FSS#1: Destined

40.7K 123 28
                                    

Forbidden Short Story #1

Destined

---

"Two roasted beefs, please."

Naandito kami sa isang restaurant sa Puerto Princesa. Tinanguan siya ng waiter na naghihintay sa orders namin. Ibinalik niya na rin ang hawak-hawak niyang menu. Ibinaling niya ang tingin niya sa akin pagkatapos no'n. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti.

"I missed you."

Ikinait ng pisngi ko ang sinabi niya. This man never disappointed me in making me blush. Hinawakan niya ang kamay kong nakalahad sa mesa. Everything seems so perfect. Everything seems so nice, but it is not.

"Na-miss din kita." Ani ko. Ginalaw-galaw niya ang kamay ko. Ngumiti rin siya, a genuine smile, pero kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. At alam ko kung bakit.

Inihatid na ng waiter ang mga order namin. Nagpasalamat kami sa kanya. Sinimulan na rin naming kumain.

"How's your day?" Tanong ko sa kanya habang ngumunguya. Bumaling siya sa akin at nginuya uli ang pagkain. Binilisan niya ang pagnguya at nilunok agad. Pinunasan niya muna ng table napkin ang bibig bago ako sagutin.

"Just like the other days, very busy. Magkabilaang meetings. Usap tungkol ditto, tungkol doon. Nakaka-stress, but then I saw you, nawala lahat ng pagod ko." Aniya. Uminit na naman ang pisngi ko. Umangat ang gilid ng labi ko sa sinabi niya at unti-unting natawa.

Ang saya-saya. Ang sarap sarap. Kaso maling-mali. Nang maisip ko na naman ang kalagayan namin ay napawi ang mga ngiti na namumutawi sa aking labi.

"Tsk. Stop that look." Aniya, medyo iritado ang tono niya. "We will be happy. We will be free, I'll make sure that. Just... stop doubting, please."

"I j-just... This isn't right, you know that, Cloud. Mali-"

"I know, I know..." Mahinahon niyang sabi. "This love is against the rules, I know that. But we don't know how to follow the rules, right? We don't know how, honey. We don't know how. I'll let you assured, alright? Just give me time." Aniya at tumingin sa akin. I saw a hint of sadness in his eyes kahit na pinilit niyang ngumiti.

"Nagtitiwala ako sayo." Tumango-tango ako. "Kaya nga nandito pa rin ako, diba? We will fight. I will fight hanggang sa wala nang matira sa akin. Lalaban ako. It's just... ang sobrang komplikado, Cloud. Ang daming masasaktan." Ani ko.

Napabuntong hininga na lang siya at tumingin uli sa akin. Binasa niya muna ang labi niya bago uli nagtanong sa akin.

"Do you love me, honey?" Tanong niya. I assured him with a smile.

"I love you, Cloud. I love you, my baby." Ani ko. Napangiti siya sa sinabi ko. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinaplos-haplos ito. Everything will be alright, honey.

I am Nikkola Garcia, 23 years old. Babae, babae lang. Wala naman akong maipagmamalaki sa sarili ko. Galing ako sa isang mayamang pamilya. Grumaduate sa isa sa mga pinakamalaking eskwelahan sa bansa, pero wala yun lahat. Wala iyon lahat sa kung ano man ako ngayon.

And the guy that I am talking to, Cloud Rivero, 27 years old, ang CEO ng isa sa mga pinakamalaking resorts dito sa Palawan. Matalino, maginoo, mapagmahal at... may asawa.

Ito ang istorya ko. Mahal niya ako at mahal na mahal ko siya kaso ang daming hadlang. Is this our fate, to fall in love with the right person in the wrong time? Are we destined to be like this? Are we destined to fight for this? Are we destined for each other?

Nang matapos kami kumain ay binayaran na namin ang bill. Hinawakan niya ang kamay ko nang maalalayan ako mula sa pagkakaupo. Tinanggap ko ito. Lumabas kami ng restaurant na magka-holding hands. Naglakad-lakad kami hanggang sa maabutan namin ang Benz niya. Binuksan na niya ang pintuan ng Benz niya para makapasok ako sa loob. Umikot naman siya papuntang driver's seat. Sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan niya. Ihahatid niya ako sa condo ko sa Hillsborough.

Forbidden Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon