Chapter 17: Proof

1.7K 77 4
                                    

Xaianah Rue's POV

"Tito, I need your help."

Umagang umaga, narito ako ngayon sa office ni Tito Harold. Nais ko nang i-unmask ang identity ni King Arthur. I'm so determined to do this, for the students, for the victims, for Dalton. I inhaled and exhaled.

"What kind of help?" Tanong niya.

He is so busy with the paperworks. Pero alam kong bibigyan niya ng pansin ang bagay na ito.

"Tito, you're the only person I trust." Sabi ko.

Yes, it's true. Siya lang ang pinagkakatiwalaan ko mula ng wasakin ni Cas ang trust ko sa kaniya.

"Confidential ba ang sasabihin mo?" Tanong niya kaya tumango ako.

"Is it about the case Emsterdom High is facing?" He asked, I nodded again.

"Then tell me something you know." Sabi niya.

Palingon-lingon muna ako sa paligid at nang masiguro kong wala nang tao, hinarap ko na si Tito.

"There is an organization here. It is called Knights organization. They recruit students to be part of their organization. Gumagawa sila ng mga illegal transactions. At ang pinuno nila ay si King Arthur. Actually, codename niya iyon. Walang nakakaalam sa tunay niyang identity. And I know he's responsible for all the killings here." Sabi ko.

Tito Harold just chuckled kaya napakunot naman ako ng noo.

"You know what, your imagination is so high. I need proof para mapatunayan na totoo ang lahat ng sinabi mo." He said.

"Here." Ipinakita ko sa kaniya ang letter ni Dalton.

"Here's the proof." I added.

"My, my. The imagination of this student really amazes me." Sabi niya.

Hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko. How should I convince him? Aaminin kong hindi kapani-paniwala ang sinabi ko pero totoo ito.

"Ako, witness ako sa illegal nilang transaction. I saw it with my own eyes. I heard them with my own ears. Please, listen to me."

"You know what, you're just tired because the killings in Emsterdom bother you. Forget about it." Sabi niya.

Bumuntong-hininga na lang ako. Wala nang makakatulong sa akin. Well, no one would even believe me.

"But please believe me on this one." Pagmamakaawa ko.

"Alright Xia, hindi pa sapat ang proof mo. Go to your classroom."

Wala na akong choice. I went back to my classroom. I seated beside Cas but I maintained distance between us.

Matapos ang klase, pumunta ako sa cafeteria. Um-order ako ng makakain pagkatapos naghanap ng table.

Habang kumakain, may narinig akong sumigaw. Nagkakaguluhan na naman ang mga estudyante sa cafeteria. Bakas sa mukha nila ang pagkabahala. Tumakbo ako papunta sa lugar kung saan galing ang sigaw.

Nakita kong naroon si Cas. He's holding a needle. Malamang, iyon ang ginamit sa pagpatay sa biktima. At malamang, nag-iimbestiga na rin si Cas.

Tumalikod na ako upang maglakad palayo ngunit nakita kong paparating si Tito Harold.

"Tito. May namatay na naman." Sabi ko.

"Sir Harold." Tawag-pansin sa kanya ni Cas.

"There's a note here. It's addressed to you." Sabi niya.

Tinanggap iyon ni Tito Harold at binasa.

"I am King Arthur, we are the Knights. Believe the girl or else many will die."

Hinila ko si Tito Harold pabalik sa office niya.

"I told you Tito. Totoo sila, believe me." Sabi ko.

"Naniniwala na ako." Sabi niya.

High School Detectives Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon