Almost
MICHELLE"Kumain ka na?" Ani Yñigo at may mga heart emoji pa na kasama.
"Hindi pa, e. Gumagawa pa akong assignment sa Physics, medyo matrabaho kasi," reply ko sa kaniya. Siyempre, sinamahan ko rin iyon ng mga emoji, both cheesy and corny.
"Kain ka na," plus heart emoji. Aba.
"Opo. Lateeer pooo," reply ko lang sa kaniya. Nag-react pa siya sa message ko ng heart.
Para akong baliw na nakangiti sa harapan ng cellphone ko habang nagtitipa ng mga mensahe para kay Yñigo, kaklase ko. He's known for being handsome, at naging trademark na rin sa kaniya ang pagiging babaero dahil sa may itsura siya.
Pero, para sa akin, hindi naman. Siguro nga, marami siyang naging girlfriend na halos isang babae kada buwan, pero sa tingin ko, hindi niya lang kasi mahanap iyong perfect match sa kaniya. Halos dalawang buwan na nga kaming nag-uusap, e.
And I admit, I feel different kapag kausap ko si Yñigo. He's... different from other guys. Iba... iba iyong nararamdaman ko sa kaniya. He's making me feel different, but happy.
Kinabukasan, sa classroom, ay nakita ko siya, nakaupo, kasama ang mga kaibigan niya.
Iyon nga lang, kapag personalan, hindi niya ako kinakausap. Ayaw ko rin naman gumawa ng first move dahil nakakababa na rin ng ego ko iyon.
Siguro... nahihiya lang siya sa akin? Sa tingin ko, nahihiya lang siya sa akin kaya hindi niya ako kinakausap sa personal. Paminsan-minsan ay may mga nakaw na tingin din siya, na dahilan para mag-init ang mga pisngi ko.
Kinagabihan, nag-chat na naman siya.
"Ang ganda mo po kanina," may emoji pa na iyong mga mata, heart. Napangiti naman ako dahil sa nabasa. My hair was tied up earlier, siguro nakita niya iyong features ng mukha ko na na-appreciate niya.
"Salamat, haha," reply ko with pula pang emoji.
Ganiyan kami halos gabi-gabi. Kamustahan, kahit simpleng bagay, pag-uusapan... Until one evening...
"Yñigo?" Chat ko. Offline siya. Siguro pagod?
May game sila kaninang umaga sa Intramurals namin. Panalo tuloy ang team namin dahil sa kanila. After the game, I heard na may celebration sila, ewan ko nga lang kung saan.
Kaya siguro hindi online, maybe, pagod. Pagkauwi ay nagpahinga kaagad.
Kinabukasan, nakita ko siya sa classroom. He looks energized, as usual, madaldal, kwento nang kwento sa mga kaibigan. The usual thing na ginagawa niya, ganoon pa rin.
Hinayaan ko lang and let the day pass by.
I sent him a message kinagabihan.
"Hey," may smiley emoji pa iyan. He's online.
Gumawa muna ako ng mga assignment. Tambak kasi kami ngayon dahil sa katatapos lang ng intramurals, kailangan ay balik agad sa regular classes.
After an hour, wala pa rin siyang reply. Tinapos ko na lang muna ang school works, until eleven in the evening.
I checked my phone at... delivered lang ang message. I sent another message to him at nag-antay ng reply.
Hanggang sa nakaramdam na ako ng antok at naghikab, hanggang sa nakatulog na ako...
"HOY! Gising na!" Ani ka-block ko na nagpagising sa akin. May itinuro siya sa labas at nakita ko roon si Yñigo, nakaabang.
Nang nakita ko siya, dali-dali kong kinuha ang Differential Calculus kong libro at agad na tumakbo papunta sa kaniya.
"Ano na? Everything's set?" Tanong niya kaagad pagkalabas ko ng room.
"Oo naman, Yñigo, kagabi ko pa pinaghandaan iyan," kaya nakatulog ako sa Calculus namin. Nako, mukhang kailangan ko mag-study mamaya pagkauwi.
Habang naglalakad kami ay bigla siyang napatigil at napahawak sa balikat ko.
"Maraming salamat, ha, Michelle?" Napangiti na lang ako at ibinaba ang kamay niya sa balikat ko.
"Always here for you, Yñigo. Also, for Chloe and for Pierre," ngiti ko. Ibinalik niya rin ang ngiti at naglakad na papunta sa open grounds.
Today is Yñigo's and Chloe's fourth year anniversary. Nagpatulong siya sa akin para paghandaan ang araw na ito.
Pierre? It's their three year old son. Napaka-cute na bata ni Pierre, at ninang niya ako.
What happened to that night?
Something happened, kaya si Pierre, nandito, walking on our unfair and hurtful world. Napaka-unfair.
I was supposed to be that Chloe, if I just moved. Kung gumalaw lang ako, kung kumilos lang ako.
It was... almost...
It was almost a love story.
"Tara na, Mich!" Sigaw niya mula sa malayo. Ipinahid ko na lang ang mga luha ko at tumakbo papunta sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Forbidden Short Stories
General FictionA list of short stories PUBLISHED: April 4, 2018