Chapter 13: King Arthur is Back

1.9K 88 9
                                    

Xaianah Rue's POV

Nakakaiyak ang note ni Emeruade. Hindi ko na napansin na papaalis na pala si Cas. Hinabol ko siya.

"Hoy Cas." Sabi ko.

Hindi siya sumagot. Tsk! Ayan na naman siya.

"Hoy, nakasilent mode ka na naman. Bakit ayaw mong magsalita?" Tanong ko. Natigilan siya at tinitigan ako.

"Because I think you're hiding something and I'm going to find out what it is." Sabi niya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Patay! Paano kung malaman niya ang tungkol sa Knights? Baka isipin niyang isa ako sa kanila.

Classes resumed. Balik na kami sa usual spot namin sa classroom. Pumasok na din ang teacher and she started the discussion.

Matapos ang klase, pumunta ako sa cafeteria. Hindi ko maiwasang isipin ang outcome ng sitwasyon ko.

What if Cas find out? What will I do? How will he react?

Binabagabag pa din ang isip ko ng mga tanong na hindi ko pa masasagutan. Nakarinig ako ng sigaw kaya agad akong pumunta sa pinanggalingan niyon.

Nakita kong naroon na si Cas. He checked the pulse of the girl lying on the floor. Hindi makalat ang lugar na iyon at walang dugo sa sahig. Ngunit ang nakakapagtaka sa case na ito ay ang saging na nasa gilid ng biktima. Anong koneksiyon ng saging rito?

"The girl is dead. She's poisoned." Sabi niya.

Nakita kong umiiyak ang babaeng katabi ko.

"Miss, kilala mo ba ang biktima?" Tanong ko at tumango siya.

"Oo, kapatid ko siya." Sabi niya.

"Anong pangalan niya?"

"Clarisse. Clarisse Guerrero." Sabi niya.

Isinulat ko iyon sa pocket notebook ko.

"Ikaw ba ang kasama niya habang kumakain siya rito?" Tanong ko ulit.

"Oo ako nga. Pero nagulat ako kasi bigla na lang siyang nangisay." Sabi niya at napahagulhol.

I recorded everything she said.

"Maaaring nasa pagkain niya ang poison." Sabi ko kay Cas.

"No, she was pricked by this." Sabi naman niya at ipinakita sa akin ang isang needle.

"Curare. A fast acting poison that is deadly when injected." Pagpapatuloy niya.

Binalikan ko ang babaeng kapatid ng biktima.

"Sino sa tingin mo ang mga kaaway ng ate mo?" Tanong ko.

"Wala siyang kaaway, pero sa tingin ko ay may naiingit sa kaniya. Matalino kasi siya at matataas ang kaniyang mga marka Simula pa noong Grade 7 sila. Kinaiinggitan siya sa classroom nila." Sabi niya.

High School Detectives Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon