Chapter 18: King Arthur

1.8K 81 10
                                    

Xaianah Rue's POV

"

Kailangan nating pumunta sa mga pulis." Sabi ni Tito Harold sa akin at agad naman akong tumango.

Lumabas kami mula sa office niya at sumakay sa kaniyang kotse.
This is it. I'm going to reveal who the killer is. Binuhay na ni Tito Harold ang makina.

Nakalabas na kami sa campus at pupunta na sa presinto. May kalayuan ang presinto mula sa paaralan. Naroon ito sa pinakadulo ng lungsod. Ngunit, kahit gaano ito kalayo, alam ko pa rin kung saan ang tamang daan.

"Tito, hindi po ito ang tamang daan." Sabi ko sa kanya.

Kasi imbes na dumiretso, he turned to the road on the right which leads to nowhere.

"Relax Xia, ito ang shortcut. Alam mo naman na nagmamadali tayo diba? Paglabas natin dito, makikita mo na ang presinto. Bale, dadaan tayo sa likod." Sabi niya.

Tumango na lang ako. Hindi ko kasi alam na may mga shortcut pala dito. Siguro, ginawa ang mga shortcut na iyon for emergency.

Habang papalayo na kami sa kabahayan, puro kahoy na ang nakapalibot sa daan. Kinakabahan na ako kung ano ang mangyari. What if inaabangan lang pala kami ng killer doon sa daang iyon.

I inhaled and exhaled. Throw the negativities away. I'm getting closer to reveal the truth.

"Sure ka ba na tama ang shortcut na ito? Hindi ba tayo naliligaw?" Tanong ko.

"Wag kang mag-alala Xia. Tama ang shortcut na ito." Sabi niya.

It's okay Xia. You're not lost. You trust him right?

Tumango na lamang ako. Maya-maya pa, huminto na ang sasakyan.

"Are we here?" Tanong ko.

Akala ko nasa presinto na kami. Bumalot ang kaba sa aking dibdib. Nasa harap ko ang isang abandonadong gusali. Anong ginagawa namin dito?

Tiningnan ko si Tito Harold at nagulat ako dahil tinakpan niya ng panyo ang aking ilong. Kahit inaantok ako dulot ng kung anong medisina ang naroon sa panyo, nanlaban pa rin ako.

"Tito! Anong ibig-sabihin nito?" Sigaw ko.

I saw him smirked and everything went black.

***

"Hey, wake up Xia."

Minulat ko ang aking mata. Nakatali ako sa aking upuan at pilit na nagpupumiglas. Nasa harapan ko ang traydor kong Tito.

"Anong ibig-sabihin nito Tito?" Sigaw ko sa kaniya.

"Isa lang ang ibig-sabihin niyan Xia, AKO SI KING ARTHUR."

Halos malaglag ang aking panga sa narinig.

"B-bakit?" Tanong ko.

"Bakit Xia? Tinatanong mo kung bakit? Simple lang, dahil hindi ako mabibigyan ng mana ng mga magulang ko. Lahat yun, ibibigay nila kay Ate. Kaya ako, kailangan kong dumiskarte upang makakita ng pera sa madaling paraan. At ikaw na pakialamera, balak mo pa talaga akong ibuking. Alam mo bang isa ka sa mga taong dapat kong patayin? Pero dahil pamangkin kita,  pin-ostpone ko ang araw ng kamatayan mo. Pero hindi ibig sabihin na hindi ka na mamamatay." Pasigaw niyang sabi.

"Bakit mo pa kailangang pumatay?" Tanong ko.

Nagulat ako dahil sinampal niya ako.

"They deserve to die! Kung hindi lang sila naging katulad mong pakialamera, hindi sana sila mamamatay!"

"Why did you act as if you didn't know?" Tanong ko.

"Bakit? Magpapabuking ba ako?" Tanong niya.

"Kanina, yung estudyanteng namatay, yung note..."

"Gawa-gawa ko lang iyon para mahulag ka sa trap ko." He said and chuckled.

"Isipin mo nga naman, ang detective-wanna-be ay nahulog sa trap ko." Sabi niya.

"And you said, ako lang ang pinagkakatiwalaan mo, right? What do you feel now?" Tanong niya and he smirked.

Now, I learned a lesson: never trust again. Lahat na lang ng pinagkakatiwalaan ko ay tinraydor ako. Una, ang mga 'best friends' ko, sunod, ang manipulator, and then, this idiot killer.

Ganito na ba talaga kalupit ang tadhana sa akin? I was never given a true friend. Then, there was Dalton whom I never trusted. He is always there to comfort me, he is always there to tell me the truth with no lies.

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. How stupid! Ang tanga-tanga ko talaga! Ako na ang malas.

"Marunong ka ba mag-diet?" Biglang tanong ng walang hiya kong Tito.

"Kasi kung hindi, mamamatay ka sa gutom." Sabi niya at umalis na.

High School Detectives Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon