Happy birthday Indigo!

20 2 2
                                    

All: Happy birthday to you, happy birthday happy birthday, happy birthday to you.
Blue: Make a wish

Pumikit si Indigo at tahimik na nag wish. Pagkatapos ay inihipan na ang kandila.

Nagpalakpakan sila.

Blue: Yehey! Kainan na.

Habang kumukuha sila ng pagkain, nilalagyan ni Blue ng mga pagkain ang plate na hawak ni Indigo.

Blue: Ito o favorite mo.
Indigo: Sinong nagluto nito?
Blue: Si Manang.
Indigo: Ay hindi ikaw?
Blue: Eh pano naman kasi ako makapagluto, kahit saan ako pumunta sumusunod ka. Itong mga desserts, ako gumawa niyan.
Indigo: Sige pahingi niyan, damihan mo ha.
Blue: Ito tikman mo ang lasagna.
Indigo: Konti lang, di mo naman yan luto eh. Yan pa naman ang pinaka gusto kong luto mo.
Blue: Next time nalang.
Indigo: Di ko na birthday yun. Kala ko pa naman luto mo lahat.
Blue: Kung sana di ka sunod ng sunod sakin, nakapag prepare sana ako.
Indigo: Next time kasi wag mo na ko isurprise, sabihin mo nalang na magluluto ka para hahayaan kita.
Blue: Halika, don tayo pumwesto sa terrace para hindi mainit.

Pumunta sila sa terrace at doon kumain.

Indigo: Hulaan mo ang wish ko kanina.
Blue: Hahaha! Kailangan pa bang hulaan yun, alam na alam ko na yun.
Indigo: Sige nga, ano yun?
Blue: Sasagutin ko ba talaga yan.
Indigo: Hindi mo lang alam eh.
Blue: Halos araw araw mong sinasabi sakin tapos di ko pa alam. Haha!
Indigo: Bakit ayaw mo sabihin? Hindi mo lang alam eh.
Blue: Tutal birthday mo naman, sasakyan kita ngayon. (Ginagaya si Indigo) Lord, sana po makapasa ako sa training, para po maka graduate ako at maging seaman na ako.
Indigo: Wow! Galing ah. Bestfriend ka talaga.
Blue: Haha! Ewan ko sayo. Infairness masarap tong embutido.
Indigo: Ayoko, mas masarap talaga ang mga luto mo. Forever.

Ngumiti si Blue at sinubuan niya ng salad si Indigo.

Sila ay sina Michelle Blue Atienza at Michael Indigo Lim. Simula pagkabata ay mag kaibigan na sila. Magkapit bahay lang kasi sila at ang kanilang mga magulang ay mga close din. Parehong mahihilig sa kulay kasi ang mga nanay nila kaya ng ipinanganak sila, nagkasundo ang mga ito na parehong ipangalan sa kulay ang kanilang mga anak.

Matanda ng dalawang taon si Indigo kay Blue, ngunit hindi niya ito tinatawag na kuya. HRM ang kinukuhang kurso ni Blue dahil mahilig siyang magluto at mag bake. Marine Engineering naman kay Indigo. Huling taon na ngayon ni Indigo at mag uumpisa na ang kanyang training para makapagtapos ng kurso.
Pangarap nilang dalawa na makapagtapos at maging matagumpay. Namatay na kasi ang tatay ni Indigo, tanging Nanay nalang niya ang nagtataguyod sakanila ng dalawa niyang kapatid na mga nasa Elementary palang.  Kaya sinisikap ni Indigo na makapagtapos para makatulong sa Nanay niya.
Campus crush naman si Blue dahil maliban sa maganda ito, matalino pa at mabait. Siya ang panlaban ng kanilang School pagdating sa mga beauty contest at pati na rin sa Academics. Kilala siya bilang beauty and brain sa school. Kaya naman bantay sarado talaga siya kay Indigo.
Sa school, may nanliligaw kay Blue. Si Marco, may hitsura, basketball player sa school nila at matalino din. Ngunit hindi maka diskarte ng maayos kay Blue kasi hinaharang ito lagi ni Indigo.

Nakapikit na at matutulog na sana si Blue ng may kumatok sa bintana ng kwarto niya. Bumangon siya at binuksan ang bintana.

Indigo: Food trip food trip.
Blue: May pasok tayo bukas, wag mo akong pupuyatin please.

Umupo si Indigo sa kama niya.

Indigo: Kakain lang eh. Dito ako matutulog ha, tabi tayo.
Blue: Hala, maaga ang pasok mo bukas. Gigisingin mo nanaman ako ng maaga niyan eh.
Indigo: Jogging tayo.
Blue: No
Indigo: please?
Blue: Ayaw.
Indigo: Birthday ko naman eh.
Blue: Birthday mo pa ba bukas? Wahhh. Sa Sunday na para wala tayong pasok.
Indigo: Ok sabi mo yan ha.
Blue: Aha.

Kumain na silang dalawa at nanood ng kdrama.

Love, BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon