It's a boy!

8 0 0
                                    

Naging napaka bilis ng mga pangyayari. Hindi na umuuwi si Blue sa bahay nila. Pinalitan na rin niya ang sim card niya para hindi siya matawagan ng parents niya. Hiyang hiya siya sa mga magulang niya. Hiyang hiya siya sa lahat ng tao.
Ngunit hindi nawala sa tabi niya si Marco. Araw-araw siyang pinupuntahan ni Marco, dinadalhan din ng mga pagkain. Naglalaro sila ng scrabble, chess at ipinagluluto niya rin si Marco.
Tumutulong din siya sa pag aasikaso kay Francis. Sinusubuan niya rin ito, pinapahiga sa kama, pinapaupo sa wheel chair, pinapainom ng gamot, kapag wala ang private nurse nito. Nawala na rin ang galit niya dito dahil mahal na mahal na niya ang baby na nasa tyan niya. Hindi na niya binubuksan ang mga social media accounts niya pati e-mail niya, kaya alam niya na nag aalala sakanya si Indigo.
Palagi niyang naiisip si Indigo. Alam niyang hindi na siya matatanggap nito, alam niyang pandidirian na siya nito kaya ayaw na din niya itong makausap.
Dumating ang pang anim na buwna na pagbubuntis nya. Sinamahan siya ni mAeco sa OB niya para sa check up at ultrasound niya.
Lalake ang anak niya.
Umiiyak siya habang nakikita niya sa ultrasound ang baby niya. Masaya din si Marco para sakanya.

Kinagabihan, naka upo sila sa may terrace ni Marco, nag uusap sila habang hinahaplos niya ang tyan niya.

Blue: Alam mo, para saakin si Indigo ang daddy ni baby. Kasi habang ginagalaw ako ni Francis noon, si Indigo lang ang nasa isip ko. Siya ang iniisip ko kaya ko nakayanan ang sakit, kaya hindi na ako nagpumiglas. Kaya siguro ako nabuntis kasi nagustuhan ko dahil kay Indigo. Haha!
Marco: Ewan ko sayo. Teka, pano siya? Wala ka ba talagang balak na kausapin siya?
Blue: Ayoko. Wala akong mukha na maihaharap sakanya.
Marco: Ang dami mo ng tinalikuran na mga mahal mo sa buhay.
Blue: Kamusta sila mommy?
Marco: Ganon pa rin, pinapa amin ako ng pinapa amin. Ako daw ang naka buntis sayo. Kahit paulit ulit kong sinasabi na hindi, hindi sila naniniwala. Hindi mo pala sinasabi sa sulat mo ang totoo?
Blue: Hindi. Bakit ko naman sasabihin. Saka na kapag nakalabas na si baby, kapag napagpatuloy ko na ang pag aaral ko, kapag naging matagumpay na ako.
Marco: Magulang mo sila. Tanggap naman na nila na buntis ka. Bumalik ka lang sakanila, mas gagaan ang pakiramdam mo.
Blue: Hindi. Ayoko. Nahihiya ako. Gusto ko pagbalik ko maayos ako, kahit may anak ako nakapag tapos ako at kaya kong buhayin ang anak ko.
Marco: Hindi ka ba nag aalala sakanila? Kung makita mo lang ang mga mata ng mommy mo, halatang hindi nakakatulog ng maayos.
Blue: Hala, si mommy talaga...
Marco: Syempre magulang mo yun, magiging magulang ka na rin kaya wag mong iparamdam sakanila ang ayaw mong gawin din sayo ng anak mo balang araw.
Blue: Nakakinis ka naman eh.

Tumulo ang luha niya.

Marco: Madalas pumupunta sa bahay. Pati sila mommy pinapa amin ako kung totoo daw ba na nabuntis kita. Walang naniniwala saakin na hindi. Si Mommy tuloy akala niya lola na siya, tuwang tuwa na.
Blue: Hehe... Eh di sabihin mo nalang na ikaw talaga daddy nito. Hehe.
Marco: Kung papayag ka nga lang eh.
Blue: Haha! Si Indigo daddy nito ni baby eh.

Ngumiti nalang si Marco. Ngiting may halong lungkot.

Marco: Blue, pwede ba kitang ligawan?
Blue: Ano?! Nagpapatawa ka ba?

Tumawa ng tumawa si Blue.

Blue: Ikaw na heart throb liligawan ang isamg buntis na katulad ko na magulo ang kwento kung bakit na buntis? Haha! Ewan ko sayo Marco.
Marco: Seryoso naman ako ah. No pressure, hindi pa naman ngayon, saka na kapag nanganak ka na at lumabas na si baby.
Blue: Ewan ko sayo Marco. Antok lang yan, mabuti pa umuwi ka na kasi hinahanap ka na ng Mommy mo, baka pag uwi mo hanapin na ang apo niya. Hehe.
Marco: Oo late na nga, basta Bkue, seryoso ako. Alam mo naman na matagal na kitang gusto, mahal na kita eh.
Blue: Naku Marco, umuwi ka na talaga. Sige na bye na.
Marco: Basta talaga seryoso ako. Ano bang gusto mong kainin bukas?
Blue: Buko salad ulit.
Marco: Ok. Halika na, samahan na kita sa kwarto mo.

Pumasok na sila sa loob.

Lumipas ang ilang buwan at malapit ng manganak si Blue. Araw nalang ang hinihintay nila ng biglang nawalan na ng buhay si Francis. Hindi na ito nag improve simula ng na stroke ito at binawian na nga ng buhay. Hindi na sumama si Blue ng libing nito dahil anytime ay pwede na siyang manganak.
Bago ito mamatay ay may naibigkas itong salita kay Blue. "Sorry"

Napatawad na ito ni Blue simula ng marinig niya ang tibok mg puso ng baby niya. Naisip niya na ginusto naman niya iyon dahil para sa pagmamahal niya kay Indigo ang ginawa niyang sakripisyo. At habang nagtatalik sila ay nakapikit siya at iniisip niyang si Indigo ang humahalik at gumagalaw sakanya. Kaya naman para sakanya si Indigo ang Tatay ng anak niya dahil nabuo ito sa pamamagitan ng pag iisip niya kay Indigo.

Love, BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon