FSS#5: Heto Na Naman

3.5K 24 3
                                    

Heto Na Naman

---

Sumayaw-sayaw ako sa entablado dito. Hubo't hubad at itim na salawal ko na lang ang suot ko. Iginiling ko pa ang katawan. Kailangan ko makapamingwit ngayon. Kailangan kong kumita.

"Go, Gio!" Bulong ng isang kasamahan ko dito sa club na ito na si James. Nakukuha ko na agad ang atensiyon ng karamihan. May itsura naman ako kaya napupukaw ko kaagad ang atensiyon nila. May itsura naman ako kaya gan'tong klaseng trabaho ang naging kabuhayan ko - ang pagbebenta ng katawan.

Mamaya-maya ay may isang matandang babae na maririnig mo na sumisigaw ang yaman dahil sa dami ng alahas ang lumapit kay Sir Claudio, ang humahawak sa amin. Tumango-tango si Sir Claudio at lumapit kay James. Lumapit naman sa akin ngayon si James upang may ibulong.

"May kliyente ka na, ayun o, si Mrs. Montecillo." Aniya at tinuro-turo ang babaeng bumubulong kanina kay Sir Claudio. Maraming pera 'to. Kailangan kong galingan.

Nilapitan ko na siya at dinala sa isang exclusive room dito sa club. Umupo siya sa kama at hinawak-hawakan ang katawan ko. Sa tinagal-tagal ko dito ay nasanay na ako, wala na akong pakiramdam. Nangyari ang dapat na mangyari sa oras na iyon.

Isinusuot ko na muli ang suot ko kanina habang nakataklob pa ng kumot si Mrs. Montecillo. Binigyan niya ako ng 15K para sa gabing iyon. Masyadong malaki!

"Um, Ma'am, masyado naman po atang malaki?" Tanong ko habang hawak-hawak ang 15K.

"It's fine. Para naman sa'yo." Ani Mrs. Montecillo at napangiti na lang ako. Lumabas na ako ng kwartong iyon upang mailagay ang pera sa loob ng bag ko. Binuksan ko iyon at ipinasok ang pera. Habang inaayos ko ang gamit ay lumapit naman si Sir Claudio.

"May isang babae doon na hinahanap daw ang pinakamagaling dito. Best-seller ka naman, Gio, e. Kaya pa ba?" Tanong ni Sir Claudio sa akin. Bago na namang kliyente. May lakas pa naman ako kaya sige, papatusin ko. Kailangan ko ng maraming pera.

Tumango-tango ako kay Sir Claudio at lumabas sa room naming mga callboy. Nakita ko ang isang babae doon na balingkinitan at makikita mo talaga ang ganda kahit na walang kolorete.

"Are you Gio?" Tanong niya sa akin.

"Yes po, Ma'am." Ani ko.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at napakagat siya sa labi niya. Wala pa rin akong suot kundi ang underwear ko. Ginalaw-galaw niya ang hintuturo niya na nagmumungkahing sundan ko daw siya.

Pumasok siya ngayon sa isa pang exclusive room at dumire-diretso ako doon. At gano'n pa rin, nangyari na naman ang mga bagay-bagay.

Binigyan niya ako ng 5K para dito. Nagpasalamat ako sa kanya at bumalik na naman sa room namin upang ilagay ang pera. Sa pagkakataong iyon ay balak ko ng maligo para makaalis na pero bigla-biglang pumasok si James.

"Huli na 'to, may isang bakla doon, yayamanin pare. Pakitang gilas ka na!" Aniya at tinapik-tapik pa ang balikat ko. Napahilamos na lang ako sa mukha ko. Sige, tiyaga lang, para sa pera.

Lumabas ako at huli sa aktong nakita agad ako noong sinasabi ni James. Blonde ang buhok niya pero Pilipino siya. Kuminang-kinang pa ang mata niya ng makita ako. Alam ko na...

Nakatanggap na ako ng 10K mula sa pagtatrabaho ko. Nilagay ko ito sa bag ko at nagsimulang maligo.

Nagkuskos ako ng maigi. Duming-dumi ako sa sarili ko. Kung kani-kaninong pawis, laway o kung ano pa ang nadikit sa katawan ko. Pero kailangan kong magtiis, kailangan ko ng pera.

Nang makuntento na ako sa pagliligo ay itinigil ko na. Nagsuot na ako ng pang-alis at lumabas na sa bar na ito. Madaling-araw pa lang kung kaya wala masyadong pumapasada ngayon.

Naglalakad-lakad ako at swerteng nakakita ng tricycle. Pinara ko ito at sinabi kung saan ang destinasyon ko.

Huminto na kami at tinignan ang establisyimento. Nagbayad na ako sa tricycle driver at umalis na ito.

Dire-diretso ako papasok sa loob. May mga bumabati sa akin at ngingitian ko rin sila. Nang mahinto ako sa isang pintuan ay binuksan ko ito at pumasok na sa loob.

Kita ko ang tatay kong nakaratay sa kama ng ospital. May lung cancer siya at kailangan ko talagang mag-ipon ng pera para sa pagpapagamot niya.

Nagmano ako sa nanay ko at nakibalita.

"Gano'n pa rin siya, anak. Kailangan pa natin ng pera para sa pagpapagamot niya." Aniya. Napabuntong hininga na lang ako at ibigay ko ang 10K, pampadagdag sa pang-chemotheraphy ng tatay ko.

Pinauwi ko na muna si nanay upang makapagpahinga na muna siya. Ako muna ang magbabantay. Nang makauwi si nanay ay nakatulog din ako agad sa pagod.

Nagising na lang uli ako sa isang tapik sa akin. Si nanay! Nakita ko sa orasan na mag-a-alas nuebe na. Gising na rin si tatay at ngumiti siya sa akin, napangiti na rin ako.

"Umuwi ka na muna't magpahinga." Ani nanay sa akin. Tumayo na ako at nagpaalam sa kanila. Lumabas na ako ng room at dumiretso palabas ng ospital. Pumara agad ako ng isang tricycle at tinuro ang daan papunta sa bahay namin.

Pumara na ako at nagbayad uli. Nang makaalis ang tricycle ay pumasok na ako sa bahay namin. Gawa lang ito sa kahoy at may dalawang palapag. Wala pang pintura. Nakita ko ang tatlo kong kapatid na nagre-ready sa pagpasok sa eskwela.

"Kuya!" Ani nila. Napangiti na lang ako kina Gella, Gino at Gayda. Mga high school students na sila. Si Gella ay SHS, si Gino ay Grade 10 at si Gayda na Grade 9. Lahat sila ay paalis na at nagpaalam sa akin.

Nag-iwan ako ng sampung libo sa taas ng TV para sa paggagamitan nila. Araw-araw ako nag-iiwan diyan. Minsan, 'di nagagamit kaya nadadagdag sa ipon namin. Matipid ang mga kapatid ko at mababait sila. Nagpapasalamat ako doon.

Naligo na ako at nagbihis para ibigay ang huling 10K na kinita ko kagabi.

Bumaba na uli ako ng tricycle at nagbayad uli. Napatingin ako sa lugar na ito. Ang sariwa.

Pumasok na ako at hinanap ang isang tao na pagbibigyan ko nito. Nang makita ko siya ay agad-agad akong nagmano at ibinigay ang 10K na pera mula sa loob ng envelope.

"Father, ito po." Ani ko. Napangiti si Father Yeshua sa akin.

"Ay nako, hijo, salamat sa donasyon mo. Pagpalain ka sana ng Panginoon." Aniya at nagpaalam na akong umalis. Umupo sa mga upuan, malapit sa altar. Lumuhod ako at nagdasal.

"Panginoon, malaking kasalan po ang trabaho ko pong iyon pero kailangang-kailangan ko. Sana po'y patawarin niyo ako, Panginoon, sa aking mga sala. Taliwas po ito sa inyong utos kung kaya't nandito po ako para humingi ng patawad mula sa inyong utos. Nagigipit po kami pero wala na po akong maisipang pagkuhaan ng pera. Sana po mapatawad niyo ako."

Pinunasan ko ang luhang tumakas mula sa aking mga mata. At umupo ng muli. Ilang minuto lang at lumabas na muli ako sa simbahan.

Oo, pangit ang trabaho ko. Oo, ang dumi-dumi kong tao. Oo, makasalanan ako. Pero lahat iyon ay kailangan ko ng gawin dahil 'yon na ang huli kong pag-asa.

Pagkalabas ko ay napabuntong hininga na lamang ako. Heto na naman tayo...

Forbidden Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon