Sheilou's POV
Pagpasok pa lang namin eh binati na agad kami ni mom. Nagulat pa ako ng abutan nya ng regalo si Shawn. Nahiya ako bigla. May ginawa naman akong regalo para sa kanya pero naiwan ko sa bahay, baka mamaya ko na lang ibigay.
"Happy birthday again son. You're a fine young man now. So? How you doin' son? Are you happy?" Napatigil sa pagsubo si Shawn ng magtanong ang mom nya.
This is the second time na nakasama ko si mom sa pagkain. Ganon din ang asawa ko. Ayaw nya kasi na sabay kami kumain. Nawawalan daw sya ng gana
"I'm happy mom. Very happy" kumikislap pa ang mga mata nya. Alam ko namn ang dahilan. Kasi simula nung kinasal kami, palagi na silang magkasama ng kabit nya. Minsan nga inuuwi nya pa iyon sa bahay at gumagawa ng milagro. Ayos lang namn sakin yon. Atleast umuuwi sya. Yun lang sapat na para sakin.
"Ohh. I'm happy to hear that. How 'bout you baby girl? How's my baby boy as your husband?" Napangiti ako sa tawag nya samin. Ganyan talaga si mom. Palagi kaming binibaby
At alam na alam ko na din ang mga sasabihin ko sa ganitong klaseng tanong ng mga tao sa paligid namin.
"Ayos lang naman po, mom. Napakacaring po nya mom. Atsaka palagi nya pong pinaparamdam sakin na ako ang pinakaswerteng babae kasi sya ang napangasawa ko.Actually, my husband is the best in the whole world. To the point na sya pa rin ang gusto kong maging asawa to my next life" Agad kong pinahid ang takas na luha sa mata ko. Mabuti na lang at di nila ito napansin. Dahil nga sobrang mahal ko sya. I can do anything for him. Yung sinabi ko, totoo yon. Not actually a reality pero yun ang gusto ko."I really raised you to be a good man, my baby boy. So kelan nyo balak magbaby? Excited na kami ng dad nyo"
*cough* sabay kaming nabilaukan ni Shawn. Nanlalaking mata ko syang tiningnan.
"M-mom?" Baka kasi mali ako ng rinig? Atsaka mas magagalit sakin ang asawa ko kapag nagkataon.
"Mom! We're not ready for that. We're still enjoying our life now. Di pa rin ready na magkababy si Sheilou" tiningnan nya ako ng nanlilisik na mata. Napa-nod na lang ako at umiwas ng tingin. See? Just a thought of me, baring his child really fucked up his mind. Ayaw nya.
"Oww.. Sorry for that. Let's enjoy the food." Nahalata din ata ni mom na nawalan na kami ng gana. Nalulungkot ako. Masakit na simpleng wish lang ng magulang nya di nya man lang mapagbigyan? Okay lang naman sakin eh. Okay lang lahat sakin.
Matapos ang dinner eh umuwi na kami. Di na nagpahatid si mom sa mansion kasi may dala daw syang car.
"Nasan na ba yun! Dito ko lang nilagay yun eh!" Sa kasamaang palad, nawawala yung ginawa ko para sa birthday nya. Ang alam ko talaga dito ko nilagay yun eh! Maluha luha na ako. Halos 11 pm na kasi. Matatapos na ang birthday nya. Binati ko na naman sya kanina pero iba pa rin yong may regalo.