Xaianah Rue's POV
Agad akong bumangon at pinuntahan namin ni Cas ang pinanggalingan ng sigaw.
"Michelle! Bakit mo nagawa ito? Hindi pagpapakamatay ang solusyon sa problema." Sabi ng babae habang umiiyak.
Hinawakan ni Cas ang pulso ng babaeng nakahiga sa kama at walang malay.
"She's still alive. Doctor! Doctor!" Sigaw niya at agad namang dumating ang doctor.
Hawak ng babaeng nakahiga sa kama ang isang bottle ng syrup. Wala na itong laman, ibig sabihin, ininom ito ng biktima.
Agad na isinugod sa hospital ang babae.
"Una, si Vianne, tapos si Rhianna. Ngayon naman, si Michelle! Hindi ba titigil ang sender na iyon hangga't hindi tayo nauubos?"
Galit na sigaw ng isa pang babae."Malaki talaga ang galit niya sa atin! Kinakabahan na ako Phia, what if tayo ang susunod?" Sabi naman ng isang babae.
"Ako rin Trixie, kinakabahan na din ako." Sabi din ng isang babae.
Sa tingin ko, magbabarkada ang tatlong ito. Pero, wait, ibig sabihin hindi ito ang unang pagkakataon na may nagpakamatay sa kanila.
"Excuse me," sumingit na ako sa usapan nila.
"Bakit?" Tanong ng babaeng nagngangalang Trixie.
"Ibig niyo bang sabihin, Hindi lang siya ang nag-attempt na magpakamatay?" Tanong ko at tumango naman sila.
"Tell us the whole story." Sabi naman ni Cas na ngayon ay nasa gilid ko na.
"Magbabarkada kaming anim. Si Trixie, Lila, Michelle, Rhianna, Vianne, at ako. We love to call our group the 'Kikay Squad'." Panimula ni Phia.
"Unang nagpakamatay ay si Vianne. Hindi namin alam kung ano ang rason. Last year lang siya nagpakamatay. Sunod naman si Rhianna, 3 months ago, nagpakamatay siya. She left her phone in her room kaya nabasa namin ang isang message. Alam namin na may mabigat na problema si Rhianna noon at tanging kami lang ang nakakaalam sa problema niya. But the text message, naroon lahat ang problemang dinadala niya. Parang pinamukha pa talaga sa kaniya na malaki ang problema niya." Sabi naman ni Trixie at lalong lumungkot ang hitsura.
"Ano ang laman ng text message?" Tanong ko kaya ipinakita nila sa amin ang screenshot.
"There's no reason to live, Rhianna. Everyone close to you left you. Your mother cheated and sleep with random guy. Your father died after marrying your step mother. And you live but suffer in the hands of your step mom. Just end your life and suffer no more."
That was the message from the unregistered number. It really is depressing.
"Sunod naman ay si Michelle. Kanina niya lang sinabi sa amin ang problema niya. We told her to be strong. Then, she received this message from another unregistered number." Sabi naman ni Lila habang nangingig. Siguro ay dahil sa takot. Sino ba naman kasi ang hindi matatakot sa isang sender na tutulak sa tao upang magpakamatay.
"Oh, you're pregnant. Who is the child's father? I guess it's your boyfriend. What will your parents say when they find out that you're having a baby? Of course, they would be disappointed. You know, your family is very influential. But because of what you did, your family will never be honored again."
Sabi ng isa na namang text from the anonymous sender.
"Kayo lang ba ang sinabihan ng biktima tungkol sa mga problema niya?" Tanong ni Cas.
"Oo kami lang. Usapan kasi namin sa squad, ang problema ay sabay sabay na aayusin." Sabi naman ni Trixie.
"Then, isa sa inyo ang sender nito." Sabi naman niya.
"Nababaliw ka na ba! Hindi namin kayang gawin iyan. Mahal na mahal namin ang isa't isa! We value our friendship more than our lives!" Pasigaw na sabi ni Lila. Naiintindihan ko siya dahil ganiyan rin ako n'on.
"Someone who is hiding a secret is always defensive." Wika ni Cas habang nakatitig sa mata ni Lila.
I saw how Lila's pupil dilated. I smirked. Lila is telling a lie.
(A/N: This is a lie detecting technique.)Kinuha ni Cas ang cellphone niya at tinawagan ang unregistered number ngunit hindi niya ito inilagay sa kanyang tenga. Agad namang tumunog ang cellphone ni Lila. She's the anonymous sender.
"Hello?" Sabi ni Lila.
"You're the sender." Sabi ni Cas and he smirked.
"H-hindi. S-si mama t-to, t-tumatawag sa a-akin." Sabi niya habang nanginginig.
"Shut up Lila! Hindi mo kami maloloko! Patay na ang mama mo kaya wag ka ng magpalusot." Sigaw ni Phia sa kaniya. Umiiyak na ito.
Napaupo si Lila sa sahig at napahagulhol.
"Bakit Lila? Bakit mo nagawa ito?" Mahinahong tanong ni Trixie.
"You deserve to die! You all do! Kayo ang reason kung bakit nagpakamatay si Vianne. She's my childhood friend. Hindi niyo alam kung gaano kasakit!" Sigaw ni Lila.
"Bakit nga, bakit mo kami sinisisi?" Tanong naman ni Phia.
"That night, the dare. Nalasing siya noon dahil sa dare ninyo! Pauwi na sana siya ngunit nakita siya ng mga taga kanto. They raped her! And because of that, nagpakamatay siya!"
Friend, sila ang mga taong pinagkakatiwalaan. Pero gaya ng ibang tao, wawasakin lang din nila ang tiwala mo. Don't trust fully. Leave room for doubts.
BINABASA MO ANG
High School Detectives
Mistério / SuspenseDala-dala ang masakit na nakaraan, lumipat si Xaianah Rue sa Emsterdom High School. She got herself involve in solving a series of crimes with her newly-found classmate, Casper James, and his brother, Calvin John. Turns out, these siblings are the c...