Nang mailibing na si Francis, sinamahan na ni Marco si Blue sa bahay ni Francis. Christmas vacation naman na kasi kaya wala ng pasok si Marco.
At ipinaalam na rin ni Emma na gumawa ng last will and testament si Francis at ipinapamana ang bahay na iyon kay Blue. Hindi na ito tinanggihan ni Blue dahil para naman yun sa anak nila ni Francis kaya tatanggapin niya ito. Maayos din ang pakikitungo ng pamilya ni Francis sakanya. Paminsan minsan ay dinadalaw siya at dinadalhan ng mga pangangailangan. Nag iisang anak na lalake lang kasi si Francis sa tatlong magkakapatid. Ang bunso ay nasa ibang bansa, doon na nakatira kasama ang pamilya.December 8
Habang nagdedecorate sila ni Marco ng Christmas Tree, nakaramdam ng matinding sakit sa puson si Blue.
Blue: Arayyyyy...
Marco: Ano? Tara na, dalhin na kita sa hospital. Nang isang araw mo pa yan nararamdaman.
Blue: Oo dalhin mo na ako, manganganak na akooooo! Araaaayyyy! Biliiiiiiis!Nataranta na si Marco, pumunta sa kwarto at kinuha ang bag ni Blue at dumiretso palabas.
Blue: Hoy! Marco! Iiwan mo ba ako dito?!
Tumakbo pabalik si Marco.
Marco: Sorry, sorry! Nakalimutan kita, nawala sa isip ko, tara na sa sasakyan.
Blue: Ako pa talaga ang nakalimutan mo, yung bag ko ba ang manganganak?!
Marco: Tara na, tara na...Inalalayan na ni Marco si Blue papunta sa sasakyan.
Limang oras na naghintay si Marco bago lumabas ang OB at sinabi sakanya na "Congratulations! Nanganak na si misis"
Ngumiti nalang siya at feel na feel niya na anak talaga nila ni Blue iyon. Sa sobrang tuwa niya na text niya ang mga magulang niya na nanganak na si Blue at tatay na siya.
Inilipat na ng kwarto si Blue at maya maya ay pinapasok na sa loob si Marco. Maluha luha silang dalawa ng makita ang baby.
Nurse: Andito na si baby boy.
Kinarga ito ni Blue.
Tumulo ang mga luha niya ng makita ang baby niya. Namumula mula ang balat nito.
Blue: Red... Baby Red... Red ang pangalan niya Marco.
Marco: Kulay nanaman? Wag na. Pwedeng Mark nalang.
Blue: Napaka common naman ng Mark.
Marco: Eh di Mark Red.
Blue: Haha! Ano si baby? Danger sign? Ikaw talaga eh.
Marco: Eh di James Red.
Blue: Haha! Baliw. Dahil December baby siya, Christmas... Christian Red Lim.
Marco: Oh bat Lim? Bat apelyido ni Indigo. Grabe ka talaga. Ako nakasama mo simula ng nabuo yan tapos iaapelyido mo kay Indigo.
Blue: Joke lang. Syempre apelyido ko.
Marco: Akin na nga muna si baby, kargahin ko.
Blue: Ayoko, mag alcohol ka muna.
Marco: Nag alcohol na ako, ito o, amuyin mo ang kamay ko.
Blue: Oh eto na, ingatan mo baby ko ha.Kinarga ito ni Marco.
Marco: Hello baby Red, It's me daddy.
Blue: Anong daddy! Daddy ka dyan.
Marco: Soon I will marry your mommy and I will be your daddy.
Blue: No baby, don't listen to him.Biglang nag ring ang phone ni Marco. Ibinigay na muna ni Marco si Baby Red kay Blue. At kinuha niya ang cp niya sa bulsa.
Marco: Mommy? Ha? Sinabi ko yun? Ahhhh... Hindi po... Nanganak lang po si Blue, joke lang po yun, hindi po ako ang tatay... Secret... Basta hindi pwede... Saka na mommy, sige mommy may gagawin pa ako. Bye, bye, bye.
Blue: So sinabi mo talaga na ikaw ang tatay.
Marco: Binawi ko naman. Blue, kasama nila parents mo, tinatanong ako ni mommy kung saang hospital ka. Naririnig ko na umiiyak ang mommy mo.Nalungkot si Blue sa narinig niya. Dahil siguro sa tuwa na nararamdaman niya sa baby niya, pumayag na sya na sabihin kung saang hospital siya naka admit.
Maya maya nga ay dumating na ang mga magulang ni Blue kasama ang pamilya ni Marco.
Umiyak kaagad si Blue at ang mommy niya nang pagpasok nito sa room ni Blue. Niyakap kaagad si Blue ng mommy at daddy niya. Napuno ng tunog ng iyak ang kwarto ng ilang minuto, puro "sorry" lang ang nasabi ni Blue.
Nang mahimasmasan na silang lahat, pinilit ni Blue na sabihin ang totoo. Wala na siyang nagawa dahil pati ang pamilya ni Marco ay umaasa na rin na si Marco ang tatay ng baby. Kaya sinabi nalang niya ang totoo. Sakit, lungkot, panghihinayang at awa ang naramdaman nilang lahat kay Blue. Wala silang nasabi kaya niyakap nalang din nila si Blue.Dalawang araw lang sila sa hospital at dumiretso na sila sa bahay nila Blue. Maayos pa rin ang kwarto niya, parang walang nangyari, the same ang mga pwesto ng mga gamit niya at nandon pa rin lahat ng gamit niya. Na miss niya ang kwarto niya lalo na't sa bawat sulok ay naaalala niya si Indigo. Miss na miss na rin niya si Indigo.
Blue: Mommy... Kamusta daw si Indigo?
Blue's Mom: Tumatawag siya, sinasabi ko nalang na nagbakasyon ka sa Bicol at walang signal don. Nag aalala din siya. Pero mabuti nalang at busy din sya kaya di halata na hindi ka na talaga dito umuwi. Malapit na siyang umuwi. Tatlong buwan nalang, sabihin mo na sakanya ang totoo pag uwi niya ha?Hindi sumagot si Blue.
Blue: Ewan ko mommy, gusto ko kapag naka graduate na siya. Pag uwi naman niya March na, Graduation na din nila. Hintayin ko nalang na matapos ang Graduation niya. Ayokong mag isip siya ng hindi maganda sa araw na yun.
Natahimik na sila pareho ng mommy niya.
Naging napaka saya ng pagdiriwang ng Pasko at pagsalubong ng Bagong Taon sa bahay nila Blue. Tumawag si Indigo ngunit hindi ito kinausap ni Blue.
Lumipas ang dalawang buwan at naging napaka saya na ng bahay nila Blue dahil kay baby Red. Pumupunta din ang nanay at mga kapatid ni Indigo dahil alam na nila ang totoong nangyari. Nagpapasalamat sila sa sakripisyong ginawa ni Blue dahil kung hindi dahil dito ay hindi nakapag training si Indigo sa barko. Ngunit hindi nila ito sinasabi kay Indigo dahil sa pakiusap ni Blue at pangako na siya ang magsasabi. Si Marco naman ay araw-araw pa rin syang pinupuntahan.
BINABASA MO ANG
Love, Blue
RomanceA story about Blue, who secretly has a huge crush with his bestfriend Indigo. She was impregnated by their School's Dean and forcefully lived with him for the sake of their baby. Indigo hated her for that, not knowing that she did it for him to grad...