FSS#6: Yes, Father

18.2K 37 2
                                    

Yes, Father

---

Nilalaro-laro ko ang mga daliri ko sa lamesa habang hinihintay siya. Nakaupo ako dito sa isang kilalang restaurant dito sa lugar namin. Sabi niya kasi magkikita daw kami ngayon dito. Date lang kami. Ngayon na lang kasi 'yong time naming magkasama. Bawal kasi kami.

Nakita ko na siyang pumasok mula sa pintuan ng restaurant. Sa wakas, nandito na rin siya.

"Ivan!" Tawag ko sa kanya. Tinaas ko pa ang isang kamay at winagayway-gayway ko pa para makita niya ako. Nang mapansin ako ay ngumiti siya, ngumiti rin ako pabalik.

"Khael, bro!" Aniya. Nagyakapan kami na parang tropa ang turingan pero iba, e. Kailangan naming magtago.

Nag-order na kami ng pagkain. Maya-maya'y dumating na rin ito. Nilantakan agad namin ito.

Discreet gay ako. Walang nakakaalam. Kahit pa magulang ko, kahit kaibigan ko, si Ivan lang. Si Ivan ay boyfriend ko. Magdadalawang taon na rin naman kami. Parehas kaming Grade 12 student pa lang sa ngayon.

Bakit hindi ako umamin sa mga magulang ko? Istrikto kasi sila lalo na't tungkol sa sekswalidad. Natatakot akong umamin. Tsaka baka paghiwalayin lang kami ni Ivan.

Kumakain kami ng bigla siyang nagtanong.

"In 5 years, Khael, sa tingin mo, anong ginagawa mo?" Tanong niya sa akin at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Siguro, architect na ako no'n. Ikaw ba, Ivan?" Tanong ko pabalik sa kanya. Binitawan niya naman akong kubyertos at tumingala. Nakapikit siya at pinagsiklop ang mga daliri.

"Nasa simbahan, kinakasal, sa taong mahal ko. At ikaw 'yon, Khael." Aniya at binuksan na ulit ang mga mata. Ngumiti siya. Ngumiti rin ako. Tinago ko ang mga pagdududa ko sa relasyon namin, sa kanya at sa akin.

Natapos na kaming kumain at naglalakad-lakad na kami ngayon sa plaza. Hindi kami katulad ng ibang couple na HHWW, Holding Hands While Walking. Hindi rin na nag-aakbayan. Hindi rin kami 'yong naglalampungan. Dapat discreet lang kami. Naglalakad lang ako ng matino habang siya ay nakalagay sa loob ng bulsa ang mga kamay at tila sinisipa-sipa pa ang mga nadadaanan.

"Umamin ka na kaya?" Bigla niyang tanong. Huminto siya sa paglalakad at gano'n din ako.

"Hindi pwede, Ivan. Mahirap. 'Di ko pa kayang mabuhay mag-isa-"

"Bubuhayin kita, Khael. Magtiwala ka lang sa akin." Aniya at hinawakan pa ang balikat ko.

"Ivan, 'di nga pwede. Ayokong magalit sina Mom and Dad sa akin-"

"Mahal mo ba talaga ako? Bakit 'di mo ako kayang ipaglaban?" Tanong niya na nakapagpagulat sa akin. Bumaba ang mga kamay niya at nagtiim panga.

"Ivan, oo naman, pero 'di ko pa kaya ang mga sina-suggest mo. Bigyan mo pa ako ng oras." Pagpupumilit ko sa kanya. Malamig ang tingin niya sa akin ngayon.

"Umamin ka na o baka mahuli pa ang lahat." Aniya at tinalikuran na ako para pumunta doon sa mga natitinda ng mga street foods.

Napabuntong hininga na lang ako at sinundan siya.

Binuksan ko ang pintuan ng bahay namin at pumasok na doon. May narinig akong mga nagtatawanan. Ano kayang meron?

Dumiretso ako sa sala para sundan ang mga taong nagtatawanan. Nakita ko sina Mom at Dad na nakikipagtawanan kina Mr. and Mrs. Angeles at sa anak nilang si Jacque.

"Mom, Dad, ano pong meron?" Ani ko pagkatapos magmano sa kanila. Kinamayan ko na rin sina Mr. and Mrs. Angeles at nginitian si Jacque.

"Ahhh, nagkausap kami kasi nitong sina Andres at Tessa tungkol sa negosyo." Tumango-tango ako sa sinabi niya. "Napagkasunduan na rin naming ipagkasundo kayo ni Jacque. Tutal wala ka namang girlfriend at maganda rin naman itong si Jacque, e tiyak na compatible naman kayo. May itsura ka rin naman." Ani Dad sa akin. Nagulat ako at nagalit sa sinabi niya.

"Ano, Dad?! 'Di pwede 'yan!" Ani ko. Yumuko naman ang ulo ni Jacque sa sinabi ko.

"Why, Mikhael? May kasintahan ka ba?" Aniya at tumingin silang lahat sa akin.

"W-wala po, Dad. P-pero ayoko po-"

"E, baka naman totoo ang sabi-sabi nila na nagpupuso babae ka? Aba't umayos ka, Khael. Sinasabi-"

"Dad, wala po! 'Di po totoo 'yong mga 'yon! Kung gusto niyo, edi sige, ikasal niyo kami!" Ani ko na padabog. Dire-diretso na ako sa loob ng kwarto.

Pagkapasok ko ay nagwala ako. Nakakainis. Pinunasan ko pa ang mga luhang tumulo. Kinuha ko ang cellphone at nag-text.

Ako:

Ivan, I'm sorry...

Inaabangan ko si Jacque mula sa altar. Ngayon na ang araw ng kasal namin.

Maraming nangyari sa loob ng limang taon. Pinadala rin kami ni Dad sa U.S. para sa mas maayos na pag-aaral naming dalawa ni Jacque. Naging maayos na rin ang turingan namin sa isa't isa. Naging magkaibigan kami pero 'di ko sinabi kung ano talaga ako. Siya ang girl best friend ko. Sobrang bait niya. Siguro kung iba 'to, baka minahal na siya. E, kaso nga, ipinagkasundo siya, sa isang katulad ko na may pusong babae.

Naging architect na rin ako. Si Jacque naman ay isang engineer kung kaya't maganda talaga ang samahan namin. Lagi kaming magkasama sa kwarto.

Si Ivan? Wala na akong balita sa kanya. Tinanggal ko na lahat ng connections namin sa isa't isa. Sa loob ng limang taon, walang komunikasyon sa aming dalawa. 'Di ko na alam kung anong nangyari sa kanya, kung buhay pa ba siya, kung naghihintay pa ba siya sa akin o sumuko na rin siya.

Bumalik kami sa U.S. at napagplanuhan agad ang kasal namin ni Jacque. Wala akong oras para hanapin si Ivan, at ayoko na rin siyang hanapin pa. Masasaktan lang ako at masasaktan lang din siya.

Nandito na si Jacque sa harapan ko. Inilahad ni Tito Andres ang kamay ni Jacque at tinaggap ko rin naman ito.

"Take care of our daughter, Mikhael." Ani Tito Andres. Tumango-tango ako. Siyempre, Tito, kahit papano'y, best friend ko na rin ito.

Naglakad na kami papunta sa harap ng nakatalikod na pari. Nilingon ko muna si Jacque at nginitian. Tinignan ko naman ang pintuan ng simbahan na umaasa na makita si Ivan, kaso wala...

Humarap na ang pari na nagpagulantang sa akin. Si Ivan! Si Ivan ang pari namin? Marahan ko pang pinikit ang mga mata ko na nagbabaka sakaling naduling lamang kaso hindi... si Ivan talaga 'yon!

Ngumiti siya kay Jacque at ngumiti sa akin. Tumibok na naman ng mabilis ang puso ko. Ang mga ngiting iyon. Masaya siya. Masaya siya para sa akin.

Nagsimula na ang seremonya pero panay pa rin ang isip ko tungkol sa pari naming si Ivan. Bakit siya? Nagpari siya? Bakit? Paano? Kailan?

Natawa na lang ako noong huling araw naming pagkikita. Ang sabi niya sa akin, in five years daw, ikakasal kami. Akalain mo 'yon, siya pa pala ang magkakasal sa akin.

Nagsimula na ang wedding vows at nabulol-bulol pa ako sa vow ko. 'Di ako makapag-focus lalo na't nandiyan siya. Pari pa.

"Jacque, matatanggap mo si Khael bilang iyong asawa at ang iyong magiging katuwang habang buhay?" Ani Ivan. Napatingin naman ako sa kanya at seryoso siya sa seremonya.

"Yes, Father." Ani Jacque. At ngumiti sa akin habang nagbabadya ang mga luha sa kanyang mga mata. Masaya siya.

"Ikaw naman, Khael, matatanggap mo ba si Jacque bilang iyong asawa at ang iyong magiging katuwang habang buhay?" Ani niya uli. Napatingin ulit ako sa kanya. Nagbabadya ang mga luha sa aking mga mata. Kaya niya ba talagang sabihin 'yon? Napakagat ako sa ibabang labi ko at sinabing...

"Yes, Father." Ani ko at tumulo na ang mga luha ko. Nasasaktan ako.

"You may now kiss the bride." Aniya at nakangiti sa amin. Ang sakit, Ivan. Ang sakit na po, Father.

Itinaas ko ang belo niya at hinalikan na si Jacque. Masakit ba? Yes po, Father.

Forbidden Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon