- Hard times will always reveal true friends.
Yzzie's POV
My life turned upside down after my dad disowned me. Napakalaki ng pagbabago sa buhay ko. Ganito pala ang feeling ng wala. Wala din akong mga kaibigan. Nobody wants to talk to me in our group chat kasi wala akong party na mai – offer sa kanila. Thea even blocked me on facebook. Kapal ng mukha. Samantalang dati lagi siyang dikit ng dikit sa akin dahil lagi ko siyang inililibre sa pagsa – shopping ko at pagta – travel ko. Almost one hundred thousand kaya ang nagastos ko sa kanya 'nung sumama siya sa akin sa Hongkong last month.
Pero okay lang. I don't want my friends to know what is happening to my life. Ayokong malaman nila na nagta – trabaho ako bilang receptionist kay Alex. They know how much I hate that monster. And I don't want them to know that I live in that slum. I don't want them to know that I am earning fifteen thousand a month. My god! Fifteen thousand?! A month?! Hindi ko alam kung paano ko pagkakasyahin iyon. Napaka – kuripot talaga ng Alex na ito magpasuweldo!
Naka – two weeks na rin akong nagta – trabaho dito kay Alex. Kahit paano nagagamay ko na rin ang mga gawa dito. I am always stationed at the reception. Greeting clients and taking care of the reservation. Siguro kaya dito ako nilagay ni Alex para ako ang makikita ng mga clients niya. Kasi maganda ako. Smart. I can talk to whoever customer na papasok dito.
But I learned my lesson. Hindi ko na inulit ang nangyari noon na pumatol ako sa isang nagwawalang client. I don't want to be like that bitch. In a way, even if I hate to admit it, tama naman doon si Alex. Customers are always right. And I realized mas less stressful pala kapag lagi kong sinusunod ang gusto ng mga clients. Sabi ni Anton, I should always smile at them kaya ganoon ang ginagawa ko.
Saka sa two weeks na pag – stay ko dito sa bahay – bahayan ni Alex na kasama si Josie, unti – unti ko ring nakikilala ang ugali niya. Mabait talaga si Josie. Nalaman ko na mula ng maitayo ang restaurant ni Alex, doon na siya nagtrabaho. Eighteen thousand ang suweldo niya in a month. Sabi ko nga paano niya napagkakasya iyon samantalang sa akin, isang mumurahing sapatos ko lang iyon. Nagpapadala pa siya sa parents niya, nagpapaaral pa siya ng kapatid niya. Tapos meron pa siyang hinuhulugang bahay. Tapos may ipon pa siya sa bangko! Wow. Hindi kaya magician si Josie kaya nagagawa niya iyon? Ngayon ngang darating ang suweldo ko hindi ko alam kung paano ko pagkakasyahin iyon sa loob ng dalawang linggo. Mauubos lang iyon pambayad ng utang kay Josie. Nahiya nga ako sa kanya kasi pinahiram niya ako ng pera para meron akong pamasahe. Grabe! Natuto akong mag – jeep at mag – tricycle. I am wearing my signatured clothes and high end bags tapos nakasakay ako sa trike. Parang gusto ko talagang umiyak ng first time kong maranasan iyon. Pero nasanay na ako. Malay ba ng mga kasabay ko kung original ang mga gamit ko. Ang dami ko kasing nakakasabay na kapareho kong Louis Vuitton ang bag pero alam ko naman na fake iyon. Saka pinahiram din ako ni Josie ng pambili ng pagkain. Kahit kailan, hindi ko naranasan ang ganoong trato ng mga "so called friends" ko noon. Kasi laging ako ang nanlilibre sa kanila.
Josie also taught me how to cook. Kasi sayang daw ang pera kung everyday akong bibili ng pagkain. Simple dishes lang like sautéed cabbage with ground pork. Grabe ang tuwa ko ng makaluto ako noon! First time talaga kasi kahit nilagang itlog hindi ko talaga alam gawin. I am living independently noon at lahat ng kailangan ko ay may nagpo – provide kasi tatawag lang ako at magbabayad lang naman ako. Pero ngayon, lahat kailangan ako ang gumawa.
Parang ngayon ko na – realize that my dad was right. I need to learn things the hard way para lang ma – realize ko kung gaano ako ka – suwerte kumpara sa iba. I learn how to be compassionate. Naranasan ko na kasi ang lahat ng klase ng pagkapahiya sa restaurant ni Alex. Mga clients na mayayaman na parang mga nakabili ng tao kung tratuhin kami doon. Ngayon ko naiisip ang mga nagagawa kong mali sa mga maliliit na tao. Kung paano ko sila ipahiya. Kung paano ko sila insultuhin. Grabe. Sobrang sama ko pala.
BINABASA MO ANG
Destined to be together (COMPLETE)
RomanceYsobel Naomi Gaviola is the living example of a rich, spoiled brat kid. She can have what she wants in just a snap of a finger. She has her own place, own high end car, branded bags and shoes. She even threw parties for her friends almost everyda...