Xaianah Rue's POV
Ikalawang araw ko ngayon rito sa Emsterdom High. Wala namang nabago sa pakikitungo ni Cas sa akin. Well, mas naging tahimik pa nga siya. Okay lang naman any klase, Hindi pa din masakit sa ulo.
Pagsapit ng break, agad akong pumunta sa cafeteria. Pagdating ko room, umorder na ako ng makakain tapos ay umupo na ako sa isang bakanteng silya.
Habang kumakain, nakarinig ako ng sigaw. Narinig ng lahat ng nasa cafeteria ang sigaw. Bigla akong napatayo at tinungo ang pinanggalingan niyon. Nanggaling pala ang sigaw sa classroom na ito. Hindi na ginagamit and classroom na ito kaya malamang, dito magandang gumawa ng krimen.
Pagdating ko roon ay nakita ko si Cas na sinusuri ang crime scene. Lumapit ako sa kanya. Marami na rin ang pumunta doon at nakiusyuso sa nangyari.
Isang babaeng nakahiga sa sahig, puno ng dugo ang mukha. Mayroon itong malaking sugat sa ulo. The classroom is a mess. Ang mga upuan ay hindi maayos ang pagkaka-arrange. Sa ayos nito, masasabi talaga na nanlaban ang biktima.
This is indeed a case of murder. Dumating na ang mga campus police at nag-imbestiga. Lumapit sa amin ang isang pulis at kinumusta si Cas.
"James, kumusta ka na?" Tanong nito. Halata sa mukha nito na mabait siya. Inspector Cruz, iyon ang nakalagay sa kanyang nameplate.
"Fine as always, Inspector." Sagot naman ni Cas.
"You have a pretty lady here. I'm guessing she's your girlfriend." Sabi ulit niya.
"I'm not his girlfriend Inspector Cruz. I'm just his seatmate." Sagot ko rito.
"Ah, ganoon ba. Nahawa ka siguro sa detective skills ng katabi mo." He sure is a talkative police. But wait.
"Detective ka Cas?" Tanong ko rito.
Nagpoker-face lamang siya and he shrugged his shoulders. Umalis na si Inspector Cruz at pumunta sa kasama niyang pulis.
"Hey Cas, I think this is murder." Bulong ko sa kanya.
"Don't state the obvious." Sabi naman niya. May pagkapilosopo run pala itong lalaking to eh. Tsk!
Maya-maya, nakarinig kami ng mga sigawan.
"Oh my G, Calvin, anakan mo na ako please!"
"Calvin, be mine!"
"Calvin, I love you!"
Sigaw ng mga babaeng nasa labas ng classroom. No doubt, this Calvin is the heartthrob of the school. Pumasok na ang tinatawag nilang Calvin sa crime scene.
"Tsk!" Rinig Kong sabi ni Casper.
Anong problema nito? Tiningnan ko ang lalaking tinatawag nilang Calvin. Mahitsura nga ito. Pero, teka, magkamukha sila ni Cas. Tiningnan ko si Cas kaya napatingin din siya sa akin.
"Hi there little bro." Bati ni Calvin sa kanya.
But the latter just crossed his arms and look away. Ako naman ang tiningnan ni Calvin at bumati.
BINABASA MO ANG
High School Detectives
Mistério / SuspenseDala-dala ang masakit na nakaraan, lumipat si Xaianah Rue sa Emsterdom High School. She got herself involve in solving a series of crimes with her newly-found classmate, Casper James, and his brother, Calvin John. Turns out, these siblings are the c...