Next day, na una ng pumasok si Indigo sa school. May mga bisita sila galing sa ibang school.
Ilang oras lang ang lumipas at nakita na niya si Blue na ina assist ang mga bisita. Nasa classroom pa siya at may lesson sila. Tinatanaw niya lang sa hindi kalayuan si Blue. Kausap ito ng mga estudyante din na mga bisita ng school nila at may dalawang matanda rin na mga naka kulay puti.
Kitang kita niya na ang isang matanda na hinahaplos ang balikat ni Blue. Umiiwas si Blue pero lumalapit ito sakanya.
Kinutuban na siya.
Medyo may distansya na kasi ang mga kasamahan ng matanda at nasa bandang CR sila.
Hinahaplos ng matanda ang braso ni Blue at dahan dahang bumababa ang kamay nito papunta sa kamay ni Blue. Inalis ni Blue ang kanyang kamay pero inabot ito ng matanda at hinawakan.Napatayo siya sa kanyang upuan. Tiningnan siya ng kanyang Professor.
Professor: Indigo, why are you standing?
Hindi ito pinansin ni Indigo.
Nakita niyang umalis si Blue at pumunta sa CR at lumingon sa paligid ang matanda at sinundan si Blue. Papasok palang ng pintuan ng CR si Blue ng hinawakan ng matanda ang kamay ni Blue at pilit itong inaalis ni Blue.
Kitang kita niya na natatakot na si bLue kaya agad siyang tumakbo palabas at dumiretso kina bLue at agad na sinuntok ang matanda.
Napasigaw sa gulat si Blue.Indigo: Bastos ka ha!
Napa upo sa sahig ang matanda dahil sa lakas ng pagkakasuntok ni Indigo.
Hinawakan at pinigilan ni Blue si Indigo.Blue: Indigo, stop it!
Indigo: Bastos 'tong matanda na 'to ha! Ano ha? Ano?!Dahil sa sigaw ni Blue at lakas ng boses ni Indigo, nagtipon tipon na ang mga estudyante.
DEAN'S OFFICE
Lee: May ari lang naman ng St. Bernard University ang sinuntok mo...
Indigo: I'm sorry sir, pero wala akong pakialam kung sino man siya. Binabastos niya si Blue!
Lee: Sana inilugar mo ang galit mo. You violated our Institution's rules. I'm sorry Mr. Lim, you are expelled.Kinakabahan na naghihintay sa labas ng Dean's office si Blue. Nagdarasal siya na sana maging ok din ang lahat.
Maya maya nga ay lumabas na si Indigo. Seryoso ang mukha nito at dire diretso na naglakad palayo. Sinundan ito ni Blue.Blue: Indigo... Kamusta... Ano... Anong sabi ni Dean? Ha? Anong sinabi sayo?
Indigo: Expelled ako.Napahinto sa paglalakad si Blue ngunit tuloy tuloy lang sa paglalakad si Indigo palabas ng School.
Nagulat siya sa narinig niya. Tumulo ang mga luha niya. Kasalanan niya ito. Tumakbo siya palapit kay Indigo at hinawakan niya ang siko nito. Ngunit inalis ito ni Indigo.Blue: Baka pwede pang pakiusapan---
Indigo: Hindi! Hindi hindi! Expelled na ako Blue, expelled na! Wala ng katuparan ang mga pangarap ko!
Blue: Kausapin ulit natin si---
Indigo: Anong kausapin? Anong kausapin ha?! Nagmakaawa na ako sakanya. Buo na ang desisyon niya.Dinuro niya si Blue.
Indigo: Kasalanan mo 'to Blue! Kasalanan mo to! Kung umiiwas ka sana sa mga nagtetake advantage sayo, kung nagiisip ka sana, kung lumalayo ka sana sa kapahamakan eh di sana hindi ako maeexpel! Eh di sana makakapag training ako, makaka graduate at matutulungan ko si mama!
Tumalikod na si Indigo at umalis. Naiwang umiiyak si Blue.
Maya maya'y may lumapit sakanya at inabot ang panyo.Marco: Tama na yan... Wag ka ng umiyak
Tiningnan niya ito. Umiyak pa rin siya.
Marco: Halika, upo tayo don. Pinagtitinginan ka dito ng mga dumadaan.
BINABASA MO ANG
Love, Blue
RomanceA story about Blue, who secretly has a huge crush with his bestfriend Indigo. She was impregnated by their School's Dean and forcefully lived with him for the sake of their baby. Indigo hated her for that, not knowing that she did it for him to grad...