16 • Discharge • 16

23.1K 624 29
                                    

       

"Life only change when you become more committed to your dreams that you are to your comfort zone."

Alex's POV

I can't help myself not to smile habang nagda – drive ako pabalik sa restaurant.  Daan muna ako dito para makausap ko si Anton bago ako makipag – meeting kay papa.  I felt a heavy burden was lifted from my chest.  I can't believe that after so many years, bigla kaming magkakaayos ni Yzzie.  I never felt this happiness in my entire life.  Ang hirap kayang isipin na may taong nagagalit sa akin na wala naman akong ginagawa.  Kailangan lang palang ma – food poison ang babaeng iyon para bumait.

But honestly, I think Yzzie is a nice person.  There's just something in her that she is concealing kaya ipinapakita niya ang kanyang wild and tough persona.  Maybe because the way she was brought up.  Mahirap lumaki sa isang broken family.  Pero mas mahirap ang maging ulila na katulad ko.  Hanggang ngayon hindi ko alam kung sino ang magulang ko.  Pero okay lang.  As far as I know, kapag nakilala ko kung sino sila, hindi ako magagalit.  Hindi ko sila susumbatan.  Magpapasalamat pa ako at inabandona nila ako.  Kasi kung hindi nila ginawa iyon, I won't be living this life right now.

Napapailing ako ng maalala kong napagkamalan kong buntis si Yzzie.  Hindi ko rin maintindihan ang takot na naramdaman ko kanina kasi hindi ko alam kung paano iyon ipapaliwanag kay Don Jose.  Hindi naman kasi imposible na mangyari iyon sa kanya.  I know how she party.  I know what kind of friends she has.  Napangiwi ako.  Sana lang mag – ingat siya. 

Nakita kong kumaway agad ang valet driver ng mapatapat ako sa restaurant ko.  Bumaba na ako at dire – diretso akong pumasok.  Nakangiting sumalubong sa akin si Anton.

"Someone is in good mood," nakangiting bati niya sa akin.

"Yeah, I am in good mood and nasira ng makita kita," seryoso kong sabi sa kanya.

Nawala ang ngiti ni Anton.  He knows that I am dead serious dahil sa tagal na naming magkasama, alam na niya ang mga moods ko.

"May problema ba?" tanong niya.

"Ako?  Wala.  Tingin ko ikaw, meron.  In my office," sagot ko sa kanya at napatingin ako sa gawi ni Josie na nasa dining at nakatingin sa amin.  Mabilis itong nagbawi ng tingin ng makitang nakatingin ako sa kanya.

"What is this Alex?" alam kong kinakabahan si Anton habang nakasunod sa akin.

"Close the door," sabi ko sa kanya at pahilata akong naupo sa couch ko.  Ginawa naman niya ang sinasabi ko.

"You are freaking serious and it scares me," pinilit na magpatawa ni Anton.

"Anong plano mo kay Josie?" diretso kong tanong sa kanya.

Nakita kong parang namutla si Anton sa tanong ko.  Napalunok pa siya.

"A – ano ang tungkol kay Josie?" halatang kinakabahan si Anton.

"Cut the fuck, Anton.  You know what I am talking about.  Anong plano mo?  Are you going to marry her?"

He cleared his throat.  "You know I can't do that.  I have a girlfriend."

"May girlfriend ka pala bakit pinakealaman mo?  Binuntis mo pa.  Josie is my trusted employee.  Napakabait ng taong iyon and you took advantage of her innocence," I know Anton knows that I am really pissed at him.

"Alex, it's not that easy." Napakamot pa ng ulo si Anton.  "Josie is a great woman.  She is nice.  What happened between us is just a one-time deal."

"Oo.  Gago.  One time deal na merong nabuo.  Don't you know that Josie is the breadwinner of her family?  Sinira mo ang kinabukasan niya."

"Handa naman akong suportahan ang bata but I can't just leave my girlfriend.  Magulo pa ang sitwasyon namin," nakayukong sagot nito.

Destined to be together (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon