8 • Reality Bites • 8

23K 570 22
                                    

-------- "The more you get to know a person, the more attractive they become to you. Because everything you see on the inside of them, suddenly you are able to see on the outside of them." - Unknown

Ysobel's POV

Our room is too small with two small single beds and one cabinet for our clothes. There is also one small table with mirror. Nandoon ang mga pulbo, shampoo, and other toiletries ni Josie. Lahat kailangan share kami? Gusto ko na talagang maglupasay. What is this place? Malaki pa ang cr ko sa condo ko kesa sa kuwarto na ito.

Totoo nga ang sinabi ni Alex. Isang luggage ko lang ang nagkasya sa loob ng kuwarto. Lahat ng dala ko naiwan sa labas kasi hindi na talaga maisiksik dito.

"Maliit lang talaga 'to. 'Yung malaki kasing mga kuwarto kailangan ng ipagawa. Hindi nga lang maipagawa ito ni Sir Alex kasi nandito pa ako. Sabi ko nga uupa na lang ako para mapagawa na niya pero ayaw ni Sir. Sayang daw ang ibabayad ko sa renta," sabi ni Josie habang inaayos niya ang mga kama na naroon.

Hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko. Hindi ko yata kayang matulog dito. Walang aircon. Walang comforter ang kama, the pillows. I am sure hindi antibacterial microfibers ang mga ito. Oh my god! Baka kung ano – anong insekto ang gumapang sa akin.

"Gusto mo tulungan kita sa mga gamit mo?" tanong pa ni Josie.

Umiling lang ako. "No. A – ako na lang. Thank you."

"Sa labas ang cr. May nagrarasyon naman ng tubig dito tuwing umaga. Fifty pesos ang bayad. Kahit huwag ka ng mag – share. Sobra – sobra na sa atin ang fifty na iyon," sabi pa ni Josie.

"Walang shower? Walang hot and cold water?" tanong ko. Hindi ko kayang maligo ng cold water.

Parang hindi makapaniwala si Josie sa sinabi ko tapos ay tumawa. "Wala ngang tubig dito kaya nagpaparasyon lang ako. Pinaputol na ni Sir Alex kasi ang daming nakikikabit. Gusto niya bago na lahat kapag ipinagawa ito." Lumabas si Josie at sumunod ako. Pumunta siya sa cr para ipakita sa akin iyon. Ang liit – liit talaga! May isang malaking drum sa loob na puno ng tubig, may isang timba at tabo. May mga shampoo din doon, sabon. Gosh! Walang flush ang toilet bowl! What is this place? So third world!

"Suggestion ko siguro dapat magbawas ka ng gamit. Hindi kasi talaga kakasya dito lahat iyon," sabi pa ni Josie at lumabas na ng cr. Sumunod pa rin ako sa kanya. Natatakot kasi ako na baka biglang lumabas ang daga na nakita ko kanina.

"Mauna na akong pumasok sa iyo, ha? Magpapadala pa kasi ng allowance ng parents ko. Kapag umalis ka, paki – lock mo ang gate. Magpa – pa duplicate ako ng susi para sa iyo," at ngumiti si Josie sa akin. "Nice to meet you, Yzzie. For sure, mag – e – enjoy ka dito," at tinalikuran na niya ako.

Gusto ko siyang sigawan. Enjoy? Paano ako mag – e – enjoy sa bulok na bahay na ito? Baka mamatay pa ako sa tetano.

Hindi ko alam kung paano ako maliligo. Ayokong dumikit sa dingding ng banyo. Ayokong hawakan ang tabo, ayoko talaga dito!

Pero naisip ko, kahit anong gawin kong reklamo, kahit anong gawin kong pag – iyak, wala naman akong magagawa. Ganito ba talaga ang buhay ng walang pera? Ganito ang buhay ng mga mahihirap? Ayoko ng ganito. Kahit sa panaginip hindi ko naranasan ang ganito.

Hindi ko alam kung paano ako naka – survive maligo at mag – ayos sa bahay na iyon. Pero siniguro kong maaga pa lang ay nandoon na ako restaurant ni Alex. Ayokong mapahiya sa impaktong iyon. Talagang ipapakita ko sa kanya na kaya ko ang kahit na anong ibibigay niya para i-report niya kay daddy.

Destined to be together (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon