"Last two minutes " ... rinig ko. napangiti ako habang nag di-dribble ng bola.this is it... at akin dapat ang Winning shot.
Akin lang at hindi pwedeng sa iba...
Ako lang dapat...
Dahil ako ang magaling...
as i glanced the clock, mabilis na itong umaandar. humihigpit ang depensa ng kalaban at halata na ang kaba sa lahat ng teammates ko. bahagya kong sinilip ang score bord lamang ng dalawa ang kalaban. almost one minute nalang ang natitira. kailangan ko itong itabla o tumira sa three point lane para lumamang.
All or Nothing...
kapag wala akong ginawa ngayon, Katapusan na.
kailangan akong maging Hero...
dahil kung hindi, Tapos na ako..
hinapit ko ang galawan, wala na akong pake kung ano ang mangyari. i heard kuya Jayvee asking me to pass the ball, pero hindi ko siya pinansin. why would i do that, eh Akin nga dapat ang huling tira.
naging mabilis ang galawan, last 30 seconds on the shot clock, i have to do this... i have to win the game and bring back what's mine...
saktong bumuka ang three point lane, i immediately switched place with kuya Calvin, saka ako tumalon at binato ang bola. lumipad iyon sa ere. slow motion, parang naging echo ang paligid, lahat napahinto at nag abang sa kung paano babagsak ang bola.
habang ako, ramdam ko ang tila nabaling kung ano sa paanan ko, rason para mabaling ang tingin ko paitaas. slow motion pa din ang paligid, next thing i know, malamig na tabla na ang nararamdaman ko sa likod ko habang unti unti ko ng naramdaman ang kirot sa paa ko. hindi ko iyon maigalaw at talagang Masakit.
halos humugot ako ng hininga ng subukan ko galawin pero mas lalo ko lang naramdaman ang sakit, hindi ko napigilan ang mapahiyaw at mapapikit sa sitwasyon ko. magkakahalong kaba, takot, sakit at kapos ng hininga ang nararamdaman ko.
as i opened my eyes, maraming tao na ang nakapaligid sa akin, coaches, some of my co- teammates at kung sino sino pa. ang dami nilang sinasabi pero parang echo lang lahat ng iyon sa pandinig ko.
this can't be...
hindi ako kailangan magkaganito....
hindi ito ang dapat...
ayaw ko ng ganitong pagtatapos...
putang'ina! bakit nagkaganito pa.....
kung kelan huli ko na...
Sandaedate88

BINABASA MO ANG
The Benefits
Fanfic" Oo mag gagamitan tayong dalawa. Ikaw para makatakas sa eskandalo mo na pinasukan at Ako, para bumango muli ang pangalan ko at mabura sa utak ng marami ang epic fail na exit ko. if you agrees on this deal. pareho lang tayo mag be-benefit. basta mag...