FSS#3: Wala Akong Alam

8.5K 27 1
                                    

Wala Akong Alam

---

"Hayop ka!"

Patuloy ako sa pagtakbo sa eskinita. Walang katao-tao. Patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Nang makita na pader na ang sunod ay napalingon-lingon pa ako sa kaliwa at sa kanan kung saan ako pupunta.

"Hoy! Mamamatay tao!"

Shocks. Parating na siya. Lumingon-lingon pa ako ng konti at napagdesisyunang lumiko na lang sa kanan.

Hindi ko alam kung bakit ako ang sinisisi ng lalaking iyon. Hindi porket ako ang nakita niya, e ako na ang pumatay. 'Di ba pwedeng witness siya at witness lang din ako doon sa patay? Kailangan bang may isang killer sa amin, ha? Nakakabanas siya.

Takbo pa rin ako ng takbo sa kung saan. Hangga't sa may malilikuan, e takbo lang.

Naalala ko bigla ang mga nakita ko kanina...

Nakita ko ang isang babaeng duguan. Nagulat ako doon pero mas nagulat ako sa sigaw ng lalaking iyon.

"Mamamatay tao ka! Walang hiya!" 'Yon ang sigaw niya sa akin.

"Hindi po ako ang pumatay, Manong. Nagkakamali ka!" Marahan kong iling sa kanya.

"Pagbabayaran mo ang kademonyohang ginawa mo!" Aniya at lumapit sa akin.

Nagulat ako at baka ako ang pagbintangan. Tumakbo na lang ako sa malayo...

'Yon ang nangyari kanina. Sino ba ang pumatay doon sa babaeng iyon? Ang sama naman.

Takbo pa rin ako ng takbo hanggang sa may ma-realize ako. Bumagal ang takbo ko at humalikipkip. Inabangan ko siyang maabutan ako.

"Aba, buti naman at sumuko-" 'Di ko na siya pinatapos.

"Aha! Ikaw 'yong pumatay, 'no? Tapos sinisisi mo lang sa akin para ako yung malagot, diba? Aminin mo!" Ani ko at dinuro-duro ko pa siya. Nagulat siya at natawa ng bahagya.

"Ayos ka sa pangsisisi mo, ah? Ako pa ang pumatay ngayon? E, ikaw nga 'yong nakita ko!" Sisi niya uli sa akin. I adore this man's guts. Ang kapal ng mukha.

"Anong ako? Nakita ko lang na patay, ako na agad ang pumatay? Excuse me, ha?" Ani ko at humalukipkip na uli.

"E, ano 'yong kanina? Bakit mo tinutukan ng baril? Rinig ko pa ngang nagmamakaawa 'yong babae pero anong ginawa mo? Binaril mo ng walang awa!" Aniya. Nagulat ako sa sinabi niya. Ano daw?

"Anong pinagsasabi mo? Wala nga akong alam." Mas humina na ang boses ko ngayon. Bakit ako? Bakit?

"Tumigil ka na sa pagmamaang-maangan mo, ha?" Aniya sa akin.

Napaisip ako doon. Bakit ako? Sumasakit na ang ulo ko. Hinawakan ko ang sentido ko.

"Oh diba? Mamamatay tao ka."

Hinilot-hilot ko ang sentido ko. Ang sakit na talaga!

"Pagbabayaran mo 'to." Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. Nagpumiglas ako.

"Sabi nang tumigil ka na, e!" Ani ko at hinugot ang baril mula sa likod. Tinutok ko ito sa sentido niya and I pulled the trigger. Nakita ko ang gulat niyang mukha habang may umaagos na dugo mula sa noo niya.

Unti-unti siyang bumagsak. Duguan na siya. Patay na siya! Nahihilo ako. Pinikit ko ang mata ko sa sakit.

Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko ang isang babaeng balingkinitan na nakatingin sa akin.

"Mamamatay tao ka!" Singhap niya sa akin. Hindi ako iyon. Hindi ako ang pumatay sa kanya.

"H-hindi ako ang p-pumatay. Wala akong alam!" Ani ko. Totoo naman, diba? Wala akong alam, e. Hindi ko kilala kung sino ang pumatay sa kanya. Hindi ako iyon.

Tumakbo ako dahil ako ang sisisihin niya sa nangyari.

Wala akong alam...


Forbidden Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon