"Stop worrying about what you have to lose and start focusing on what you have to gain."
Yzzie's POV
I have never seen Alex after he and Katie went outside. Naisip ko siguro sumama na siya kay Katie and it really made me miserable. Wala talaga ako sa mood magtrabaho but I need to show my happy face to all my other co – workers and other customers. Pinili ko ito. Pinili ko ang lalaking may sabit kaya magtiis ako.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag – aayos ng kung ano – ano doon. In my mind, iniisip ko kung nasaan si Alex. Kung ano ang ginagawa nila ni Katie ngayon. Ayoko naman magtanong sa mga kasama ko or sa guard kung nandoon pa ba si Alex. Mahirap na ang makahalata sila.
When I finished fixing the reservations in the dining, I went up to check the reservations of the karaoke rooms. Alam ko occupied lahat ang five rooms dito. Kahilera ng mga karaoke rooms ang opisina ni Alex. Tiningnan ko lang iyon. Mukha talagang walang tao. Napahinga ako ng malalim at binuksan ko ang pinto ng katabi na karaoke room. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at hinila ako papasok sa opisina ni Alex. Muntik na akong mapasigaw. Mabuti na lang ako nakilala kong si Alex ang may gawa noon.
"Ano ka ba?!" inis kong sabi sa kanya sabay hampas sa braso niya.
Parang hindi naman niya pansin ang inis ko. Ngumiti lang siya at ini-lock ang opisina niya tapos ay walang sabi – sabing hinalikan ako. Hindi naman ako tumutol kasi miss ko na rin naman siya. I kissed him back at parang tinunaw lahat ng halik niya ang sama ng loob na nararamdaman ko.
I was catching for air ng huminto si Alex ng paghalik sa akin.
"How are you? Did your dad pay you a visit?" sabi ni Alex at naupo sa couch doon tapos ay hinila ako. Pinaupo niya ako sa kandungan niya at niyakap ako.
"He called you?"
Tumango lang siya habang hinahalik – halikan ako sa leeg. Napapikit ako kasi para akong kinukuryente sa ginagawa niya. Alex is so passionate and I love him more for that.
"He asked me where you are. Alangan naman na hindi ko sabihin ang totoo," sagot niya at muli akong niyakap ng mahigpit.
"Yeah. He went in my condo. Hindi naman siya galit. He was aking if bumalik na ako doon. He wants to go back there. He told me I can have my life back," huminga ako ng malalim. Tingin ko sa nangyayari ngayon sa amin ni Alex, parang ayoko munang umuwi sa daddy ko.
"Why don't you go home? Mas convenient doon," sabi niya.
Tiningnan ko siya and he is just looking at me. I know what we have right now is a bad case of infidelity to Katie and to my dad, but just looking at him, I think I can live with this.
"I love you, Yzzie. I love you so much," sabi ni Alex at niyakap niya ako ng mahigpit na para bang ayaw na niya akong pakawalan.
Napalunok ako. I know nahihirapan din si Alex sa sitwasyon niya. Having two women in his life? Tingin ko naman hindi sanay sa pambababae ang lalaking ito.
"I saw you and Katie arguing." Sabi ko.
Napangiwi si Alex at napailing tapos ay bumitaw sa akin.
"She's mad because I didn't pick her up. And she went straight to your dad and introduced herself as my girlfriend," dama ko ang iritasyon sa boses ni Alex.
Napa – oh lang ako. "You don't want her to meet dad?"
Tiningnan ako ng masama ni Alex. "Why? Do you want? I am about to break up with her. And how can I do that if papa knows about her. You know your dad. Ayaw niya ng may naagrabyadong babae."
BINABASA MO ANG
Destined to be together (COMPLETE)
RomanceYsobel Naomi Gaviola is the living example of a rich, spoiled brat kid. She can have what she wants in just a snap of a finger. She has her own place, own high end car, branded bags and shoes. She even threw parties for her friends almost everyda...