Magkasabay sila ni Marco na naglalakad sa hallway ng biglang nakaramdam ng pagkahilo si Blue.
Marco: O? Ok ka lang?
Blue: Teka... Teka... Para akong nahihilo.Tinakpan niya bigla ang bibig niya at naduwal siya.
Nagtinginan sila ni Marco.
Marco: Anong nangyayari?
Tumakbo si Blue papunta sa CR. Hinintay siya sa labas ni Marco.
Marco: Ok ka lang?
Blue: Marco... Samahan mo ako sa drugstore.
Marco: Ha? Bakit?
Blue: Basta halika na.Binilisan nila ang paglalakad papuntang sasakyan ni Marco.
While driving:
Marco: Bakit? Ano bang nararamdaman mo?
Blue: Marco, 3 months na pala akong hindi dinadatnan.Biglang napahinto sa pagda drive si Marco.
Marco: What?!!!!
Blue: Hindi pa naman sure... Kaya bibili ako ngayon ng PT.
Marco: My God Blue! My God!
Blue: Di pa sure ok. Tingnan natin mamaya.Pinagpatuloy ni Marco ang pagdadrive.
Marco: Wag naman po please, wag naman...
Nang makarating sila sa drugstore, bumili na nga ng PT si Blue.
Napag desisyonan niyang bukas ng umaga pag gising niya sya mag P-PT para accurate ang result.Buong gabi na hindi makatulog si Blue kakaisip. Bilang siya ng bilang ng paulit ulit, sigurado nga sya na tatlong buwan na siya hindi dinadatnan simula ng may mangyari sakanila ng Dean. Paikot ikot siya sa kama niya, hindi sya mapakali, nagdarasal siya ng nagdarasal.
Kinaumagahan, nag PT na kaagad siya pag gising niya. Kinakabahan siya habang hinihintay ang result.
Nabitawan niya ang PT ng makita niya ang dalawang pulang guhit. Natulala siya saglit. Tumulo ang mga luha niya. Tumingin siya sa paligid. Kinuha niya ang cellphone niya, tatawagan niya sana si Marco ng mag ring na ito.
Tumatawag si Indigo.
Nanginginig ang mga kamay niya ng sinagot niya ito.Indigo: Hello Blue! Miss na miss na kita! Kamusta ka? Pasensya ka na ha, hindi ako nakakatawag sayo kasi andami talaga naming ginagawa. Hindi na ko makakuha ng tyempo na matawagan ka. Hello? Blue? Blue!
Suminghot si Blue. Tulo na ng tulo ang luha niya. Tinatakpan niya ang bibig niya para hindi siya marinig ni Indigo na umiiyak.
Indigo: Ayyy... Ikaw ha, umiiyak ka no. Pa kiss nga ko. Mmmmmmmwaaaaa! Wag ka ng malungkot, ginagawan ko naman ng paraan para makausap kita eh. Wag ka ng umiyak diyan.
Hindi na mapigilan ni Blue ang pag iyak niya kaya kahit tinatakpan na niya ang bibig niya ng kamay niya, nakakalabas pa rin ang tunog ng iyak niya.
Indigo: Blue naman eh... Wag ka ng umiyak dyan o. Ikaw nga nagpapalakas sakin eh. Pano ako lalakas kung umiiyak ka naman. Ito naman o. 9 months nalang uuwi na ko, malapit na yun. Ito talaga oh, hindi mo pala kaya ang Long distance relationship eh. Pano tayo tatagal niyan kung tatlong buwan palang di mo na kaya.
Blue (crying) sira ulo...
Indigo: Haha! Pinapatawa lang kita. Wag ka ng umiyak diyan. Hayaan mo pag uwi ko hindi na ako uuwi saamin, dyan na ako sainyo didiretso, maglilive-in na tayo. Saya mo na non diba?
Blue(crying): Baliw ka talaga eh...
Indigo: Wag ka ng malungkot ha. Babawi nga ako sayo diba pag uwi ko.Narinig ni Blue na may tumatawag na kay Indigo sa kabilang linya.
Indigo: Hala, tawag na ako. Pano ba yan. Kiss nalang ulit kita, mmmmwaaaa! Ayan! Sa lips yan ha, wag kang kikiligin. Hehe! Bye Blue, see you soon na ok? Wag na iyak. I love you!
Naputol na ang linya. Umiyak ng umiyak si Blue at niyakap ang cp niya. Maya maya ay tinawagan niya si Marco at sinabi ang resulta ng PT niya.
Pinuntahan siya ni Marco. Pareho silang walang masabi sa nangyari. Pareho silang tahimik at nag iisip ng paraan.
Marco: Itutuloy mo?
Blue: Ha? Ayokong pumatay Marco...
Marco: pano yan? Pano ang pag aaral mo? Anong sasabihin mo sa parents mo?
Blue: Hindi ko alam... Ewan... Tara, puntahan natin si Dean. Kailangan niyang malaman ang nangyari.
Marco: Ano?! Ok ka lang?
Blue: Kailangan niya itong malaman! Kailangan mamoblema din siya, mabaliw din siya sa kakaisip!
Marco: Kaya mo ba siyang harapin?
Blue: Bakit naman hindi, ngayon pa na gusto ko siyang sampalin.
Marco: Ok, let's go.Pumunta na nga sila sa bahay ng Dean.
Walang asawa ang Dean, tanging private nurse at dalawang katulong lang ang kasama nito sa bahay at paminsan minsan ay dinadalaw ng kapatid nito.
Ang pangalan nito ay Francis Lee, 36 years old. High blood ito kaya na stroke.
Nang dumating sila Blue, nakita nila na sinusubuan ito ng nurse. Naka upo ito sa wheel chair, hindi makapag lakad, hindi maigalaw ang left part ng body at hindi makapagsalita ng maayos.
Pinaalis muna ni Marco ang nurse.Blue: Mr. Lee, buntis ako.
Lumaki lang ang mga mata ni Francis. Hindi ito makapagsalita kahit may gustong sabihin.
Blue: Tatlong buwang buntis ako Mr. Lee, nabuntis mo ako.
Tumulo ang mga luha ni Blue at nagulat sila ng may nagsalita sa likuran.
Emma: What?!
Napatingin sila ni Marco dito.
Emma: Nabuntis ka ni Francis?! Sino ka ha? Sino ka?
Blue (sabay punas ng luha): Sino po kayo?
Emma: Emma... Ate ako ni Francis. Ano kamo yung narinig ko? Nabuntis ka ni Francis?Tumango nalang si Blue.
Emma: Pano? Kelan? Halika nga, ma upo tayo.
Umupo na nga sila at ikwenento na ni Blue ang buong pangyayari. Pagkatapos ay nakiusap si Emma na doon na lamang tumira si Blue, nangako ito na sila ang gagastos ng lahat ng pangangailangan ni Blue sa pagbubuntis nito hanggang sa makapanganak siya. Sumang ayon naman si Blue dahil hindi niya kayang harapin ang pamilya niya. Hindi niya kayang sabihin sa pamilya niya ang nangyari.
Si Marco nalang ang umuwi sa bahay nila Blue, mabuti at wala pareho ang mga magulang ni Blue. Kinuha niya ang mga gamit na pinadala ni Blue at iniwan ang sulat sa higaan nito.
BINABASA MO ANG
Love, Blue
RomanceA story about Blue, who secretly has a huge crush with his bestfriend Indigo. She was impregnated by their School's Dean and forcefully lived with him for the sake of their baby. Indigo hated her for that, not knowing that she did it for him to grad...