Graduation

14 0 0
                                    

Araw na ng Graduation ni Indigo. Hindi pa rin niya alam ang katotohanan dahil nagkukulong lang siya sa kwarto niya at paminsan minsan ay pumupunta sa school dahil may mga inaasikaso siya para sa Graduation. Wala siyang ibang kinakausap. Wala siyang pakialam. Sobrang sakit lang ang nararamdaman niya.

Marco: Ayan, namumutla ka na. Sabi ko naman sayo wag na tayong pupunta dito. Ang dami daming tao oh.
Blue: Ito ang pinaka importanteng araw sa buhay ni Indigo. Hindi dapat ako mawala dito, dapat ma witness ko to. Makita ko siyang masaya na umaakyat sa stage.
Marco: Tingnan mo nga ang hitsura mo, nanghihina ka, namumutla. Uminom ka ng tubig oh.

Uminom ng tubig si Blue. Dalawang araw na siyang nanghihina, pumayat din siya at nawalan ng ganang kumain. Minsan ay hindi siya makatayo dahil sa panghihina ng katawan. Iniwan muna nila si Baby Red sa Mommy ni Blue.

Nanonood lang sila ng program. Umiikot na ang paningin ni Blue pero pilit niya itong nilalabanan kasi gusto niyang makitang umakyat ng stage si Indigo.

Blue: Kuhanan mo ng picture si Indigo ha. Pictureran mo siya ng madami.
Marco: Hay naku, kung hindi lang dahil sayo. Sinuntok ako ng dalawNg beses niyan, karibal ko pa, tapos pipicturan ko sa pinaka masayang araw ng buhay niya. Hayyy naku!
Blue: Wag ka na ngang maraming sinasabi dyan. Dapat magaganda ang kuha mo ha. Ipiprint ko yan.
Marco: Yes boss yes boss.

Nang tinawag na ang pangalan ni Indigo, lumapit na nga si Marco para makuhanan ng picture si Indigo.

Kita sa mga mata nito na peke ang mga ngiti nito. Tumitingin din ito sa paligid. Parang may hinahanap.

Marco: Sus! Hinahanap mo lang si Blue.

Naka ilang shots siya kay Indigo, maya maya ay nakilala siya ni Indigo. Tiningan siya nito ng masama pero may biglang nagsigawan sa gilid.

"Ang babae nahimatay!" "Si Blue! Si Blue nawalan ng malay!"

Napalingon rin sa gilid si Indigo. Nang marinig niya na si Blue yun, tumalon siya mula sa stage at tumakbo papunta kay Blue. Si Blue nga talaga. Binuhat niya si Blue at mabilis na isinakay sa sasakyan ni Marco.

Marco: Bilisan mo sumakay ka na!

Pumasok na nga sa loob ng sasakyan si Indigo.

Indigo: Anong nangyari sakanya?
Marco: Hindi ko alam, ilang araw na sya nanghihina.
Indigo: Bat hindi mo dinadala sa hospital?! Anong klaseng asawa ka!
Marco: Ewan ko sayo.

Binilisan ni Marco ang pag drive.
Nang marating na nila ang hospital, nag hibtay lang muna sila sa labas ng emergency. Pagkatapos ay ipinasok na sa loob si Blue.

Doctor: Kaano ano niyo ang pasyente? Sinong asawa niya?

Nagtinginan sila Marco at Indigo.

Indigo: Siya po
Marco: Wala po.

Tiningan siya ni Indigo.

Doctor: Okay... Nagka malay naman na ang pasyente pero no response pa. Maraming test ang gagawin namin sakanya, ngayon kukuhanan muna namin siya ng dugo ok?

Tumango lang silang dalawa at umalis na rin ang Doctor.

Indigo: Hindi pa ba kayo kasal? Kelan kayo magpapakasal?
Marco: Alam mo, wala akong balak na sagutin ang mga tanong mo kaya huwag mo nalang akong kausapin.

Tumunog ang cp ni Marco. Sinagot niya ang tawag.

Marco: Tita? Opo nandito na po. Sige po, hintayin ko po kayo dito.

Nainis si Indigo dahil si Marco na ang tinawagan at hindi siya.

Marco: Hoy, pumunta ka sa bahay nila Blue, kumuha ka ng gamit niya. Walang dalang gamit sila Tita, on the way na sila, hindi nila alam na macoconfine si Blue.

Indigo: Kung makautos ka ha!
Marco: Alangan ako ang uuwi. Simula ng umalis ka ako ang nasa tabi ni Blue, ako ang nag alaga sakanya kaya ako ang magbabantay sakanya ngayon.
Indigo: Ang kapal ng mukha mo ha, bantay salakay ka lang naman!
Marco: Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin o itawag saakin, wala akong pakialam. Ano, uunahin mo ba si Blue o ang pakikipag away mo sakin?
Indigo: Wow! Sino ba satin ang nakikipag away?

Sinita sila ng Security guard, pinagsabihan na bawal ang mag away doon kundi papalabasin sila. Napilitan nalang na umalis na si Indigo at pumunta sa bahay nila Blue.

Pagdating niya nasasaktan pa rin siya ng makita niya ang paligid. Nagkalat ang mga laruan ng baby at maraming mga damit at lampin ng baby sa paligid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love, BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon