Home Sweet Home
---
"Sir, this is your order. Thank you, Sir." Ani ko nang mailapag ko ang mga order ng tatlong businessman.
Bumalik na uli ako sa counter ng sinitsitan ako ni Mia.
"Uy, Des, sandali lang, ha? Restroom muna ako. Ikaw muna dito sa counter." Aniya. Ngumiti ako at tumango-tango sa kanya. Dali-dali siyang umalis para mag-restroom. Natawa na lang ako ng bahagya at umiling-iling.
May pumasok na isang lalaki, gwapo, matangkad, maputi. Parang... ang gaan ng loob ko sa kanya, baka siguro sa maamong mukha niya. Nilapitan ko siya dala-dala ang menu.
"Sir, can I take your order?" Tanong ko at napabaling siya ng tingin sa akin. Napatitig siya at ibinalik ko rin ang titig. Nakita ko ang ganda ng mata niya, ang mahahabang eyelashes, makakapal na kilay... at pulang-pulang labi.
"I'll take what's best in here... Desiree?" Aniya at tumingin sa aking name tag para banggitin.
Nagtatrabaho ako sa isang kilalang restaurant dito sa lugar namin. Waitress ang kinuha kong trabaho dito. Nasa pangangalaga ako ngayon ni Tita Cecille, nagraraket-raket lang siya upang makaipon ng pera. Ang sabi niya, patay na raw ang mga magulang ko kaya nasa pangangalaga niya ako. Mabait si Tita Cecille, may pagkamaloko nga lang minsan.
"Okay po, Sir. Noted. It will be served in 15 minutes, Sir." Sabi ko at ngumiti lang siya nang tumatango-tango. Nginitian ko rin pabalik at umalis na ako para ibigay sa kitchen ang order niya.
Nang maluto ang order niya ay ibinigay ko kaagad na walang pag-aalinlangan. Nginitian niya ako nang pagkabigay ko ng order niya.
Nasa counter ako nakapangalumbaba na nakatingin doon sa lalaki. Ano kayang pangalan niya? Ilang taon na kaya siya? Anong trabaho niya?
Ang daming tanong na bumabagabag sa akin nang bigla akong siniko ni Mia. Tinignan ko siya at nakita ko ang medyo pang-asar na ngiti niya sa mukha.
"Oy, ah? Sino 'yon? Nagpapa-cute ka, 'no?" Sabi niya habang sinusundot-sundot ang tagiliran ko at natawa naman ako ng bahagya. Napabaling uli ako doon sa lalaki at napangiti sa akin. Nahiya naman ako sa kinilos ko kaya sinuway ko na si Mia.
"Ano ba, Mia? Oras ng trabaho, o?" Sabi ko habang tinuturo ang orasan na naka-display sa walls.
"Ang sabi mo, gusto mo lang magpaka-demure kay Sir. Asus, Des." Aniya at umalis na sa tabi ko para gawin ang trabaho niya.
Nang matapos siya ay pinuntahan siya ng isang miyembro ng crew. Inilagay niya ang pera doon at dire-diretsong umalis.
"Keep the change daw." Ani noong crew. Ang bait niya naman pala.
Natapos ang shift ko sa buong mag-araw at nagbihis na upang makauwi. Nasa labasan na ako na naghihintay ng tricycle ay biglang may bumulaga sa harapan ko na isang Trailblazer. Binaba ang salamin nito at nasilayan ko ang customer kanina!
"Ihahatid na kita." Aniya na nakangiti. Ang gentleman din.
"Ay, S-Sir. Nakakahiya po. May mga tricycle naman din po diyan." Sabi ko habang lumilinga-linga sa paligid para tignan ang mga tricycle.
"No, ihahatid kita, please?" Aniya at nagpa-cute pa. Hay! Sir naman, gumana tuloy. Umikot na lang ako nang makapunta ako sa kabilang gilid ng sasakyan at binuksan ito. Sa shotgun seat ako umupo.
Itinuro ko sa kanya kung saan ang papunta sa bahay namin. Papunta doon, tumitingin lang ako sa labas pero minsan-minsan ay nasusulyapan ko rin siya. May kung ano akong nararamdaman sa tuwing nakikita ko siya. At sa bawat tingin ko sa kanya ay napapasulyap din siya at ipinapakita ang perfect set niyang ipin.
BINABASA MO ANG
Forbidden Short Stories
General FictionA list of short stories PUBLISHED: April 4, 2018