Xaianah Rue's POV
"You're late Ms. Vasco!"
Pagdating ko sa classroom, pinagalitan kaagad ako ni Ma'am Cortes.
"I'm sorry ma'am. It won't happen again."
"Dapat lang! This school is a respected one so students must be disciplined! Go to your seat! Next time na gagawin mo 'to, hindi ka na makakapasok sa subject ko! Understood?!"
"Yes ma'am."
Pumunta na ako sa upuan. Eh sa hindi ko alam ang mga rules dito at malay ko bang respected school 'to. Lupa, kainin mo na ako! Nakakahiya! Ma'am Cortes, sana ilibing ka na bukas dahil sa pagpapahiya mo sa akin.
"Where have you been?" Tanong ni Cas.
"Ah, nalate lang ako ng gising."
Tiningnan niya ako sa mata. Ano ba Cas? Matunaw ako.
"You were never late. Galing ka sa school garden, tama ba?"
Teka, paano nalaman ng lalaking to...
"Amoy kahoy ang blouse mo, at ang school garden lang and makahoy rito." Sabi na naman niya.
Teka, mind reader ba siya? Binabasa ba niya ang isip ko?
"No Rue, I'm not reading your mind. You just gave me a how-did-you-know look. Your facial expression said it all."
"Ah."
Tumango na lamang ako at nakinig na sa leksiyon. After classes, break time na kaya pumunta ako sa cafeteria. Si Cas naman ay pumunta sa library. Bumili na ako ng makakain at naghanap ng table. Unfortunately, wala nang bakanteng mesa.
Puntahan ko kaya si Cas. Doon na lang ako kakain sa library. Tutal, marami naman akong biniling pagkain, bibigyan ko na lang si Cas.
Papunta doon, may nabangga akong babae. She looked so uneasy at panay ang lingon niya sa likod.
"I'm so sorry miss." Sabi niya.
Luckily, hindi naman nahulog ang mga binili kong pagkain.
"Are you okay miss? You look uneasy." Sabi ko sa kanya.
"Uhm..." Alanganin siyang sumagot.
"I have a stalker. Kanina pa ako sinusundan eh." Sagot niya.
Another case, this will be exciting.
"I'm Xia. I think matutulungan ka namin." Sabi ko at inilahad ang along kamay.
Tinanggap niya naman ito at nagpakilala.
"I'm Jessie. Nasaan ang kasama mo?"
"Nasa library. Pupuntahan ko pa. Halika." Sabi ko at tumango siya.
Pagdating namin doon, nakita ko kaagad si Cas na nagbabasa ng libro. Pinuntahan ko siya at pinakilala si Jessie.
"Hi Cas! This is Jessie. And she needs our help para mahinto na ang pag-iistalk sa kanya."
Saglit na huminto sa pagbabasa si Cas at tiningnan kami. Nastar-struck siguro siya kay Jessie. Sino ba namang hindi magkakagusto sa kanya eh maganda siya. Makinis at maputi ang balat niya. Matangos ang kaniyang ilong at maganda ang hugis ng kaniyang mukha. Maganda rin ang hubog ng kaniyang katawan. At ang ngiti niya ay lalong nagpaganda sa kaniya. Tipo ng ngiti na mapapa-inlove ka.
BINABASA MO ANG
High School Detectives
Mystery / ThrillerDala-dala ang masakit na nakaraan, lumipat si Xaianah Rue sa Emsterdom High School. She got herself involve in solving a series of crimes with her newly-found classmate, Casper James, and his brother, Calvin John. Turns out, these siblings are the c...