-—- "Love your enemies, for they tell you your faults." - Benjamin Franklin.
——————————>>>>>>>>
Ysobel's POV
Sinimangutan ko ang lalaking dumating at muli akong humiga sa kama ko. Nakita ko ang nagtatanong na tingin ni Thea. Parang sinasabi kung sino iyon pero umiling lang ako.
"Hindi ka ba marunong kumatok, Alex?" naiinis kong tanong sa kanya. "Nakapag – aral ka nga pero asal – kalye ka pa rin," pabulong ang pagkakasabi ko noon but I made sure na maririnig niya ang sinabi ko.
I know Alex is pissed. Talagang ang dilim – dilim ng mukha niya habang nakatingin sa akin.
"Why are you thrashing your dad's house?!" iyon ang tanong niya sa akin. I can see on his face na pigil na pigil lang ang galit niya.
Nginisian ko siya. Well, parang bigla naman akong naaliw. Ang sarap kasing buwisitin ng lalaking ito.
"Pakialam mo ba? This is also my house kaya gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin. Saka ano ba ang ginagawa mo dito? 'Di ba dapat nasa Australia ka with my dad?" at inirapan ko siya uli bago ako humiga ulit sa kama.
Hindi pa man sumasayad ang likod ko sa kama ng maramdaman kong hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at biglang itayo. Nakaramdam ako ng takot dahil kitang – kita ko ang galit sa mga mata niya.
"Kahit anak ka pa ni Don Jose, wala kang karapatang babuyin ang bahay niya. You already have your own place. Doon mo gawin ang mga pagwawala mo!" galit na sigaw ni Alex sa akin.
"Let me go!" pinipilit kong kumawala sa pagkakahawak niya. "Get your filthy hands off of me!" sigaw ko sa kanya. Parang nandidiring binitiwan naman ako ni Alex.
"You and your friends are all the same. Mga walang pakielam sa lahat. Hindi ako magtataka kung isang araw pupulutin ka sa kalsada at ni isang kusing walang laman ang bulsa mo," that's what he told me.
"Ang kapal ng mukha mo! Wala kang karapatan na sabihan ako ng ganyan. Wala kang utang na loob! Ampon ka lang ng daddy ko! Napulot ka lang ng daddy ko sa kalsada at ikaw ang mas bagay doon!" galit na sigaw ko sa kanya. "Isusumbong kita sa daddy ko. Palalayasin kita dito at ibabalik kita sa basurang pinanggalingan mo!" galit na galit talaga ako.
Alex just smiled at me just like he won in this argument. Inayos pa niya ang nagusot niyang polo and parang hindi siya tinablan sa mga panlalait na mga salitang sinabi ko.
"Really? Well, let's see," iyon lang ang sinabi niya ng may himig pagmamalaki at tinalikuran na ako.
I am shaking because of anger. Ipinahiya niya ako sa harap ng kaibigan ko and dito pa sa bahay ko? Sino ba ang tingin niya sa sarili niya? Wala siyang karapatan dito dahil ako lang ang nag – iisang anak ng daddy ko. He is fucking adopted. Basura lang siya dito. Basura lang siya sa buhay namin.
"Oh my God! Yzzie! Who is that handsome hunk?" narinig kong tanong ni Thea at sinundan pa ng tingin ang dinaanan ni Alex.
"That pest is my daddy's adopted son. Ewan ko ba naman kasi kay daddy. Ang hilig – hilig manguha ng mga basura sa kalsada. Hindi na lang nakontento sa mga charity institutions na tinutulungan niya," inis na sabi ko. Shit! Naiinis talaga ako!
All I know is kasama ni daddy si Alex sa business meeting nito sa Australia. Kaya nga malakas ang loob ko na dito gawin ang party ko dahil alam kong walang makikialam sa akin. I closed my eyes dahil talagang inis na inis ako. I cannot forget how this stupid pest came into our lives.
BINABASA MO ANG
Destined to be together (COMPLETE)
RomanceYsobel Naomi Gaviola is the living example of a rich, spoiled brat kid. She can have what she wants in just a snap of a finger. She has her own place, own high end car, branded bags and shoes. She even threw parties for her friends almost everyda...