Surprise!

9 0 0
                                    

Dumating na nga ang araw ng pag uwi ni Indigo. Gaya ng pangako niya, dumiretso ito sa bahay nila Blue.

Pagbukas niya ng pintuan ng kwarto, nakaupo si Blue sa rocking chair, pinapatulog si Baby Red. Ang daming lampin sa paligid, nandoon si Marco sa banyo, naglalaba ng lampin.

Blue: Indigo...

Lumabas ng banyo si Marco, napatingin kay Indigo at nilapitan si Blue. Kinuha nito si Baby Red at kinarga niya.
Tumayo si Blue.

Blue: Indigo...

Nabitawan ni Indigo ang hawak hawak niya boquet ng red roses at may envelope.

Indigo: Ano to? Ano to? Ano to Blue?

Lumapit siya kay Indigo, hinawakan niya ang kamay nito. Inalis naman ito ni Indigo.

Indigo: Bitawan mo ako. Kaninong baby yan?!
Blue: Indigo, I will explain...
Indigo: Kaninong baby yan?!
Blue: Teka... I will---
Indigo (shouting) KANINONG ANAK YAN?!
Blue: Sa... Sakin... Pero---
Indigo: Shit! Shit! FUCK!

Sumipa ito at tumalikod at sinuntok ng malakas ang pinto. Umiyak si Blue. Umiiyak na rin ang baby na karga ni Marco.
Humarap ulit si Indigo at dumiretso papunta kay Marco at sinuntok ito. Sumigaw si Blue kasi karga ni Marco si Baby Red at muntik ng mabitawan. Kinuha niya si Baby Red at kinarga habang umiiyak siya at si Baby Red.

Indigo: Hayop ka! Hayop ka Marco!

Hinila niya ang damit ni Marco at sinuntok ulit ng malakas.

Blue: Tama na Indigo! Tama na!

Susuntukin pa sana ito ni Indigo pero napigilan na niya ang sarili niya. Sinuntok nalang niya ang sahig at diretsong lumabas.

Iyak ng iyak si Blue habang karga si Baby Red. Naka upo si Marco at pinupunasan ang dugo sa bibig niya.

Marco: Kung wala ka lang dito gumanti din ako ng suntok eh.
Blue(crying): I'm sorry Marco, I'm sorry.
Marco: Nagsosorry ka nanaman, wala ka namang kasalanan. Lahat nalang ng maling ginagawa ni Indigo sinasalo mo.

Tumayo na si Marco at pumunta sa CR para hugasan ang dumudugong bibig.

Nang makatulog na si Baby Red. Lumapit si Blue sa iniwang boquet at envelope ni Indigo. Pinulot niya ang envelope at binuksan.

Dear Blue,

Habang sinusulat ko ito, palapit na ako ng palapit sayo. Ilang oras nalang at magkikita na tayo. Mayayakap na kita at mahahalikan. Miss na miss kita Blue!
Alam mo bang mahal na mahal kita. Sobrang mahal na mahal kita eh, kaya nakatikim ng malupet na suntok sakin yung matandang manyakis na yun kasi galit ako sa ginawa niya. Walang ibang hahawak sayo, sa katawan mo kundi ako lang ok. Yun si Marco, lamang lang sakin ng dalawang paligo yun pero diba solid tayo. Diba ako ang pipiliin mo at hindi siya? Kaya nga liligawan na kita eh para maunahan ko siya. Kasi mahal na mahal kita Blue. Noon pa man, noon pa ng maliliit pa tayo at kumakain ka ng maliliit na bato, naghuhukay ka sa lupa at naghahanap ng bulate tapos tatakutin mo ako. Noon pa ng naglalaro tayo ng taguan, kahit dalawa lang tayo enjoy na enjoy ako kasi kasama kita. Noon ko pa dapat sasabihin sayo na crush kita kaya lang ang daming nagkaka gusto sayo sa school, ang gagwapo nila kaya napanghinaan ako. Pero ngayon lalakasan ko na ang loob ko, susugal na ako, bahala na kung magalit ka o iwasan mo ako. Basta gagawin ko ang lahat para magustuhan mo ako bilang boyfriend mo hanggang sa mapapangasawa na. Kinikilig ako! Hehehe! Mahal na mahal kita Blue. Pakinggan mo nalang mamaya ang mga sasabihin ko kasi aamin na talaga ako sayo ng personal. Kinakabahan din ako, sana wag kang magalit o wag mo akong iwasan. Pero pangako, gagawin ko ang lahat para tanggapin mo ako na manliligaw sayo hanggang sa maging boyfriend, hanggang sa maging asawa at hanggang sa magkaroon tayo ng mga anak at tatanda tayong magkasama.

Nagmamahal,
Indigo

Pagkabasa niya ng sulat ay agad siyang tumakbo palabas at pumunta sa bahay nila Indigo.

Indigo's sibling: Wala si kuya ate.
Blue: saan pumunta?
Indigo's sibling: Hindi ko po alam, iniwan lang ang mga maleta niya at umalis na. Hindi nga kami pinansin ni kuya eh.
Blue: Ha? Sige...

Tumalikod na siya at tumingin sa paligid. Di niya alam kung saan hahanapin si Indigo. Umuwi nalang siya.

Blue: Feeling ko nandon lang yun sa bahay nila, nagtatago yun, oo.

Tumayo siya.

Marco: Pupuntahan mo?
Blue: Oo kakausapin ko siya.
Marco: Galit siya. Hayaan mo muna siya. Habol ka ng habol eh. Palipasin mo muna ang galit niya kahit anong sabihin mo hindi ka non papakinggan. Hayaan mo siya. Saka mo na kausapin kapag malamig na ang ulo niya.

Sinunod nalang niya si Marco.

Love, BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon