"True love has a habit of coming back."
Alex'S POV
Gusto kong itapon ang financial reports na ipinapakita sa akin ni Anton. This is fucking bad. Ano ang ginawa nila sa restaurant? Bakit ganito? I took cake of this for three years tapos ngayon ilang buwan lang akong wala at the edge of bankruptcy na?
"Alex, I think you need to come back. Mas ikaw ang nakaalam nito," seryosong sabi ni Anton.
"You know I can't come back. Hindi akin ito. I just returned it to the owner pero bakit pinabayaan ng ganito?" Isa - isa kong binuklat ang mga papel at talagang sumasakit ang puso ko sa nakikita kong financial reports.
"That is why I am giving it back to you."
Gulat akong napatingin sa nagsalita. Gusto kong lumubog at kainin ako ng kinatatayuan ko ng makilala kong si Don Jose Gaviola ang nakatayo doon. He is not smiling. He is just looking seriously at me. Tiningnan ko ng masama si Anton. Siya lang ang nakakaalam ng lugar na ito. Ngayon ko pa nga lang isosoli kay Don Jose ang susi at ang papeles nito pag - alis ko.
"Don't blame Anton. He doesn't have a choice. I asked him to bring me here. I told him if he doesn't tell me where you are, I'll fire him." Seryosong sabi niya sa akin.
"Pasensiya ka na, Alex. Alam mong importante ang trabaho ko lalo pa nga at buntis si Josie," nahihiyang sabi niya sa akin.
Napalunok lang ako at hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Don Jose. Nahihiya ako sa mga nagawa ko. Nahihiya ako sa mga nangyari.
Nakita kong tumayo si Anton at tinungo ang pinto.
"I'll leave you two alone." Sabi niya.
"Salamat Anton. I owe you," sabi ni Don Jose sa kanya.
Tumango lang si Anton at isinara ang pinto.
Hindi ko alam kung paano ako gagalaw sa harap ni Don Jose. Nakaupo lang siya doon at paikot - ikot ang paningin sa paligid.
"May gusto ho kayong inumin?" Iyon na lang ang nasabi ko.
"Are you eating on time? Pumayat ka. Mukha kang nagkasakit. Mukhang wala kang matinong tulog. Ang lalim ng mata mo. What happened to you, Alex?" Seryosong tanong niya sa akin.
Napayuko ako at umiling. Itinuloy ko na lang ang ginagawa ko. Hindi ako handa dito. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Hindi ko alam paano ako mag - uumpisa.
"Why did you return your money? Why did you return your properties? Sa iyo iyon. You worked hard for it." Sabi pa niya.
"I don't deserve anything from you, Sir. Napakabuti 'nyo ho sa akin at nagpapasalamat ako doon. Pero sa kabila ng kabutihan 'nyo may nagawa ho akong -," hindi ko maituloy ang sasabihin ko at napahinga ako ng malalim tapos ay tumingin ako sa kanya. "Sir, forgive me because I did something bad to your family."
Kumunot ang noo niya akin. "Something bad? Like what? Did you steal from the company? Did you forge my signature? Ano Alex? Please tell me kasi hindi mo alam ang paghihirap ko ng umalis ka," parang naiiyak si Don Jose.
Umiling lang ako.
"Sir, I fell inlove with your daughter."
Pakiramdam ko ay ako lang ang nakarinig sa sinabi kong iyon. Hindi ko makayang tumingin kay Don Jose dahil hindi ko kayang makita ang reaksyon niya. Alam kong hindi niya matatangap ito. Siguro mapapatawad pa niya ako kung nagnakaw ako sa kumpanya. Pero ito, I know this is a fucking mortal sin for him. We are his children.
BINABASA MO ANG
Destined to be together (COMPLETE)
RomanceYsobel Naomi Gaviola is the living example of a rich, spoiled brat kid. She can have what she wants in just a snap of a finger. She has her own place, own high end car, branded bags and shoes. She even threw parties for her friends almost everyda...