naten"Sabi ko sa kanya,sya naman natatawa sa mga sagot ko.
"Eh Ano ba kaseng ginawa ni kuya Jaron?"tanong nya sa'kin habang natawa.Ang lakas talagang mang-asar ng isang to.Di nga alam kung kapatid ko talaga to,eh...Minsan mabait,minsan matured at kadalasan malakas mang-asar.
"Well...nilagyan lang naman nya ng chewing gum yung upuan ko,take note madaming chewing gum yung nilagay nya kulang na lang di matanggal don sa jeans ko"Sabi ko sa kanya,dapat kase yung ibang jeans na lang ang sinuot ko favorite ko pa naman yon.
"Kung madaming chewing gum yung nasa upuan mo eh,bat hindi mo napansin?"syempre pagnagdudumali di mo na mapapansin yung uupuan
mo kung may nakalagay don na kung ano."Naupo kase ako agad kaya di ko napansin,napansin ko lang nung tatayo na ako tapos parang nakadikit yung jeans ko sa upuan"sagot ko sa kanya.Sa susunod talaga titingnan ko na lahat ng uupuan ko bago ako umupo.
"Eh,tat*nga-t*nga ka naman pala eh...*hahaha*"tsk...nagtawa pa.
"Ewan ko sa'yo,bilisan mo na lang dyan at nadilim na baka mag-alala na sina Mom saten"Sabi ko sa kanya kaya binilisan na lang nya ang pag-ubos ng mga order nya.
"Hayst...baka di na ako makakain ng dinner neto,busog na ako eh"Sabi ni Dane habang nagdadrive.
"Edi matulog ka na lang agad pagdating naten"Sabi ko sa kanya.Wala naman sa kanyang nagpupumilit maliban na lang kung si Mom kase paniguradong magtatampo samin yon.
Malapit na kami sa bahay kaya inayos ko na yung nga gamit ko.Maya-maya ay tumigil na yung kotse namin kaya ang kala ko nasa loob na kami ng gate yun pala di pa bukas yung gate.
"Ano ba yan busy ata sina manang"Sabi ni Dane
"Ako na lang magbubukas ng gate,wait lang baba muna ako"Sabi ko sa kanya dahil alam ko naman na pag s'ya ang nagdadrive eh ayaw nya ng bumababa sya.
Pagkabukas ko ng gate ay ipinasok na nya yung kotse don sa parking lot.Nagstay muna ako sa may labas ng gate para makalanghap ng sariwang hangin dahil gusto ko ding magkaroon ng peaceful aura ako even though gusto kong pumatay kanina,kaso sa 'di inaasahang pagkakataon may sumulpot na damuho sa harapan ko.Mukhang mambubuset na naman sa'kin ang isang 'to.
"Mukhang tuwang-tuwa ka ngayon dahil ikaw ang laman ng balita sa school"Sabi sa'kin ni Jaron habang nagpapahangin ako.Ano bang nakain neto at may gana pang magpakita sa'kin.Ang tigas din ng pagmumukha neto dinaig pa yung malaking statue dito sa may backyard namin.Kala nya papalampasin ko lang yung ginawa nya kanina?ano ako t*nga?pag ako nakakuha ng magandang timing para makaganti sa kanya sisiguraduhin ko na magdudusa talaga sya.
"Wala ka ba talagang gagawin kung hindi bwisitin ako!?"tanong ko sa kanya baka kase may iba pa syang gagawin.
"Actually meron kaya nga nagpunta ako dito eh..."Ano naman kaya ang gagawin ng isang to?Pumunta pa talaga dito.
"Pakealam ko,tsk..."
Tatalikod na sana ako papasok sa gate ng bahay namin dahil baka hindi ako makapagpigil at mapatay yung damuho na 'yon,kaso may biglang nagsalita sa may likod ko kaya napatigil ako.
"Kuya sino ba yan?girlfriend mo?"Sabi ni Rain di nya ata napansin na ako ito even though ang liwanag naman dito sa labas gawa ng ilaw*malamang di ka talaga nya makikilala dahil naka talikod ka sa kanya idagdag mo pa na pang babaeng-babae ng suot mong damit,utak gamitin sayang ang pinag-aralan*tsk...sa susunod talaga di na ako magsusuot ng ganito.Kung ano-ano na lang kase ang naririnig ko.
=____=***hayst...
Bakit naman kase lumabas pa 'tong si Rain,papasok na nga ako ng bahay namin tapos bigla na lang syang susulpot?may lahi ba silang kabute?kung saan-saan at bigla-bigla na lang nasulpot.
Ano ba naman yan!pati yon poproblemahin ko pa?
~*~
Author's Note
Guys thanks for reading this chapter.Sorry if napatagal yung update but I'm trying my best para mapabilis yung update bawat chapter.Don't forget to add Votes,Comments and Share also you can follow my official account @_Ravenaaa_.
Lab you all❤️
God Bless❤️
~Miss A
BINABASA MO ANG
The Perfect Neighbors
Fiksi RemajaJanice and her family decided to live in their new house to have new milieu.Sa paglipat kaya ng pamilya n'ya ay makakilala s'ya ng magpapatibok ng puso n'ya?Her characteristic is not the same as how as fine lady act. Jaron is a heartthrob,who really...