Blue is blue

13 1 0
                                    

Hindi pumasok sa school si Blue. Pinagtakpan nalang ito ni Marco, ipinaalam sa mga Professor nito na masama ang pakiramdam niya. Buong araw lang syang nasa kwarto. Hihiga, iiyak, uupo, iiyak, magsesketch, tutulo ang luha, bubuksan ang tv, malulungkot. Pipiliting makatulog pero iiyak lang. Tinatawagan siya ni Marco ngunit hindi niya ito pinapapunta. Gusto niya lang munang mapag isa.

Kinagabihan, pumasok sa kwarto niya si Indigo.

Indigo: Blue?

Nagulat siya ng narinig niya ang boses nito. Humarap siya dito.

Nilapitan siya ni Indigo at niyakap.

Indigo: I'm sorry Blue. I'm really really sorry...

Kinabahan siya. Alam na ba ni Indigo ang nangyari??

Blue: Bakit?
Indigo: I'm sorry sa mga nasabi ko sayo kahapon, hindi ko sinasadya yun, magulo lang ang isip ko kahapon. Sorry. Sana wag mong dibdibin yun. Hindi kita sinisisi, hindi ikaw ang may kasalanan. Sorry talaga...

Tumulo ang luha ni Blue.

Indigo: Hala...

Pinunasan ito ni Indigo at hinalikan ang mga mata niya.

Indigo: Wag ka ng umiyak ,wag ka ng umiyak please... Ito, may good news ako sayo. Makinig ka, tuloy ang training ko. Nagbago ang isip ni Dean. Makakapag training ako Blue! Sabi ni Dean hindi naman daw extreme case ang ginawa ko kasi prinotektahan lang kita at pasok yun sa mission ng school, to protect and value each and everyone. Pinakita ko lang daw na pinapahalagahan ko ang mga kapwa students ko. Siya na daw ang bahalang makipag usap don sa matandang manyak na yun.

Napangiti si Blue habang nagkekwento si Indigo. Pinagmamasdan niya itong mag kwento. Masayang masaya ito at excited.

Indigo: Kaya wag ka ng malungkot ha? Hayaan mo, babawi ako sayo. Ibibigay ko talaga ang best ko sa training at pagdating ko magcecelebrate tayo. Kahit saan mo gusto, kahit ano. Kasi Blue, next week na ang alis ko eh. Naipasa ko na lahat ng requirements. Next week na ang training namin.

Nasaktan at nalungkot si Blue sa narinig niya.

Indigo: Wag ka ng malungkot. Mahihirapan akong umalis kapag malungkot ka. Lagi tayong magvivideo call. Araw araw, pag gising ko, pag breakfast, lunch, snack, dinner, bago matulog, kahit naliligo pa ako.

Ngumiti si Blue.

Indigo: Kita mo yan, gusto mo talaga akong makita na naliligo ha
Blue: Yuck. Hehe...

Niyakap siya ni Indigo ng mahigpit.

Indigo: Umiyak ka ng umiyak no. Magang maga ang mga mata mo. Sorry ha.

Niyakap niya rin si Indigo. Kung alam lang nito ang nararamdaman niya ngayon. Gusto niyang sabihin ang mga nangyari at icomfort siya ni Indigo. Pero hindi pwede eh. Kilala niya si Indigo. Alam niyang hindi nito tatanggapin ang mga nangyari, di baleng hindi siya makapag tapos basta pagbayaran ni Dean ang ginawa nito sakanya.

Indigo: Blue, kain tayo. Lutuan mo ako.
Blue: Ha? Akala ko ba babawi ka.
Indigo: Eeehhh, sige na. Mamimiss ko ang luto mo eh. Tutulungan kitang mag slice.
Blue: Hehe! Ano bang gusto mong kainin?
Indigo: Kahit ano basta luto mo. Sinigang nalang, tapos chopsuey tsaka lasagna.
Blue: Wow dami ha.
Indigo: Siyempre babawi nga ako sayo diba.

Ngumiti si Blue.

Blue: Asan ang bawi mo don? Ako ang magluluto eh.
Indigo: Susubuan kita (sabay kindat)

Sinampal ito ng mahina ni Blue.

Blue: Pa cute ka nanaman eh.
Indigo (kumikindat) cute naman talaga eh, no need magpa cute.
Blue: Haha! Ewan, tara na nga sa kusina.

Binuhat ito bigla ni Indigo.

Blue: Hoy! Ibaba mo ako!

Tumatawa lang si Indigo habang tumatakbo papunta sa kusina na buhat buhat si Blue.

Nagtatawanan lang sila habang nagluluto. Pero ang totoo napaka lungkot ni Blue. Pinapakita niya lang na masaya siya kay Indigo para maging masaya nalang din ito.

Nang kumakain na sila...

Indigo: Alam mo hindi masarap ang luto mo ngayon.
Blue: Ha? Bakit? Anong lasa? Anong kulang?
Indigo: Feelings.

Natahimik si Blue. Pinisil ni Indigo ang ilong nito.

Blue: Aray... Aray...
Indigo: Malungkot ka no. Ikaw talaga eh. Sabi ko sayo palagi naman kitang tatawagan eh.

Yumuko lang si Blue at sumubo.

Indigo: Promise Blue, hinding hindi kita ipagpapalit.

Napatingin siya kay Indigo.

Indigo: Hinding hindi kita ipagpapalit kahit kanino, ikaw lang ang pinaka pinaka best best best friend ko.

Ngumiti nalang si Blue. Nasaktan din siya. Akala niya may pagtingin na rin sakanya si Indigo.

Love, BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon