Chapter 5

5 2 0
                                    

"Anak pinagdala na kita ng almusal mo dito sa kwarto. Bukas na bukas pwede ka na ulit pumasok sabi ng doctor basta iingatan mo ang ulo mo ha" tugon ni Mama Bely.

Kagabi lang ako nakauwi. Pinayagan nmn ako ng doctor kasi medyo okay pa nmn ako pero dadalasan ko lang daw ang pagpapacheck up para hindi lumala ang sakit ko.

"Sige po, Maraming salamat Mama Bely" nagpaalam na si Mama bely kasi bibili pa siya sa palengke ng hapunan namin mamaya. Nagsuot na din ako ng salamin na anti-radiation para hindi sumakit ang ulo ko pag nagse-cellphone ako.

Habang kumakain ako napatingin ako sa phone ko may 9 unread messages akong nakita.

Athena? Nasan ka? -ykel

Psst? -ykel

Nabalitaan kong nawalan ka daw ng malay? Nasan ka? -ykel

Athena? Nasaan ka ngayong hospital? Pupuntahan kita -ykel

Nagpunta ako sa hospital kaso tulog ka pa kaya nag iwan nalang ako ng prutas para sa iyo -ykel

Pahinga ka na ha -ykel

Wag masyadong malikot para Hindi na ulit sumakit ang ulo mo -ykel

Good Morning bebegurl este Athena. Kumain ka na ha. -ykel

Tapos ka na ba kumain ? -ykel

Maraming salamat sayo Ykel. Thankyou sa pag aalala mo sa akin kahit na hindi pa tayo nagkikita. I mean, di pa kita nakikita. Hahaha :-) -ako

Walang anuman bebegurl este Athena hehe. -ykel

Sige. Bye muna. Kailangan ko muna kumain -ako

Nilapag ko nalang yung phone ko sa lamesa. Habang kumakain ako biglang pumasok sa isip ko yung elementary days namin noon ni Trisha. Patay na patag noon si Trisha kay Nico since Grade 3 kasi magaling itong sumayaw, magaling kumanta, matalino at gwapo. Palaging sinusulatan ni Trisha si Nico at ako pa noon ang pinagsusulat niya kasi maganda daw ako sumulat. Ako rin ang taga bigay ni Trisha ng sulat para kay Nico kasi nahihiya daw siya. Nung Grade 5 kami maghuhugas kami ng paa ni Trisha kasi napasabak kami noon sa pagtatanim ng halaman sa likod ng classroom namin. May dala ako noong videocamera para sa memories namin. Habang kinukuhanan ko siya ng video biglang dumating si Nico na naglalakad papunta sa poso para maghugas din ng paa. Kitang kita ko sa mukha niya ang pagkabigla kasi nakasando lang noon si Nico dahil kasama namin siya noon magtanim. Napaatras si Trisha dahilan para madulas siya. Hiyang hiya siya noon kasi nakita siya ng crush niya na nadulas at putikan. Pinagtawanan siya nito kaya padabog na umalis si Trisha at nagtungo sa classroom namin. "Hey. Trisha, I'm sorry. Hehe" tuloy parin sa pagtakbo si Trisha dahil sa kahihiyan. Buti nlng may dala siyang damit kaya nakapag palit siya sa tulong ni Nico siya ang bumili at naglagay ng band aid sa sugat ni Trisha na natamo niya noong nadulas siya. Kilig na kilig nmn ako lalo na si Trisha. Grade 6 na kami at parang may something sa kanilang dalawa. Hmm? Haha batang uhugin palang may pa crush crush na. First day of school noon may transferee na maputi, medyo singkit at maganda ang ngiti. Siya si Evan Montecal, unang kita ko palang naging crush ko na siya kaya sa tuwing nilalaban kami ni Ms. Lamoste sa mga patimpalak, siya ang nakaka partner ko kaya Sobrang kilig ko. Palagi pa nga kaming inaasar ni Trisha egh. Noong Valentine's namin binigyan ko siya ng sulat. Habang binabasa niya ito may kung anong ngiti ang labis na nagpasaya sa akin nang biglang may babaeng lumapit sa kanya... si Nicole; Maganda, maputi, siya ang crush ng lahat dahil sa pambihira niyang ganda at talino. Siya ang nakakalaban ko noon pero Hindi ako nagpapatalo kaya ako parin ang Top 1 sa klase. Kaya labis nalang ang galit niya sa akin. "Nagustuhan mo ba ang bigay kong sulat?" Tugon ni Nicole. Ngumiti silang dalawa. Nagkamali pala ako, hindi akin yung sulat na binabasa niya kanina. Parehas kasi ng kulay kaya lumabas ako at hinanap ko si Trisha para maglabas ng aking bigat na nararamdaman. Hanggang sa naka graduate kami ng Grade 6. Valedictorian ako at isang achievement yun para sa akin at para sa family ko. Hindi nakasali si Nicole sa Top kasi masyado siyang nabulag sa pag ibig. Pero si Evan ang naging Salutatorian kaya mas lalong nagalit sa akin si Nicole. Kitang kita ko habang nagii-speech ako mula dito sa stage hanggang sa kinauupuan niya ang luha, poot, at pagka inggit. Lumipat na ako ng school dahil sa trabaho ni Dad. Sobrang lungkot ko kasi naiwan ko si Trisha at ang mas malala wala akong kaibigan sa dati kong pinapasukan. Nabalitaan kong sa Cerulean pala pumapasok si Trisha kaya sinabi ko kay Dad kasi malapit lang naman ito. Kaya Simula nung dumating si Kyle at Trisha mas lalo pa akong sumaya.

"Nakakamiss maging batang uhugin.. Charot . haha pero okay na nmn sakin kahit na hindi ako magugustuhan ni Evan noon. Masaya na ako kasi may kaibigan akong katulad ni Kyle at Trisha ngayon." napahinga ako ng malalim at napahawak na nmn ako sa ulo ko. "Mamaaaa Bellllyyyy ! Ang Sakit ng ulo ko" agad kumaripas ng takbo si Mama Bely at tumawag ng tulong. "Mama s-si K-kyle---" di ko na natapos yung sasabihin ko ng biglang nawalan na ako ng malay.

Pagkagising ko parang Familiar ang lugar na ito. Pagtingin ko sa kaliwa may mga upuan na may lamang gamit, sa kanan ko nmn nakita ko si Kyle na natutulog sa sofa. "K-kyle ?" Nagulat si Kyle at napabangon bigla "Bessyyy! Ano ka ba nmn para kang luka, ano ba pinaggagawa mo at sumakit na nmn ang ulo mo ?" Natawa naman ako sa kaniya lalo na sa Hairban na suot niya na may bulaklak.

"Okay lang ako bessy. Haha may iiniisip kasi ako tapos bigla nalang sumakit ulo ko tapos nawalan na ako ng malay" napakunot namn siya ng noo.

"At sino nmn yang iniisip mo ? Yung ka date mong si Kely ? Tsk tsk hmm inlove ka na ba ?" Napatawa nmn ako sa kaniya. "Bessy, si Ykel yun. Tska bakit ko nmn siya iisipin ? Kapal ng face niya ah" napatawa nalang din siya. "Baka ang sinasabi mong Ykel yung bestfriend ko ha ? Si Ykel Evan Montecal? Hmm pogi din nam---" Hindi na niya natapos yung sasabihin niya dahil bigla akong nagsalita. "Teka! Familiar sa akin yang pangalan na yan. Teka! Oo nga! Siya nga yung childhood crush ko na matalino, pogi, habulin ng chikababess tsk! Iwww !" Hm! Yun pala ha!

Napatawa si Kyle at napaupo sa Sofa. "Haha oo nga daw. Yung sulat mo pa nga daw ang nagpapakilig sa kaniya noon" teka! Inaasar ba ako ng baklang to ? "Ano? Yung sulat ? Egh yung sulat nmn ni Nicole yung nagpakilig sa kaniya egh" napatawa nmn siya sa sa tono ng boses ko.

"Haha! Nagkakamali ka . Ikaw ang gusto niya noon Hindi si Nicole. Lagi kaming magkasama noon ni Evan kaya nalalaman ko ang mga crush at problema niya. Nasa kabilang section ako noon kaya hindi mo ako kilala. Unang kita panga lang daw niya sayo naging crush ka na daw niya. Kinikilig siya sa tuwing nilalaban kayo sa mga patimpalak kasi partner daw kayo. Napaka torpe noon ni Evan kaya hindi ka niya nilalapitan,kinakausap at mabigyan ng sulat. Kinikilig noon si Kyle sa bigay mong sulat kasi hindi siya makapaniwala na gusto mo rin siya kaso biglang umeksena si Nicole kaya naitago agad niya ang sulat at kinuha ang sulat ni Nicole para sa kaniya. Kaya noong tinanong ni Nicole si Evan kung nagustuhan niya ang sulat kaya lang ---" hindi na natapos ni Kyle ang sinasabi niya dahil sa sobrang pagkirot ng ulo ko.

My Gay Bessy is my Future Bebe ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon